4

27 3 0
                                    

Taas noo akong naglalakad papasok ng simbahan. Ramdam ko ang mga titig sa akin ng mga tao roon. Hindi ko alam kung bakit nila ako tinitingnan. Kung dahil ba sa maganda ako? O dahil sa bagong salta ako rito? Or is it because I'm with Rafael?

Kanina ko pa kase napapansing maraming bumabati sa kanya. At marami namang dalaga ang pasimpleng nagpapacute. Tsk! Mga walang taste.

But anyway, I don't care.

Ang inaalala ko lang dito eh baka masunog ako. You know, hindi talaga ako nagsisimba kaya naninibago.

Tiningnan ko si Rafael nung sinawsaw niya yung kamay niya sa may lagayan ng tubig, holy water yata yun then nag sign of a cross siya. Tinitigan niya naman ako na parang sinasabi niyang gayahin ko siya.

"Hindi ba ako masusunog kung ita-try ko yan?" Kinakabahan kung tanong sa kanya.

"Well, try mo para malaman natin. Kapag nasunog ka, it means demonyo ka na talaga." Baliwala niyang sagot.

Tinitigan ko naman siya ng masama at palihim na kinurot kaya napadaing siya ng mahina. Hindi siya sisigaw kung ayaw niyang gumawa ng eskandalo dito sa loob ng simbahan.

"Peste ka!" Pabulong kong sabi.

"Nasa loob tayo ng simbahan! Pwede ba ayusin mo yang pananalita mo!" Paasik niyang sabi pero inirapan ko lang siya at nag sign of the cross na.

Buti na lang talaga at hindi ako nasunog.

Umupo lang kami sa dulo at nagsimula na ang misa. Habang abala ang lahat sa pakikinig, ako naman ay inaantok at pahikab hikab sa buong durasyon ng misa.

"Yes!" Napasigaw pa ako ng matapos ng ang misa kaya pinagtinginan ako ng masama ng mga tao.

Pero wala akong pakialam at dali dali na akong lumabas at pumasok sa ranger. Hindi nagtagal ay sumakay rin naman si Rafael na halatang naiinis.

Puwes kung naiinis siya, naaasar naman ako kaya quits lang kami!

Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng ranger kaya agad akong bumaba ng makarating kami sa mansyon.

Pero hindi pa man ako nakakapasok ay narinig ko na ang malakas na pagbagsak ng pintuan at ang pagsunod sa akin ni Rafael kaya hinarap ko na siya.

Pagod na pagod ako simula pa kahapon. At hanggang ngayon eh ramdam ko ang pananakit ng buong katawan ko. Ayaw ko sanang makipagtalo pero hindi ko aatrasan ang lalaking 'to! Akala niya siguro!

"Ano na naman?" Inunahan ko na siyang magtaray.

"Ikaw? Ano na namang drama yung ginawa mo kanina ha? Kung ayaw mong magsimba dahil inaantok ka, sana naman eh nagbigay respeto ka na lang! Hindi yung sisigaw sigaw ka para ipakitang na bo bored ka na dun! Nasa simbahan tayo for Pete's sake! Can't you just behave?!" Dumagundong ang boses niya kaya mas lalo akong nainis. Maraming trabahador ang nanonood sa amin! Never in my entire life na sinigawan ako ng kung sino sa harap ng maraming tao, ngayon lang talaga!

At ang lakas ng loob ng Rafael na to! Putangina lang!

"Ikaw! Sumosubra ka na ah! Hindi porke't ibinilin ako sayo eh may karapatan ka nang sigaw sigawan ako! Sino ka ba ha? Isa ka lang namang utusan! Alalay! Tagasilbi! Kaya pwede ba tigil-tigilan mo ako sa pagiging bossy mo! Sinusunod naman kita ah! Ginagawa ko na nga di ba? I'm trying, okay? Nagsimba na nga ako di ba? Ano pa bang gusto mo ha? Ipakita kong gustong-gusto ko ang ginagawa ko kahit hindi naman? I have limitations. You know how hard is this to me, but I'm still trying. But please, don't ask too much. I can't give anything more than what I have. Don't push me to my limits." Sumabog na talaga ako at dali-dali akong umakyat sa kwarto.

Naiinis ako! Naasar ako! At kailangan kong gumanti! Oo, kailangan kong gumanti or else hindi matatahimik ang kaluluwa ko kapag hindi ako nakaganti.

Ringgg! Ringggg!

Dalawang ring lang ay sinagot na kaagad ni Andrei ang phone.

"H-hello? Fuck Ashia! You better have a good reason for this call- ohh! I'm in the middle of- ahh that's good babe!" Agad ko nang binabaan ng phone si Andrei.

Alam ko na kung anong ginagawa niya at hindi handa ang virigin kong tenga para makinig sa kahalayan nila. Eww! Kadiri kaya!

Humiga na lang muna ako sa kama, I'm sure tatawag yun maya maya.

Riiingg! Rinnggg!

Sabi ko na nga ba.

"Hello Ashia babe!"

"Yuck tigilan mo nga ako Andrei! Hinay hinay ka lang at baka maubusan ka ng katas mabaog ka pa." Ke tanghaling tapat gumagawa siya ng milagro.

"Hahahahahaha.. Selos ba ang Ashia babe ko?"

"Gago!" Mataray kong sagot.

"Bakit parang ang init yata ng ulo mo ngayon? Oh well, ako nga rin mainit ang isang ulo-" I cut him off! Nakakadiri siya at medyo nai-eskandalo na ako.

"Pwede ba? Tigilan mo muna yang kalibugan mo at may problema ako." Naiinis kong sabi. Siya lang kase ang nakakaintindi sa akin kaya siya lang ang itinuturing kong kaibigan.


"Anong problema Ashia? Teka okay ka lang ba diyan? Pinapahirapan ka ba? Sinasaktan ka ba diyan? Oh God Ashia are you okay?" Nag-aalala niyang tugon.

Ito yung gusto ko kay Andrei. Kahit ano pa man ang ginagawa niya, ako at ako pa rin ang uunahin niya. Kahit medyo may pagka L siya, matino naman siya pag ako na ang usapan. Kahit maloko siya, seryoso siya pagdating sa kapakanan ko. Kaya mahal na mahal ko ang best friend kong ito.


I sigh. Ikwenento ko sa kanya kung ano ang mga nangyari at maagap naman siyang nakinig sa akin.

"So lalaki ang problema mo?" Medyo iritado niyang tanong.

"Yup! Antipatikong lalaki! Kailangan kong gumanti! Lintek lang! Tulungan mo naman ako oh." Pagsusumamo ko.

"I seduce mo na lang." Baliwalang sabi nito habang ako i nanlalaki na ang mata.

"Wtf Andrei! Hindi ko magagawa yun! Hindi ako mahilig sa plastikan noh! At siyaka nakakadiri ang lalaking yun." Inis kong sigaw sa phone.

"Bakit panget? Kunsabagay ako na lang yata ang gwapo sa panahon ngayon eh!" Nagmamayabang na naman.


"Ewan ko sayo! Naiinis na ako Andrei ah!"

"I seduce mo nga kase, tapos paibigin mo then break him! Ang dali lang nun- maliban na lang kung hindi mo kaya?" Sabi niya sa nang-uuyam na tono.

"What? Of course kaya ko!"


"Then problem solve." Binabaan niya na ako ng phone.


Just like what the fuck happen? Parang napasubo yata ako.








But if this is the only way to take revenge, then I willingly oblige. I will break you into pieces Rafael Anthony Dela Vega.

Sem BREAK LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon