"Ano na namang kabulastugan 'tong pinasok mo Ashia Joahnna Austine?" Maagap kong tinakpan yung tenga ko ng unan.
Galit na naman si Daddy, at ayun nagsisisigaw at para bang gustong gibain ang pinto ng kwarto ko. As if I care? Hindi naman ako ang mag-aayos nun kung saka-sakaling magiba niya yun.
"Hindi mo ba talaga to bubuksan? I'm waiting Ashia! Mag-uusap tayong bata ka!" Malakas pa rin na sigaw ni Daddy.
"Psh! Ang aga-aga naman Dad nambubulabog kayo!" Padabog kung binuksan yung pinto at bumungad sa akin ang galit na mukha ni Daddy.
"Ano 'to?" Tiningnan ko ang hawak niya. Hindi na ako nabigla na nalaman niya.
"May bagsak ka na naman! Kailan ka ba talaga magtatanda, ha?" Muntik na akong matawa ng makita kong parang uusok na ang ilong ni Daddy sa galit. Buti na lang talaga at napigilan ko.
"Yan lang ba dad? You see, I'm still sleepy at ginising niyo ako ng napakaaga para lang diyan? What's new dad? Dapat magtaka kayo kung wala akong bagsak, right?" Inaantok pa talaga ako eh.
"What? What? Did you hear what your goddamn for a daughter say Helen? For goodness sake, she's hopeless!" Halos naghe-hysteria na si Dad pero wala akong paki.
All I'm thinking about is my bed! Ugh I want to sleep pa!
"Emmanuel, calm down. Ashia, can you please stop being a brat? Kailan ka ba magtitino?" Blah blah blah! Please inaantok pa po ako!
"Your daughter won't change and she's leaving me no choice Helen. Kung hindi ko siya kayang disiplinahin, then maybe her grandfather can do." Parang bigla akong nagising ng marinig ko ang sinabi ni Daddy.
Si Lolo? Oh no!
"Emmanuel!" Mommy sige pa, tumutol ka pa please.
"No Helen. If this is what it takes to teach your daughter a lesson, then be it."