Days

11 0 0
                                    

.......
MIMI'S POV:

Oha guys ako daw muna kasi busy yung iba. So eto na nga hay naku sa totoo lang nakakaloka ang mga nangyayari samin pag kasama namin si Laishirrah.

Unang una na yung babaeng galit na galit kay Ichiro. Like Ichiro, she's one of the seven corsh but we really don't know, why she's so angry to lord Ichiro back then. Basta nagkabati na lang sila. Tapos ang shocking naging friend na namin sila ambilis sobra. At ang bait din pala ni Lucy.

Tapos may bago ulet na umeksena na isa rin sa pitong war corsh. Ang gulo niya nakakainis nga eh kasi paepal feeling sikat. Sobrang ligalig.

Hays parang lately sobrang marami na kaming nagiging kaibigan. Hindi naman kami ganto dati. Until we found out the magic world and tranfered to this school.

Sa totoo lang hindi ko inaasahan ang lahat. Na isa rin pala ako sa mga may kapangyarihan. Eh nung nakaraan lang nanunood pa ko ng heneral luna ngayon wala ng sine. Puro kababalaghan ang nangyayari sa buhay namin.

Tapos yung laging may parang sumusunod samin pero siguro imagination ko lang kasi parang wala naman silang napapansin. Kaya binalewala ko na lang.

"So class, we're almost at the preliminary examination. We will see the most absorb students here in your section." said by sir Lake.

I raised my hand.

"Yes? Ms. Jackson?"

"Yung mga seven war corsh din po ba makakasali?"

"From what I heard they will. So better be prepared. The counsil said that it will be a competition. I dont know yet the exact plan for it." nag-ayos na siya ng gamit niya at umalis na.

Lumingon ako kay Kitty na nakikipagchikahan kay Mads. Si Mads naman todo taas ng salamin feeling scholar.

-- tapos andun yung mga hero! si Jose Rizal yung makatang hindi abot ng utak ng lahat." daldal pa Kitty.

"Gaya din ba sila ng seve--

-- hindi kasi wala silang powers! Pero si Hen. Luna may powers! Kaya niyang pasunurin ang sinuman!"

"Talaga?"

"Oo! Pramis! Mamatay ka man. Gusto mo ngayon na eh" tinaas niya pa yung kamay niya tapos nanlalaki yung mga mata niya.

Natatawa na ko kasi para silang tangang dalawa.

Dalawang uto-uto at isang paniwalang paniwala sa sarili niyang kwento.

"Wag naman Kitty! So anong Crem niya? I mean yung kakayahan niya?"

"Edi yung Artikulo Uno! Sikat yun samin! Pag nd ka sumunod patay ka na!"

"Talaga? Ang galing naman!"

"OO! Kaya lahat sumusunod! Di ba Mimi? Magaling si Heneral Luna?" tingin naman sila saken.

Lumapit ako sa kanila para makipagchikahan na rin.

"Oo, ganun siya kagaling! Daig ang pambato natin dito!" sabi ko. Kaso si Mads wala yung atensyon sakin.

May napapansin ako rito kay Mads laging nakikinig kay Kitty kahit wala namang sense yung mga sinasabi. Tas kung makakatitig pa makalaglag bra.

"Hoy Mads! Mamaya mo na i-hypnotize si Kitty. I'm talking ya know." pinaling ko yung ulo niya sa mukha ko. Napangiwi naman siya.

Tipong magsasalita na siya ng biglang pumasok ang hindi namin inaasahan.

"AAAHHH!!!!!!!!"

"LOOK WHO'S HERE!!!"

Corsh AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon