CHAPTER 2: As you Wish..

79 3 7
                                    

A/N: Hala~ TT__TT. Sorry ngayon lang ang UD nito. I feel so bad... TT__TT. Well, naging busy din po kasi ako sa tutorial class ko before pasukan at nakahanap naman po ako ng time na ayusin itong UD ko. ^^. Nasiyahan po ako na may mga taong nakapansin ng story ko. ^^. Kahit almost 200 reads lang lumulundag na ang puso ko. ^^. Huwag po kayong mag-alala! Kahit pasukan na i-UUD ko pa din ito during weekends! Enjoy po~ ^^

BTW po~ Krystal as Keira po~ ^^ ----->

____________________________________________________________

<Keira's P.O.V>

"Condolence Keira, stay strong! Ayaw ni Catherine na malungkot ka." Sabi ni Destiny habang nakangiti. Sigh. They've been encouraging me for days and I can't still move on.

"Yeah. I guess." I replied.

"Condolence." Sabi ng isang kaklase namin. 

"I'm sorry for your lost." Sabi naman ng seatmate ko sa harapan.

"Thanks." Sabi ko habang pilit na nakangiti. Sigh.

 It's been 3 days nang mawala ang bestfriend ko, si Catherine, it's been 3 days din ng aking kalungkutan at ng aking pag-iyak. I miss her so much. Hindi ko mapigilan mapatingin sa seat na nasa tabi ko, she's my seatmate. Napangiti na lang ako dahil sa mga kalokohang ginagawa namin pag hindi nakatingin si teacher.  Yung pagbabato ng maliliit na piraso ng eraser sa mga kinaiinisan namin at yung mga ninja moves namin para makapag-text sa gitna ng discussion ni terror teacher.

Yung mga kalokohang pumapasok sa isip namin tuwing nabobored kami. Sigh. She's a one of a kind bestfriend. She always understand me, tinanggap niya ako, at tuwing may problema ako, she gives advices na makakabuti sa akin. Kaya hindi ko pa din matanggap na wala na siya.

Ako nga pala si Keira Villamor. Catherine Dizon's bestfriend, sister, mommy, childhood friend, daddy, bodyguard, lahat lahat na. Sigh. Hindi ko nga alam kung nagkulang ako kaya siya.....nagpakamatay. Palagi ko naman siyang pinagtatanggol sa mga bully.

Tumayo ako. Gusto ko munang makalayo.

"San ka punta?" Tanong ni Destiny.

"Rooftop. Kailangan kong magpahangin." I replied.

Sigh. Madalas na ang pagbuntong hininga ko. I miss you so much Bes Cath.

__________________________________________________

*ROOFTOP*

"FRESH AIR!!!!!!!" Sigaw ko at nahiga sa maduming sahig ng rooftop. Kailangan kong magpahinga. Kailangan kong mapagisa. 

Masyado na akong nababagabag sa nangyari kay Cath. 

*whoooosshh*

"Grabe Cath. Ang tahimik dito sa tambayan natin. Ang lungkot tuloy ng paligid." Sabi ko sa sarili.

Natatandaan ko lahat ng kalokang pinagagawa namin dito sa rooftop. Sigh. Lahat naman ng tao aalis... Lahat ng tao mamamatay... Life is Life.

Nag-indian seat ako at tumingin sa malayo. Bigla na lang pumatak ang luha ko. Sinubukan kong pigilan pero... hindi na kinaya ng kamay ko.

Hinayaan ko na lang pumatak. Bakit mo ba kasi ako iniwan Cath?

*tic.toc.tic.toc*

*tic.toc.tic.toc*

Lumipas ang oras at tumahan na ako. Tahimik ang paligid ngunit nabasag ito ng biglang may ibang tao sa rooftop

 *tap.tap.tap*

"Oh~ Look who's here~ The bestfriend in shining armor! Haha!" 

Napalingon ako at nagsisi ako..

As You WISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon