-- I K A A P A T N A S I S I D --

350 11 2
                                    

Love is… something you can’t hide from.

                Madalas na kaming magkasama ni Vincent mula nung insidente sa resto. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis ang kilig ko sa nangyari matapos naming kumain noon.

[Flashback]

“You know what, Vince? I think I like you a lot.” Oh diba straight to the point? Wala nang patumpik-tumpik! Alangan mo pang bitinin ko pa ‘yung tao. If I know eh head over heels rin naman siya sa akin. Mwahahahaha! Kapal ko.

“And I like you too, Lianne.” Kinurot niya ako sa pisngi at hinawakan ang kamay ko. Spell kilig. HAHAHAHA.

[End of flashback]

Kilig much na ako roon. HAHAHAHA.

“Sigeeee, magdaydream ka hanggang sa gusto mo. Basta ‘wag kang lalapit sa akin kapag gawaan na ng thesis ah. ‘Tong taong ‘to. Luma-lovelife lang lagi nang nakanganga.” –Tin

“Ang epal mo talaga.” Sabi ko at nag-pout pa ako.

“Uy ‘Tal, i-reto mo naman ako diyan sa fafabols mo.” Sinamaan ko ng tingin si Caith. Nag-peace sign siya sa akin.

“Break na ba kayo nung gagong ‘yun at aagawan mo pa ako? HAHA.”

“Gaga. Wala na kami ni gago. Kaya nga i-reto mo ako eh. Baka may fafang hunk na kaibigan ‘yung Vincent mo.” –Caith

“Asa. Si Tin nga hindi ko mahanapan ng pamalit kay Steven eh, ikaw pa kaya eh ang choosy mo.” Natatawa kong sabi.

“Oy, paano naman ako nasama sa usapan niyo ha?” –Tin

“Eh pa’no kasi ang sungit mo! Kailangan mo na ng bagong fafabols, ‘yung papansin naman sa beauty mo! Hindi katulad nung Steven mo, puro libro, libro, libro. Hindi ka tuloy napapansin. Sayang ang feslak mo atii!”  Sabi ni Caith habang tinatapik-tapik ang baba ni Tin.

“Kung hindi rin lang naman si Steven eh ‘wag na lang.”

“Nakuuu~ tatanda kang dalaga!” –Caith

“Edi tumandang dalaga! Okay lang sa akin.” –Tin

“Imposible!” Sabay pa kami ni Caith na nagsalita. Napatawa na lang kami. “De, seryoso Tin. Pabubulukin mo ang beauty mo dahil lang ayaw kang pansinin ni Steven?” –Ako

“uh.. mauna na ako ha, shift ko na sa library eh.”

“Hoy! Wag kang umalis Tin!” Sabay hila ni Caith sa kanya.

“Ano ba Caith?! Hindi naman ako ang topic niyo diba? Wag niyo na ako idamay diyan, may gagawin pa ako!” Sabi ni Tin habang inaalis ang kamay ni Caith. Eto talagang si Tin, laging iwas sa lovelife topic. Nakalas na ni Tin ang pagkakahawak ni Caith, at dali-dali siyang umalis.

“Bahala ka. Basta next week, may boyfriend ka na!” –Ako.

Ilang saglit pa’y tumunog na rin ‘yung bell. Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila. Magkabilang building kami, kaya naman hindi na kami sabay na naglakad. Buti na lang at nakita ko si Steven. Uy, ano kaya kung…

“Hi *hingal* Steven! *hingal* HAHA.Bati ko sa kanya.

“L—Lianne?” Gulat niyang sabi. Cute si Steven. Maputi, matalino, tahimik,  brown ang mata at nakasalamin.  Half-British siya. Kamukha niya nga si Harry Potter eh, kaya nga siguro hindi siya mapakawalan ni Tin, mahilig kasi ‘yun kay Harry Potter.

“Oo, HAHA. Buti natatandaan mo pa ako.”

“O-oo naman. Kilala ka ng lahat eh.” Sabi niya.

“Huh? Ngayon ko lang nalaman ‘yun ah! HAHAHA. Paano mo naman nasabi?”

Napakamot-ulo siya. “Eh, kasi.. lagi kang lumilipat ng classroom?”

Natawa na lang ako.

“Gusto mo ng girlfriend?” Nakangisi kong sabi.

 “A-an.. Ano?” Nauutal niyang sabi.

“Budoy ka ba?” –Ako

“Bakit?” –Steven

“Eh kasi utal ka eh! HAHAHA.” Hindi siya natawa. Ano ba naman ‘tong lalaking ‘to. Walang excitement sa katawan! Walang sense of humor! Paano nagustuhan ni Tin ‘to?

“So ano nga? Gusto mo ng girlfriend?”

“Para saan naman ‘yun?”

“hmm… para may magpapasaya sa’yo?” Nakangiti kong sabi. ‘Yung parang ngiti ni Cheshire cat. HAHAHA.

“Masaya na ako kung hindi ako guguluhin ng ibang tao sa pag-aaral ko.” Nubayun, sagot ba ‘yun?

Naglakad siya palayo sa akin.

“Uhm.. oo na lang? HAHAHA.” Hinabol ko siya. “Bahala ka. Gusto mo bang malaman ng parents mo lihim mo? HAHAHA."

Liningon niya ako. Ako naman nakasmirk lang. HAHAHA. Galing mo talaga, 'Tal!

---

[Fast forward. Ang epic lang eh. HAHAHA!]

                Mag-isa lang ako sa bahay, kaya naisipan kong manood na lang ng movie pag-uwi. Buti na lang sa daan ko pauwi nakakita ako ng mamang nagbebenta ng DVDs, ‘yung pirated. HAHA. Oha, 30pesos lang ‘yan, Blu-ray na daw. HAHAHAHA. Napili ko ‘yung Must Be Love, sabi kasi ni Tin maganda raw ‘yun eh.

Teka, ang init! Ligo nga muna ako, nanlilimahid na ako eh.

Pagkatapos kong maligo, hindi na muna ako nagpalit ng damit. Mag-isa lang naman ako sa bahay eh. Nagbathrobe muna ako. HAHA. Sossy ko, may bathrobe-bathrobe pang nalalaman. xD

“Popcorn, drinks, dim lights, check.” Naupo na ako sa harap ng TV. Kilig much! HAHAHA. Hindi ako KathNiel fan, hindi rin naman ako hater.. pero nakakadala talaga ‘yung story eh. Chos.

Nasa climax na ako ng story. Nakuha ng atensyon ko ang sinabi ng isang character sa pelikula. Hindi ‘yung slo-mo ang true love, kundi ‘yung fast-forward. Parang ganun ‘yung line. Napanganga ako. WAH?! Eh, paano na ‘yan, slo-mo pa naman din ‘yung drama namin ni fafa Vincent ko.. Oh no! Hindi pwede ito.

*BOGSH!* napahinto ako sa pagpukpok ko sa ulo ko. Ano kaya ‘yung kumalabog? ‘Yung ulo ko kaya? Pinukpok ko ulit ang ulo ko. Hindi naman katulad ng tunog kanina ah.

*BOGSH!* WAH! Ayan na naman ‘yung tunog. Galing sa taas! Anong gagawin ko?!

Kinuha ko ang walis tambo at flashlight saka umakyat sa itaas. Nakita kong nakaawang ang pinto ng kwarto ko. Kyah!! May magnanakaw sa bahay namin! Ano kayang gusto niya sa kwarto ko?! Wala namang pera diyan o gadgets eh.

Teka, baka ‘yung undies ko?! Ghawd! Wag ‘yung Victoria’s Secret lingerie koo! Regalo sa akin ‘yun!

Wala nang atrasan ‘to. Baka kunin niya ang lingerie ko. Dali-dali akong humakbang papalapit ng kwarto ko.

“Anaknamput! Ano ‘to?!” Sabi ng boses sa loob. Ghawd! Lalaki ang nasa loob! Jusko, baka reypin ako nito pagpasok ko!

“SINO KA?!” Sigaw ko sa kanya habang nakaamba ang tambo sa ulo niya. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. ‘Yung lalaki, topless at basa! Ghawd, ang pogi niya in fairness! >< Teka, bakit ang init ulit? Wooh!

Binaling ko ang tingin ko sa hawak niya, at lalong nanlaki ang mata ko. “B-BAKIT MO HAWAK ‘YUNG… ‘YUNG…” Potek! Ang hirap sabihin! >//< “‘YUNG P---pa—PANTY KO?!”

[AN: Bibitinin ko muna kayo ha? hahaha. :* gaya ng sabi ko nung nakaraan, don't judge the food by its smell. hahaha. naintindihan niyo naman yun diba? :) byeee munaaa~]

Nabingwit Ako Ng Isang SirenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon