PAALALA: tagalog po ito, baka hindi nyo kayanin ang words. so bahala na kayo kung tutuloy kayo sa pagbabasa o hindi :-)
---
"Now tell me, what is article 1 all about?" tanong ni Mr. Viceral sa kanyang mga estudyante.
Jose Marie Viceral, isa sa mga sikat na sikat na propesor ng Philippine Constitution sa IST Secret Files. Sikat, dahil sa mga negatibong deskripsyon tungkol sa kanya. Masasabing istrikto sya, at hindi aabot ng isang linggo'y ang mga estudyante nya ay nagddrop dahil natatakot sa kanya.
"Sir!"
"Yes Ms. Tatlonghari? Stand up."
"Article 1 is about the National Territory"
"Correct. Now what do you mean by Archipelago Doctrine?"
"All 7,708 islands between, or around the archipelago is owned by the Philippines"
"Thank you Ms Tatlonghari, sit down."
Ana Karylle Tatlonghari, 3rd year college. Isa sa mga paboritong estudyante ni Mr. Viceral, bakit? Dahil sya lang ang nakakapagpalabas ng kahinaan ni Mr. Viceral. Siya lang ang estudyanteng hindi natatakot dito. Siya ay hindi ganoon kasipag mag-aral ngunit kahit na may retaining grade ang kanyang course, hindi siya nagdrop sa subject ni Mr. Viceral. Siya kasi ang estudyanteng hindi masipag pero likas na matalino at matapang. Gustong gusto ng challenges sa buhay.
----flashback (first meeting)
Magka-usap ang magkakaibigang si Karylle, Anne, at Angel sa classroom. First day of class at hindi sila nakapasok sa second subject nila dahil 30 minutes late ang kanilang prof, at kung kelan umalis na sila, doon naman ito dumating. Dumiretso na lamang sila sa kanilang panghuling subject ngayong araw na ito. Philippine Government and Constitution ang subject.
"Excuse me, kayo ba ang next class dito?" tanong ng professor pagbukas nya ng pintuan, siya ay mula sa kabilang classroom. Sabay-sabay namang tumango ang tatlong magkakaibigan.
"Ah, hindi ba kayo aalis dito?" tanong muli ng professor.. "Hindi po." sagot ni Karylle, ngumiti naman ang professor at pumasok ng tuluyan. "Palagay lang ng gamit ko ha?" sabi ng professor at inilagay ang kanyang mga gamit sa lamesa, 'saka naglakad muli palabas.
"Siya prof natin sa consti, ang pogi ah" sabi ni Karylle sa mga kaibigan, ngumiti lang naman ang mga ito. Si Karylle naman ay natahimik at muling inisip ang itsura ng kanyang prof, "ang pogi talaga nya" sa isip isip ni Karylle.
"Uy! Omg!!!" biglang pumasok sa classroom nila ang kaibigan nilang si Marian, napatingin naman ang tatlo dito, at nag "bakit-anong-meron" look.
"Yung professor nyo sa consti, yun ba yung kakalabas lang?" tanong ni Marian sa tatlo, agad namang sumagot si Karylle "Oo, ang pogi noh?" .. napatili naman si Marian, "Girl! Yun yung sikat sa IST secret files!!!" .. ng marinig ito ni Karylle, lumaki ang mata nya. "OMG? SI MR. VICERAL?" tanong ni Karylle kay Marian, tumango naman si Marian. "Shit." nasabi na lamang ni Karylle.
..
..
..
Unti unting napuno ang classroom nila Karylle, nagsi-datingan na ang mga kablock nya. Mabuti na lamang at wala naman daw ginawa sa klaseng kanilang hindi napasukan. Ng maayos na ang lahat, muling pumasok ang professor nila sa Constitution. Napayuko si Karylle dahil sa kaba, kinakabahan siya dahil buong bakasyon nyang ipinagdarasal na sana hindi nya maging professor ang taong nasa harap nila. Ngunit, mukhang sinusubukan talaga sya ng tadhana."Get 1/4 sheet of paper, write down your names and pass it forward." pagbati ni Mr. Viceral sa kanyang mga estudyante. Sinunod naman nila ito. Makalipas ang ilang minuto'y hawak na nya ang mga papel na may pangalan ng kanyang mga estudyante
BINABASA MO ANG
SssshPG | vicerylle
Fanfiction"She looked like the kind of woman I could fall in love with. Trouble is, she was standing next to the kind of woman I'd like to make love to. " ― Jarod Kintz, This Book Has No Title //spg vicerylle version//