#Prolouge

61 5 0
                                    

Isang lugar na napakamisteryo kung saan nakita ko ang isang babaeng muling nagpatibok ng puso ko .
Ang babaeng matagal ko ng hinihintay na dumating sa buhay ko at sa bawat pagkuha ko ng litrato mukha niya kay ganda ang nakikita ko.

Pero sa isang iglap nagbago ang lahat na akala kong ang lugar na iyon ay isang paraiso sa dalagang nakikita ko ay isa palang lugar ng bangungot kung saan ako nagising at natauhan.

Ang sakit isipin na kung kaylan ko pa siya nahanap ay huli na pala . Na isa lang pala siya masamang panaginip at isang hamak na parang hangin nalang sa mundong ito.

Ryker's POV

Bakasyon namin inaya ako ng kabarkada ko dun sa probinsya nila.
Pumayag naman ako . Ayoko kasi magstay dun sa Bahay na yun puro Ingay awayan ng nanay kong bungangera at tatay kong lasinggero. HAY. mahirap lang kami e. Nagaaral naman ako pagraduate na . Sa sariling sikap ko. Work student kasi ako.

"Pare andito na tayo . Pare magaganda view dito kaya . Pwede kang kumuha ng litrato dito alam ko naman na yan ang mga gusto mu kaya inaya kita"
Bait talaga ng kaibigan ko na to
. Gusto ko talagang maging photographer pero sa hirap ng buhay . Nag BA nalang ako . Kahit ayoko talaga nun . No choice eh para din to sa future ko at syempre sa pamilya ko.

Bilis ako bumaba ng jeep na sakay namin at pumunta sa kubo na panandaliang titirhan namin. Sa kamaganak daw to ng kaibigan ko . Kaso wala na daw dito sa lugar na to kaya dito muna kami titira habang nagbabakasyon isang linggo lang naman kami dito eh.

Pagkatapos kong ayusin ang mga damit ko nagpaalam akong maglibot kay Brady mga mababait naman daw tao dito kaya wala naman daw mangyayareng masama sa akin kaya pinayagan ako.

Kinuha ko yung bike niya at kinuha ang luma kong camera binili ko to pinagipunan ko second hand lang naman.

Nabike ako hapon nayun ng may nakita akong view maganda may puno sa gitna ng bukid at may sunset. Papalubog na ang araw.

Nagshot ako ng picture dun . At umalis na .
Nagshot pa ako sa ibang view bago umuwi . At ng nakauwi na ako.

May napansin ako sa picture kanina sa gitna ng bukid na may puno. Sa puno May isang babaeng nakawhite at nakaupo dun . ..  hmff.

*Dug *Dug *Dug

Hindi ko alam kung bakit biglang tumibok ng mabilis ang puso ko...
At parang tumaas ang balahibo ko. Kahit medyo blurd nakikita ko parin yung kagandahan niya.

At dun na nga ako nainlove sa isang misteryong babaeng masa puno. ARAW ARAW andun ako kinukunan siya ng picture inlove na nga talaga ako. At hindi ko namalayan ang araw .

Lingo na pala last day ko na dito. At dahil may gusto na ako sa babaeng nasa puno nayun..
Pumunta ako sa puno nayun . Gusto kong malaman ang pangalan niya. Gustong gusto ko. Siguro papayag naman siya na kunan ko siya ng picture namalapitan ang blurd kasi eh pagmalayo.

Ng makalapit na ako sa puno nakakatakot pala dito . Pero ang ganda nato. Kukunan ko nasa ng picture ng biglang humangin ng malakas .

"AyyKALABAWW!" Sabi ko dahil sa gulat may humawak kasi sa balikat ko na matanda.
" Iho ! H--indi ako kalabaw ! Bakit andito ka ha!" Tanung niya na galit.
"Lo. Sorry po. Nagulat po kasi ako eh. Lo may kilala po ba kayung yung babae po nato " mahinhin na tanung ko. Sabay pakita ng picture sa camera ko

Mga ilang minuto natinitignan . Ang picture na kuha ko. Malabo na ata mata na to.
Ng biglang lumake ang mata.
"Iho! Umalis ka na dito  minumulto ka ! umalis ka na bilis at wag kang babalik!" Sabi niya naguguluhan ako sa sinasabi ng matanda nato.
"Ano po?" Kabadong  Tanung ko.

"Nakikita mo ba yan . Jan nilibing ang babae na yan! " biglang humangin ng malakas may nakita ako krus na nakatusok sa likod ng puno at biglang tumaas ang balahibo ko sa takot ko.

Tumakbo ako ng tumakbo...

Grabe ang pinapantasya kong babae ay isa palang hangin nalang dito sa mundo bakit! ;-( bakit ganto nararamdaman ko. Nasasaktan ako at natatakot..

Teka teka may nakalimutan ako yung bike ..!
Panira moment naman oh! Bilis bilis akong bumabalik at nakita ko yung bike. At dahan dahan kinukuha . Nasa likod kasi ng puno ang matanda baka apo nya ang nakalibing dun. Yung babaeng nagmulto sa akin :-( na nainlove naman ako.
" Iho bakit bumalik ka pa hah! Di ba sabi ko sayo wag kang babalik! " narinig nya siguro yung kaluskos ng paa ko
"Naiwan ko po itong bike!" Sabi ko sabay padyak dito ng mabilis. .
Habang nagbibike ako. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Tsk. Kalalake kong tao ! Umiiyak ako!!.

Umalis ako sa lugar nayon napuno ng takot at lungkot sa mukha ko.
Malakas ata ang tama ko sa multo na yun.
Siguro kung napaaga ako ng punta dun o kaya dun nalang dapat ako pinanganak di sana nakilala ko siya :-(.

Di SANA! TSK ! RYKER ANU BA! MADAMI PANG IBA JAN!.

pero pakiramdam ko iba talaga ang babaeng nasa puno nayun. Kahit sana sa panaginip makasama kita makilala man lang kita. :-(

--MsKittyLizy
Hi guys sorry kung panget man po hehehe.
Thanks for Reading.
Pls . Vote or give some comment. Thanks guys. ^___^♡
Please support my story this is my first story for my Idol.
#solidKathniel ♡♡♡♡

Lady in White Dress [Kathniel FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon