NEXT

823 12 16
                                    

Marielle's POV

Malapit na kong matapos dito sa sinusulat ko ng may tumawag sa mamahalin kong pangalan. Lol.

"Marielle!" automatic naman akong lumingon sa tumawag sakin. Nakita ko ang pagkumpas ng kamay ng kaklase ko na sinasabing lumapit daw ako sa kanya. So ayun lumapit ako.

"Oh bakit?" sabi ko ng nakataas ang kilay.

"Taray neto, pinapatawag ka daw ni Miss Madilig sa faculty room" sabi niya at umalis na.

Ang init kasi kaya medyo nababadtrip ako tapos eto pa.

Ano naman kayang kailangan ng teacher na yun sakin? Hindi kaya papapagalitan niya ko kasi lagi akong natutulog sa klase niya? Pero hindi naman mababa ang grades ko sa kanya.

So kaysa magtanong ako ng magtanong dito sa sarili ko, dumeretso na lang ako sa faculty room ng malaman ko. Minsan talaga ulaga rin e.

Kunot noo akong naglakad dahil napakainit talaga. Nakakainit din ng ulo! Isa rin kasing kinaiinis ko dito ay yung ibang tingin ng tao, like hello? Ngayon lang ba sila nakakita ng taong naglalakad sa hallway? Psh! Ganto lagi dito lalo na sa building nitong 3rd year, akala mo naman may krimen kang ginawa at kung makatingin sila ng ganun. Aish, ewan sa kanila. Di naman ako ganun nung 3rd year ako.

Nung nakarating na ko dito sa malayong faculty na to, pumasok agad ako at hinanap si Miss Madilig. Nakita ko naman ang pagkaway niya. Feeling close.

Lumapit ako. "Pinapatawag mo daw ako miss?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng malapad bago magsalita. I smell something here.

"Ah kasi miss madrigal, may favor sana ako sayo.." pagsisimula niya. Emotionless lang ako at hinihintay ang sinasabi niyang favor. Nakita ko ang paglunok niya.

"Ano, did you know Mr. Astrid? He's sitting next to you kaya wala ka pang katabi sa class" tumaas ang kilay ko. Tumango ako ng sign na kilala ko nga siya sa PANGALAN pero hindi sa muka. Marami akong nakikinig tungkol sa kanya kaya ko siya kilala. Ang alam ko kasi kaya hindi pa yun napasok ay natagpuan siyang puro dugo sa damit niya at nasuspend siya dahil nun. Dahil daw kasi may binugbog ito na apat na lalaki, nandun pa nga yung mark ng katawan nung apat na lalaki pero di naman sila namatay. Na-ospital lang dahil malala yung pagkabugbog. Scarey~

"Yes miss i know his name but not his face. Ano ba yung favor na yan miss? Kailangan ko na kasing bumalik sa classroom" tumingin pa ko sa orasan ko para malaman ni miss na naiinip na ko sa paligoy-ligoy niya.

"Oo eto na nga. Miss Madrigal pwede mo bang puntahan si Mr. Astrid at sabihing tapos na ang suspension niya at pwede na siyang bumalik sa school? Mag-iisang buwan na kasi siyang di napasok kahit tapos na yung date ng suspension niya." sabi niya ng nakangiti.

The hell! Ako papupuntahin niya sa bahay nun?! Baka hindi na ko makabalik ng buhay pagginawa ko yun! Marami akong narinig tungkol sa taong yun at sigurado ako, nakakatakot talaga siya. Baka sumunod ako dun sa apat na nabugbog or worst mamatay na ko.

"No way" i said. Hindi talaga. Bakit ba napakahilig ng teacher na mag-utos kung pwede naman nilang gawin? Tapos sasabihan nila kaming tamad dahil hindi kami nasunod? Sino kaya yung mas tamad yung inuutusan o yung nag uutos?! Tch.

Nakita ko naman ang pagmamakaawa niya muka. Napaiwas na lang ako. Ano ba to.

"Wala na ba kayong mauutusan at ako pa? Sa dami ng estyudante dito!" bulyaw ko pero medyo mahina lang, may iilan kasing teacher. Nakakainit naman kasi ng ulo tapos ang init ng panahon.

Hinawakan niya bigla ang kamay ko. "Please Miss Madrigal, tataasan ko ang grades mo sa tatlo nating subjet! Please.." pagmamakaawa niya.

Ngumiti ako sa kanya. Nakita ko naman ang pagiging maginhawa sa muka niya dahil sa pagngiti ko.

Next To You (Short SungJoy Fanfic Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon