RAFAEL
"Manang anong-" natigilan ako ng makitang hindi si manang Lucy ang naabutan kong nagluluto kundi si Ashia.
Anong nakain ng babaeng 'to at ang aga yatang nagising?
"Good morning!" Bati nito.
"Morning." Balik bati ko dahil medyo naguguluhan pa ako. "May sakit ka ba?" Di ko napigilang tanong.
"Huh? Wala naman. Mukha ba akong may sakit?" Sagot nito. At himala, siya ang nag-aayos sa mesa. "Kain na tayo." Umupo na ako sa harapan niya habang tinititigan siya. May mali kase talaga.
"Anong nakain mo at ipapakain ko yun sayo araw-araw. Bigla ka yatang bumait?" Nagdududa ko pa ring sabi. Baka mamaya may lason 'tong pagkain.
Alam ko ang likaw ng bituka ng babaeng to.
"Ano ka ba? Kumain ka na walang lason yan." At nauna na itong kumain kaya sumubo na rin ako.
Tahimik lang kami habang kumakain at nagpapakiramdaman.
"I'm sorry." Di ako makapaniwalang nasabi niya yun. Siya? Si Ashia Joahnna Austine nagsorry? Magugunaw na ba ang mundo?
"Oy I said I'm sorry. At parang maniwala ka na sincere ako, gagawin ko ngayong araw lahat ng ipapagawa mo ng walang reklamo." Napangiti naman ako sa offer niya. Tingnan nga natin kung hindi magrereklamo ang babaeng 'to.
"Sigurado ka ba diyan?" Nakakaloko kung tanong. Nakita ko naman siyang natigilan at parang nag-iisip. Nakita ko ring napalunok siya bago sumagot.
"O-oo naman!" Okay, sabi mo eh!
"Oh sige. Bilisan mo nang ligpitin ang lahat ng yan, hugasan mo na rin tapos sumunod ka kaagad sa akin at may pupuntahan tayo." Sabi ko at naunang ng lumabas.
Ngayon pa lang eh nakikita ko na ang pagsuko niya. I'm sure hindi magtatagal ang maarteng babaeng na yun.
ASHIA
Bwesit!
Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking yun!
Nagngingitngit talaga ang kalooban ko pero kinalma ko muna ang sarili ko at nagbihis.
Sinigurado kong sexy at presentable akong tingnan sa maong shorts ko, sa loose see-through sleeveless white blouse na pinarisan ko ng black tube. Nag white sneakers din ako and VIOLA!
Tingnan natin ngayon kung hindi ka maglaway Rafael! Bwahahahahahaha..
Agad ko siyang nginitian at binati ng makita kung nag-aantay siya sa akin sa labas.
Palihim naman akong napangiti ng makita kong tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa then pinakatitigan niya pa ang mapuputi at makikinis kong legs. Di rin nakaligtas sa akin ang paglunok niya.
Oh ano ka ngayon Rafael? Nganga!
"Let's go?" Malambing kong tanong.
Oo inaakit ko talaga siya. If this is the only way to get even sa lahat ng pagsusungit at pambu-bwesit niya, then be it!
"Huh? A-ah oo." Nautal pa ang gago! Tsk! Boys and their nature!
Makakita lang ng legs akala mo eh litson na ang nakahain.
"Saan tayo pupunta?" Pwe! Pati ako nandidiri sa kalambingan ng boses ko.
"Sa Saint John home for homeless child." Ah hindi niya pala ako papatrabahuin ngayon ng mabigat.
"Ahh.. So anong gagawin natin dun?" I'm striking a conversation para makuha ko kaagad ang loob niya.
"We'll gonna baby sit the children there." Napamulagat naman ako. Baby sit? Ano namang alam ko sa pag-aalaga ng bata? MyG!
"At oo nga pala.." Napatingin naman ako sa kanya ng magsalita siyang muli. "Kadalasan mga sanggol pa ang nandun at sila yung aalagaan natin. So maybe, by chances magpapalit tayo ng diaper nila if needed." Dafak!
"WHAT? EH PAPAANO KUNG MAY POOP?" Di ko mapigilang magtaas ng boses. Sobra! Sobra na talaga kung pahahawakin niya ako ng poop ng batang hindi ko naman kaano-ano.
"Ano? Hindi mo kaya? Sabihin mo lang at iuuwi na lang kita sa mansyon." Nakakaloko ang ngiti nito. At parang nang-uuyam ang uri ng pagtatanong nito.
"H-huh? H-hindi na. Kaya ko naman eh, n-nabigla lang ako." Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.
Ashia wag kang maarte! Isipin mo ang paghihigànte mo! This is just a small sacrifice compare to the prize you might get! Calm down Ashia.. Calm down.
Mahuhulog ka rin sa akin Rafael, at sisiguraduhin ko na babasagin kita.