A Mother's Immolation

49 5 0
                                    


[Third Person's POV]

May isang napakahirap na pamilya na naninirahan sa isang malayong sibilisasyon. Ito ang pamilyang Dela Cruz, at ang kanilang Ina na nag ngangalang Arcelita at siya ay may Anim na mga anak na nagngangalang Domi, Remi, Mimay, Fatima, Soraya, at Lala.

Si Arcelita ay napakabait na Ina, dahil sa Hirap na buhay ay minsan lang sila makakakain sa isang araw. Kadalasan kulang na kulang ang kanilang pagkain para magkasya sa kanila.

Pag kumakain sila hinahati at pinagkasya ang isang maliit na biyaya at ito'y kulang pa sa kaniyang mga anak, pati parte niya ibinibigay nalang niya sa kanyang anak. Hindi isang beses nangyari ang ganitong sitwasyon, halos siya ay hindi na makakain dahil ipinapabor na niya sa kanyang anak ito.

At hanggang siya ay gutom na gutom na, isang gabi sila ay naghapunan at pinagsaluhan nila ang kaunting piraso ng kamoteng kahoy . Ipinagkasya niya ito sa kanila, Yung parte niya ay itinira niya kapag sumusumompong yung Ulcer niya.

Arcelita: Kain na tayo mga anak, pagkasyahin lang natin 'to.

Lala: Eh Ma! Kamoteng kahoy na naman?! Nakakasawa na po eh!

Soraya: Oo nga ma! baka maging kamoteng kahoy na tayo nito!!

Arcelita: Pagpasensyahan niyo na Anak, Pag may pera ako bibili ako ng Ulam.

Domi: Eh anong ulam na naman? Tuyo?! O Bagoong?!!

Arcelita: Hindi anak, maghahanap ako ng mas masarap.

Pagkatapos nilang kumain yung parte niyang itinatago ay nakita sa kanyang mga anak at hinihingi ito. Dahil siya'y isang Ina, hindi niya itinatanggi ang pagbigay nito sa kanyang mga anak.

Remi: Oi ma! Amin nalang 'tong pagkain mo ha, gutom pa kasi kami eh!

Arcelita: Sege anak, pagkasyahan niyo nalang yan.

Lumalala na ang kanyang karamdaman dahil sa hirap ng buhay ay hindi makabili ng Gamot at mag pa tingin sa doktor. Sa isa namang pagkakataon may isang pirasong saging, at ito ay itinago niya sa isang galoon na lagyanan ng tubig.

Hindi niya kayang kumain sa harap ng kanyang mga anak kahit gutom- na gutom na siya at nag-isip nalang siya na mag-igib ng tubig doon sa balon. Dala-dala niya yung Galoon na pinaglagyan niya ng saging.

Pumunta siya sa Balon at doon sana niya kakainin at ito pala ay napansin ng kanyang anak na may saging na inilagay sa Galoon. Sinusundan na pala siya ng kanyang anak, siya'y nagmadaling pumunta doon dahil siya ay gutom na gutom. Pagdating niya doon di na namalayang sinusundan pala siya ng kanyang mga anak. Binalatan na niya yung saging at kakainin na sana niya , subalit dumating ang kanyang mga anak at ito'y hinihingi. Dahil siya'y isang mabuting Ina, ibinigay niya sa kanyang anak yung saging. Kaya hindi na naman siya nakakain.

Mimay: Ma!! Amin na yan please, gutom na kasi kami eh!

Fatima: Oo nga ma! gutom na ako.

Arcelita: Ito anak oh, inyo na yan kasi Mahal na Mahal ko kayo. Tandaan niyo yan ha.

Lumala na ng Lumala ang kanyang sakit at Isang araw siya ay sumakabilang buhay na. Ang kanyang anak na naiwan ay nagkawatak watak.

End of Story!

This is a Moral Lesson na dapat nating pahalagahan, ang ating Ina at Mahalin, dahil sila ay ating gabay hanggang paglaki at pagtanda natin. Walang makakapantay ng isang Ina na nag Mamahal sa kanyang Anak kahit sarili niya ay ipanabayaan para lang sakanyang mga anak.

******
Ok lang ba? haha.
Thank you sa pagbasa ha.
Please do Vote and Comment kung nagustuhan niyo.

Love,
xoxoaszyenohalle

A Mother's Immolation (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon