Chapter 3

32 0 0
                                    

Dahil friday ngayon at Homeroom ang una naming period, naganahan ako. Dito kasi every week, may naaassign na topic. Pwedeng for family, for friends, for lovelife. Ang cool no? Nakakainspire pag friday. TGIF. Hehe.

"Good morning guise! Tdayyyys friday so alam na." yeah, adviser ko yan. 

"Topic ma'am? Game na! Sayang oras!" classmate 1

"Ay naexcite lang?! Oh, lovelife! Para sa mga broken. Ang baduy!" adviser

Umingay kaagad sa loob ng classroom.  Parang mga bubuyog. Kesho omg! Kesho nakakaexcite! 

"Ok, so let's start. So, let's see kung sino ang matapang ngayon. Class will be divided into two groups. BOYS as group 1 and girls as group 2."

"Woaaaaaaaah!" classmate 2

"Ok so eto na. Sino ang madalas nang-iiwan? Babae o lalake?"

"Sa panahon ngayon, babae na ang madalas nang-iiwan. Makahanap lang ng ibang gwapo, crush na agad." boy classmate 

"Tama! Pagkatapos ng lahat-lahat, nakukuha paring tumingin sa iba. Kesho ang cute! Kesho ang gwapo! OMG! Nakakainis!" boy classmate 

"FYI. Girls are girls. Hindi naman porket tumingin sa iba, o nagkacrush eh balewala na ang boyfriend. Magkaiba ang crush sa minamahal. Paghanga lang naman e!" girl classmate 

"Corrected by! Palibhasa kase, walang tiwala. Selos agad!" girl classmate 

"Eh kung nasa in-a-relationship o taken ka naman na pala, bakit kailangan mo pang magkacrush? Kaya nga may stick to one diba?" boy classmate

 "Alam mo, minsan kase, kaya lang naman tumitingin sa iba kameng mga girls kase nawawalan kame ng atensyon. Chaka bakit ba kung magsalita kayo, e parang lahat ng mali nasa amin. Bakit? Madami din namang mga chickboy!" girl classmate

"Yeah right! Chaka ano ba kasi yung pinakamadalas na rason kung bakit nauuwi sa hiwalayan ang mga magkarelasyon? Hindi ba't dahil sa SELOS? Or dahil sa walang tiwala?"  Si Jackie na yung nagsalita. 

"HEP HEP HEP!!!! Commercial muna. Parang umiinit ang bangayan ha. And, hello Mr. Villegas! Aba't late ka na naman aber?! Ang dami mo na ngang absent, ngayon ka na nga lang ulit papasok, malelate kapa! Ano bang nangyari sayo ha? Bakit ang tagal mong di pumasok? Buti dika nadrop! Hay naku."

OO, tama ang nabasa niyo. Classmate ko siya. So tell me... Paano ako makakamove-on kung nandito na naman siya? Naramdaman ko  na naman 'tong sakit na 'to. Parang bumalik lahat. Pagkaupong pagkaupo niya, nagtama ang mga mata namin. At sa 3 segundong yon, MALUNGKOT. Malungkot ang mga mata niya. Bakit ganun? Diba dapat masaya na siya? Kase wala na ako? Kase wala ng KAMI. Naguguluhan ako. 

"OK CLASS. Proceed."

"Lalaki. Pare-parehas lang sila. Pag nagsawa, mang-iiwan. Ni hindi manlang nila inisip kung anong mararamdaman ng mga babae. Alam niyo ba kung bakit madalas na naghihiwalay ang mga magsyota? Kasi  duwag sila. Napapangunahan ng takot. Takot silang masaktan. Sa tingin niyo? Pano kayo matututong magbike kung takot kayong matumba? Kung takot naman kayong masugatan? Diba nga sa pagmamahal, lahat nasasaktan. Lahat nagpapakatanga. Pero ang mga lalaki, mga dakilang duwag. Ni hindi manlang magawang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan. Tandaan nating, ang mga awayang pagkakataon, hindi hiwalayan ang solusyon." ako yan! 

"Woaaah! Mukhang may pinaghuhugutan Ms. Santos!"

"Sa kasamaang palad, ma'am!''

"Oh, ano? La na ba kayong masabe boys? Nga nga yata kayo ah!"

Pagkaupo ko, nagulat ako ng biglang may nagsalita... 

"Everything happens for a reason."

Lumakas ang tibok ng dibdib ko. Kinilabutan ako sa sinabi niya. Nagkatinginan kame ni Jackie. Bakit ganito? Bakit parang nakahanap ako ng maliit na pag-asa? Pag-asang babalik siya sa akin? 

------------------------------------------------------

[A/N: UD ulit ako mamaya.]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everything happens for a reason (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon