*BLAGGGG!!!*
Ingay mula sa labas ang bumulabog sa aking sobrang payapang pagtulog. Bumangon na rin ako kasi pagtingin ko sa bintana pasikat na yung araw.
"Aaaahhh!!"
Napatayo naman ako agad at napalabas ng kwarto ko ng biglang may sumigaw na sinundan pa ng isa pang malakas na lagabog.
"Ano bang--
Shocks!
Pagkababang pagkababa ko bumungad agad ang magulong sala. Nagkalat ang iba't ibang gamit. Sapatos, damit, sandok, kaldero at kung anu ano pa.
I roamed my eyes inside this house yesterday it was clean and awesome but looking in it now? Nah ah this just a dream. A disaster dream.
"Lai! Watch out!"
Huli na ng mapansin ko ang paparating na bagay. Tinamaan na ko ng lumilipad na SEPILYO!!!
Sa isa pang beses ay inisip ko na panaginip lang lahat pero pagdilat ko nakita ko pa rin yung sepilyong sumabit sa buhok ko.
Pagangat ko ng tingin ay nakita ko naman si Mimi na may hawak ng sandok at akmang ihahampas duon sa lalaking nakapolo ng white at nakabukas ang tatlong butones. Habang sa sofa naman ay nakaupo yung isang guy na may hawak na libro. Tipong walang pakielam sa mundo gumuho man ngayon yung buong paligid niya.
Napatingin naman ako dun sa isa pang lalaking nakasando na papadaan sa pintuan ni Kitty. Sakto namang pabukas yung pinto kaya nasapol sa mukha yung lalaki.
Sa main door naman ay papasok sila Shiro at Lucy habang nakabuntot si Fly. Kaso may isa nanamang bagay ang lumilipad at patungo ito kay Shiro na ng mga sandaling ito ay nakangiti at kinakausap si Lucy.
At sa isang iglap ay tumama na yung sandok yung hawak pala kanina yun ni Mimi.
Naging asul agad yung mga mata ni Shiro tanda na galit na sya.
Patay!
Lumabas agad ang apoy sa kaliwang kamay niya. Kita na namula yung mukha niya. Hindi ko talaga alam kung aawatin ko ba sila o matatawa kasi sobrang gulo.na nga at dumagdag pa si Shiro na hiyang hiya dahil yung kaldero na lumilipad ay tumama sa mukha niya mismo.
"Shiro, tama na yan! Baka makasakit ka."
Pero hindi niya ko naririnig habang si Lucy naman ay pinipigil si Mimi sa pag-away dun sa lalaki na sobrang pamilyar.
"Shiro stop it! Right now!"
His eyes turned red sign that he is now calm but I don't like that smirk on his lips.
Then he shout.
"Game! Lets get ready to rumble!!!!"
Tapos nakibato rin siya ng mga gamit.
Bali parang magkakampi sili ni Mimi kas patungo lahat ng bato niya dun sa nakapolong white.
Sobrang gulo lipad dito lipad doon ang iba't ibang gamit. Tapos si Kitty naman natulala na dun sa lalaking nakasando na si King.
Ayoko ng umawat kaya nagtungo ako sa hagdan.
Tutuloy ko na lang ulit yung tulog ang kaso pagpunta ko sa hagdanan may nakatayo na doon.
Kunot na kunot ang noo at parang masamang gumawa ng ingay kung hindi ay baka hindi kana sikatan ng araw.
"A-ano.... G-good morning.."
Nakangiwi kong bati. Kaso hindi man lang niya ko tinignan. Naningkit yung mga mata niya kaya napalingon ako. Lumilipad patungo sakin yung isa sa upuan sa sala.
BINABASA MO ANG
Corsh Academy
RandomA place where all unique people are living. But what if the legendary characters are missing ?? The two powerful creatures are gone?? What will happen if one of the two don't remember anything in her past?? (edi nganga -_- walang story) Hays... Join...