"EXCUSE ME. Can I ask a question?" wika ng bente-quatro anyos na dalagitang nagngangalang Savannah Dimaguiba. "Para saan uli itong pipirmahan ko?""That's for your marriage contract, Ms. Dimaguiba. Katibayan na kayong dalawa ay legal na mag-asawa at ikinasal sa harap ng husgado," paliwanag sa kanya ng kaharap na family lawyer ng mapapangasawa niya.
Bahagyang lumingon si Savannah sa katabi niyang lalaki at napabuga lamang ng malalim na hininga. So, this was it, right? This moment marked the end of her freedom as a single woman. She will now have to tie the knot with this man.
Napatingin rin sa kanya ang lalaki at nahuli siyang nakatitig rito. Blangko ang mukha nito. Kaya hindi niya mabasa kung ano ang nilalaman ng isip nito sa mga sandaling ito. "Just sign the contract, Ms. Dimaguiba. We're only married through paper. It's not a big deal," kalmadong usal nito sa kanya.
Napakagat-labi si Savannah at lihim na ikinuyom ang mga palad niya. Sinimangutan niya ang lalaki. Not a big deal, huh? Ano nga ba ang alam nito sa buhay-pag-aasawa?
Kahit na sabihing labag sa loob niya ang ginagawa nila ay wala siyang maggagawa. Malaki ang naging utang na loob niya sa lalaki. Gaya ng napagkasunduan ay kailangan niya itong suklian. At katulad ng sinabi nito sa kanya, pareho silang makikinabangan sa bagay na ito.
Kinuha niya ang marriage contract at mabilis na pinirmahan ang kapirasong papel na hindi inabalang basahin ang nakasaad sa dokumento. Para saan pa ang pagbabasa kung alam naman niya ang nilalaman ng nasabing kontrata? She didn't even have the slightest care at all. Ang mahalaga ay matapos na ito at nang makauwi na siya.
"Done," aniya sabay balik ng kontrata sa abogado.
Tinignang mabuti ng abogado ang papel kung saan siya pumirma pagkatapos ay nakangiting lumingon sa kanilang dalawa. "Now it's settled. Congratulations, Mr. and Mrs. Montecillo. You are now officially husband and wife. Matutuwa ang Chairwoman kapag nalaman niya ang bagay na ito. "
Nagkatinginan lang silang dalawa ng kanyang asawa. Ningitian siya nito habang mataman lang niya itong tinitigan. Kung hindi lang talaga kailangan, hinding-hindi siya papayag sa ganitong uri ng kasunduan.
To hell with this man.
This conceited man whose name was Phoenix Montecillo.
BINABASA MO ANG
My Boss and His Contract (REVISE)
General FictionKayod-kalabaw si Savannah. Katunayan, isa siyang workaholic na empleyada ng Montecillo Group of Companies, isang sikat na business company sa buong bansa. Buhat ng iwan sila ng kanilang ama upang sumama sa mayaman nitong kabit ay siya na ang nagmist...