-----Eris Imperial's POV-----
Ako naman si Eris Imperial ang ikalawang anak na babae nina Tomoko at Kelvin Imperial. Katulad ni ate Megan ay hindi rin maganda ang trato sa akin ng aking lolo na si Zheng Imperial dahil sa aming magpipinsan ay ako lang daw ang engot at tatanga-tanga.
Kasalanan ko ba kung hindi ko namana ang katalinuhan ng lolo at mga tito ko?
Umiiyak ako isang araw matapos kong malaman na ipapakasal ako ni lolo Zheng sa isang lalakeng hindi ko pa nakikita kailanman.
"Ayokong magpakasal lolo... ang bata-bata ko pa para dun..." naglulupasay ako sa sahig habang umiiyak.
14 years old lang kasi ako ng mga panahong iyon tapos ipapakasal na niya ako sa isang 19 years old na lalakeng nagngangalang Dylan Ocampo para lang sa merger ng mga kumpanya?
"Daddy wag naman po si Eris, ang bata pa po niya wala pa po siya sa tamang edad" Pagtutol din ng aking ina.
"Tomoko, hindi mo yata batid ang saklaw ng kapangyarihan ko! Kaya kong mag-utos ng mga tao upang pekein ang edad ng anak mo! Matangkad naman siya kaya di mapaghahalataang menor de edad pa." Saad sa amin ni lolo Zheng.
"Kelvin, pigilan mo si daddy please..." pagsusumamo ng aking ina sa aking ama.
"Dad, bakit kailangang si Eris pa? Bakit hindi na lang po si Megan?" suhestiyon ng aking ama.
Si ate Megan naman ngayon ang umalma. "Daddy lalong ayoko! May boyfriend po ako at nagmamahalan kami! Si Eris na lang po kasi wala pa naman siyang boyfriend."
Meganun? O.o
Tumigas ang anyo ni lolo "Si Eris lang muna dahil sa mga apo ko ay siya ang pinaka-walang pakinabang. Tingnan mo nga, puro bagsak ang marka niya sa school at kung kumilos siya ay sobrang tatanga-tanga!"
"Kaya ipamimigay niyo na lang siya dahil wala siyang pakinabang?!" galit na turan ng aking ina.
"Mapapakinabangan lang siya ng mga Imperial kung magpapakasal na siya!" Yun ang huling desisyon ng aking lolo at kahit ang mga magulang ko ay walang nagawa upang pigilan ito dahil kahit si mommy ay ikinasal din noon ng maaga kay daddy na mas matanda sa kaniya ng ilang taon.
Ganito ako dito sa Imperial Family, ang tingin sa akin ng lahat ay reyna ng sablay at wala na akong ginawang tama. Kaya wala akong karapatang mamili ng magiging kapalaran ko dahil para sa kanila ay engot ako at mapapakinabangan lang para sa merger ng kumpanya.
Natigil ang pakikipag-usap namin kay lolo ng biglang dumating si Samuel at may binulong siya kay lolo Zheng.
"Nandiyan na po ang mga Mafia..."
"Sige Samuel, papasukin mo na sila."
Sa go-signal ni Samuel ay nagmartsa papasok sa sala ang mga lalakeng naka black-suit at naka-shades ng itim na parang James Bond ang mga postura.
Nataranta na ako ng isa-isa silang pumasok sa loob ng sala.
Naku, pano yan? Nandito na ang mga Mafia at sigurado akong kasama nila ang pinaka-bata nilang leader na si Levi, ang pinaka-bunsong anak ng kaibigan ni daddy. Madalas pa naman siyang sumasama sa daddy niya sa pagpunta dito sa Imperial Palace kaya nga dito kami nagkakilalang dalawa.
Hindi niya ako pwedeng makita na ganito ang itsura kaya nagtatakbo ako pabalik sa kwarto bago pa man siya makapasok sa sala.
Nang nasa loob na ako ng kwarto ay biglang may kumatok ng malakas sa pintuan ngunit sa tingin ko ay hindi si mommy yun o si daddy dahil hindi naman sila malakas kung makakatok. Nag-aalangan tuloy akong buksan ang pinto dahil sa tingin ko ay si Levi ang nasa labas.
BINABASA MO ANG
Imperial Ladies
RomanceBOOK 2 po ito ng minahal niyong Imperial Brothers. Kwento ito ng mga apo ng malupit na lolo na si Zheng Imperial. Pano haharapin ng IMPERIAL LADIES ang buhay, kung sa mundong kanilang ginagalawan ay kailangan ng PAUTAKAN at minsan kailangan mong ma...