"Ang bestfriend ko"

32 0 0
                                    

Si mercedes ay napaka-agang gumising para tutulong sa mga gawaing bahay,si Carmen naman ay nag-aral ng maaga dahil exam na nila sa sunod ng linggo.

"Ano ba Sela?,Alas singko na,alas-kuwatro tayo inaasahan sa asyenda."Narinig ni Mercedes ang pagsunod ng mga apak ng ina sa paglabas ng kanilang ama.Ilang saglit pa at narinig narinig na ni Mercedes ang pang-angal ni kalakian.Ipinahila na naman dito ni Mang Hulyan ang luma nilang kareta para masakyan nilang mag-asawa patungo sa hacienda Eden.Palabas na sa bakuran ang kareta sakay ang mga magulang,nang patiyad na tumindig si Mercedes at sumilip sa bintanang sawali.Gustong-gusto niyang sumama sa kaniyang ama at ina para tumulong sa paghanda sa asyenda.Ibig niyang kahit paano'y magkaroon ng kontribusyon sa preparasyon para sa pagdating ni Edmundo Eden,tanging tagapagmana ni Donya Emilia na siyang may-ari ng asyendang sumasakop sa halos buong San Jose,Mindoro.Lahat ng mga taga-Israel na nagtatrabaho sa koprahan ni Donya Emilia ay inatasang tumulong sa preparasyon para sa pagdiriwang sa gabing iyon.Nagtapos kasi ang tanging anak ng Donya sa komersyo kaya ipaghahanda nang todo.Susunod talaga ang mga trabahante kapag inutosan sila ng Donya para hindi sila maalis sa trabaho.Ugali kasi ni Donya Emilia na kapag hindi nasunod ng tauhan ang kaniyang utos ay kaagad pinalalayas sa trabaho.

Pero si Mercedes kahit hindi nagtatrabaho sa asyenda bukal sa loob ang hangaring tumulong sa preparasyon sa pagdiriwang para kay Edmundo.kababata kasi niya ang anak ng Donya.Tuwing magbabakasyon palagi silang naglalaro.At nang nag high school na sila hanggang second year ay nakakausap pa niya si Edmundo.

Sa Maynila nag-aral si Edmundo Eden si Mercedes naman ay sa public naman sa San Jose.Tuwing summer vacation,sumasama si Mercedes sa kanyang mga magulang sa koprahan.Kaya nagkikita sila ni Edmundo.Mabait ang lalaki sa kanya ng hanggang ito ay naging binata na at si Mercedes naman ay mag-dalagita.Ang kabaitang iyon ni Edmundo ang naging dahilan para umibig dito ng lihim ang dalaga.

Ngunit mula nang bakasyon bago sila mag-third year high school ay hindi na umuwi ng Hacienda Eden si Edmundo.Nalaman ni Mercedes mula sa mga na nasa California na pala pinapag-aral ng Donya ang kaisang-isang anak.Lihim na nagdusa sa pangulila si Mercedes.Hindi pa naman namumukadkad ng kaniyang pag-ibig ay naunsiyami na.Nagdalaga siyang maganda,kahit mahirap ay makinis ang kaniyang balat.Kahit maramong nag-alok sa kaniya ng kasal ngunit lahat ng mga lalaki na lumapit sa kaniya ay tinanggihan niya.Iisa lang kasi ang pangarap niyang pag-lagyan ng kaniyang puso."Si Edmundo Eden."Nang mabalitaan niyang darating si Edmundo ay inisip ng dalaga na iyon na talaga ang sagot ng kaniyang mga panalanggin.Kaya gusto niyang tumulong sa preparasyon.Para sa pagdating ni Edmundo ay makita siyang naroon.

"Ate,ano'ng ginagawa mo riyan?"Si Carmen,Nagising na ito at nakitang nakasilip siya sa bintana."Tinatanaw ko lang ang mga Tatang at Inang kung aalis na ba sila patungo sa asyenda"Ani ni Mercedes sa kapatid."Matulog ka uli.Maaga pa."Payo ng dalaga kay Carmen.

"Ikaw,ate ?Hindi ka na matutulog?"Tanong ng dalagita kay Mercedes."Maglalaga na ako ng kape pagkatapos ay maglilinis na ako sa bakuran.Paliliguan ko na rin ang mga baboy."Sagot ng dalaga habang sinuklayan ang mahaba niyang buhok.

"Tutulungan kita,ate."Ani ni Carmen ."Huwag na,kaya ko na,matulog ka nalang dahil kagabi ay napuyat ka sa paggawa ng Assignment mo."Sabi ni Mercedes sa bunsong anak.

"De mamaya na uli ako matutulog.Pagkatapos kitang tulungan,"Sabi ni Carmen."Maghihina ang katawan mo.Kailangan lagi kang malakas para makatapos ka sa pag-aaral."Mahigpit na utos ni Mercedes kay Carmen.

Pinag-iingatan ng buong mag-anak si Carmen.Matalino ito at may puwesto sa honor roll ng kanilang eskwelahan.Pangarap ng kaniyang mga magulang na pag-aaralin siya sa Maynila at pakuhain ng Education.Kaso kulang ang kanilang pera.

"Akin ang umagang ito"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon