Chapter 69

910 14 1
                                    

CHAPTER 69

JAMIE'S POV


Patrick: "Pili ka lang dyan. Kailangan mong magpataba."

Jamie: "Ano?! Ayokong tumaba noh. Hmp."

Nakakaasar tong si patrick. =___= Gusto niya akong patabain. Ang payat payat ko daw kasi. Tss. Hindi naman eh. Ang sexy ko kaya.

Anyways, nandito kami sa isang restaurant. Napagisipan kasi ni patrick na kumain sa labas. Ewan ko ba dito kung bakit niya yun naisipan. 

3 araw nalang at gragraduate na kami. Nakakalungkot na nakakaexcite kasi kahit papaano, makakasama ko pa din mga kaibigan ko sa iisang university at si patrick. Nakakalungkot kasi, mamimiss ko ang high school.

Patrick: "Hahaha joke lang. Sexy mo kaya. *wink*"

Tss. Bipolar at bolero. Pero aminin, kinilig ako dun. Hihihi.

Jamie: "Che. Umorder ka na nga dyan. Wag mo ng pagantayin si kuya."

Nakakahiya. Nakatitig lang yung waiter samin. Si patrick kasi eh. =____=

At ayun nga, umorder siya. Sabi ko konti lang.. Yung kaya namin ubusin. Hindi naman kasi ako ganun katakaw. Pagkatapos namin kumain, nagbayad na at lumabas. Pumunta kami sa park. Lakad lakad. Okay lang kahit gabihin, wala namang pasok bukas eh.

Biglang hinawakan ni patrick yung kamay ko. Holding hands while walking na kami ngayon.

Patrick: "Ang sarap hawakan ng kamay mo. Hinding hindi ako magsasawa."

Anobayan. Ang hilig mag pakilig nito ni patrick. Simula nung naging kami, sobrang sweet niya. As in define sobrang sweet talaga. Minsan, pupunta pa siya ng bahay para mag goodnight. At minsan may dala dala pang flowers at chocolate. Kinakantahan pa niya ako kahit gabi na. Nakakahiya nga kasi nabubulabog mga kapit bahay eh. Though, natutuwa sila kasi ang sweet daw.

Ang sarap sa feeling pala ng nagmamahal noh?

Patrick: "Jam.."

Jamie: "Hmmm?"

Patrick: "Mahal mo ba talaga ako? Walang halong biro."

Hala. Bakit naman kaya yun natanong ni patrick? Nanghihinala ba siya? Baka loko loko lang yung sinabi kong mahal ko siya? Tss. Nagkakamali siya. Medjo tagustagusan na nga yung pagmamahal ko sakanya eh. 

Lucky I'm Inlove [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon