Marielle’s POV
Natapos ang klase ngayong araw at dumeretso ako dito sa cafe slash baseball gaming ni Clint which is bahay niya. Hindi ako magsosorry. Sasabihin ko lang na maeexpelled na siya kung di pa siya papasok.
Pagpasok ko nakita ko yung lalaki ulit na mukang tito niya ata to na nagpupunans nanaman ng baso. Nilapitan ko siya.
“Welcome. Wala si Clint dito” sabi niya ng mapansin ako.
“Oh. No, um.. pwede po bang sabihin niyo sa kanya na pag di pa siya pumasok, maeexpelled na siya sa school? Bye” sabi ko at tumalikod na. Ito lang naman pinunta ko dito dahil nauto nanaman ako ni Miss Madilig. Hindi pa ko nakakahakbang ng tawagin niya ko.
“Teka. Gusto mo bang magtry dun sa baseball?” aya niya. Lumingon ako ng kaunti. Wala nanaman akong gagawin sa bahay dahil nagawa ko na yung mga assignment ko nung vacant pa.
So i say yes.
****
I can’t hit the ball! Ilang bola na ang nagdaan at hindi pa rin ako makatama. Meron kasi ditong machine na may lalabas na bola na parang siya yung pitcher at ikaw papalo dun sa bola. Puro net din yung paligid para kung sakaling ma-hit mo yung bola, hindi kung saan lang tatama. Pero ang pinagtataka ko..
Ano bang ginagawa ko dito? -_- Dapat pala di na ko pumunta dito. Hay. Pumwesto ulit ako na parang papalo at inaabangan ang susunod na lalabas na bola ng may marinig akong nagsasalita.
“Anong meron kay Clint? Bat ba ganun siyang ngayon?” sabi nung nagsalita. Napatigil ako at lumabas ang bola mula dun sa machine. Hindi ko nanaman natamaan..
Mukang eto yung mga kaibigan ni Clint na mukang pera.
“Tumigil na siya sa pagbibigay ng pera e” dagdag pa nung lalaki na sa tingin ko yung nanghingi ng pera kay Clint nung isang araw.
“Talaga? Para ka namang nawalan ng kung ano jan. Hayaan mo na” sabi pa nung isang lalaki at tumawa.
“Nakakapanibago lang kasi pero wala nanamang point kung guguluhin pa siya, since may nakuha nanaman ako” seriously dito pa sila nag-uusap? Napailing-iling na lang ako at hinampas ang huling bola. Natamaan ko siya for the first time.
“Idiot” sabi ko pa. Sabi ko naman sayo, pera lang habol nila.
Nagulat ako ng bigla akong lumingon. Nakaupo si Clint sa harap ng room nitong baseball game at nakayuko. Napakalungkot ng kanyang itsura.
So..he actually has a feelings.
Ibinababa ko ang baseball bat at kinuha ang bag ko. Nilampasan ko siya at lumabas ng room.
Not that i care but something really wrong with me today. Narinig ko ang pagkekwentuhan at pagtatawanan ng mga kaibigan ni Clint habang papalapit ako ng papalapit sa kanila.
Tumigil ako sa harap nila.
Bakit ko ba talaga ginagawa to? Naguguluhan na ko sa sarili ko.
“Oh diba ikaw yung kasamang babae ni Clint? Kailangan mo?” tanong nila sakin. Nanginginig ang tuhod ko pero ayokong umalis sa kinatatayuan ko. Hindi ko to kailangan gawin pero parang sinasabi ng utak ko na gawin ko to.
He’s sad face flash on my mind. After looking on his face like that..
“I-iniisip ni Clint na.. kaibigan niya kayo. K-kaya kung tinuturing niyo din siyang kaibigan, d-dapat maging tapat kayo sa kanya!” halos paputol putol kong sabi sa kanila. Hindi ko talaga mainitindihan ang sarili ko. I’m nervous because this is my first time na ipagtanggol ang isang.. kaibigan? Should i really call him as my friend? Kahit kay tin, hindi ko ginawa to dahil ako ang pinagtatanggol niya lagi.
BINABASA MO ANG
Next To You (Short SungJoy Fanfic Story)
Teen FictionDisturbing and Annoying man of my Life is Clint Astrid. :)