Chapter 68

806 12 1
                                    

CHAPTER 68

JUDE'S POV

Kahapon.

Kahapon.. Yung araw na sinagot ni jamie si patrick. Hindi ko to sinasabi dahil nasasaktan ako. Nagulat na nga lang din ako eh kasi hindi na ko nasasaktan kapag nakikita ko sila. Pero hindi talaga yun ang gusto kong sabihin..

Kahapon din yung araw na narealize ko na.. wala na pala talaga akong feelings para kay jamie. At kahapon ko lang din naisip na.. Nagsisimula na akong mahalin si... keesha.

FLASHBACK

Nagstart na yung first song. First and last dance ko kasi si keesha. Pero teka.. Nasaan na ba yun? Bigla nalang nawala. Kanina lang, nasa tabi ko siya. Nak ng! =_=

Hanap...

Hanap...

Hanap...

At ayun. Nakita ko na siya. M..may...

May kausap na ibang lalaki habang nagsasayaw.

OUCH.

Ewan ko ba. Pero nakaramdam ako ng kirot sa puso. Selos ba to? Pero parang imposible eh. P..parang ang bilis naman yata? Psh. Wala lang to.

Pupuntahan ko ba? Baka mamaya maistorbo ko sila. Mukhang ang saya saya ni keesha habang kausap niya yung lalaki eh. Wag nalang.

Pero ang weird ko. Kahit na sinabi ko sa sarili ko na wag puntahan, pinuntahan ko pa din. Lecheng mga paa talaga to oh. Sinabi ng ayokong pumunta eh. Pero mas nagulat pa ako nung sinabi kong...

Jude: "Ano ba keesha. Kanina pa kita hinahanap." Cold ang pagkasabi ko nun. Ano bang nangyayari sakin? o_o May kaluluwa bang sumapi sakin? Bakit ako nagkakaganito? 

"Ahh.. Pare, niyaya ko kasi siya maging first dance ko eh."

Jude: "Ah ganon? So.. kinalimutan mong sinabi ko sayo na ako ang first at last mo?"

Keesha: "Huh? A..anong sinasabi mo? W..wala kang sinasabi sakin."

Lucky I'm Inlove [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon