#Wallet

23 4 0
                                    

Linggo ng hapon papunta ako sa palengke. Wala na kasing laman yung ref ni brady .

Dun na kasi ako tumira sa inuupahan niya hindi ko na kasi matagalan dun sa bahay namin . Lagi ka lang mababadtrip sa mga gulo dun . Dami pang problema.

Naglalakad lang ako kasi malapit lang naman yung super market dito.

Habang naglalakad ako may napansin ako isang batang umiiyak. Ang cute naman ng bata nato.

" baby girl bakit ka umiiyak? " tanung ko. At mukhang hindi nakatulong ang tanung ko dahil humikbi pato at umiyak ng malakas .
" baby tahan na." Sabi ko . Hindi ko mapigilang mangiti sa itchura ng bata nato ang cute kasi .
Lalu pang umiyak.
"Wag ka ng umiyak .Alam mu ba pagumiiyak ang batang cute. Tumatawag ito ng multo kaya wag kang iiyak. Bahala ka mumultuhin tayo dito." Sabi ko at napangiti ako sa ginawa niya.
Pinunasan yung mukha at ngumiti.
" Tuyaa. D--i aman a-ko u-miiyak eh! N-akangiti po ako ow" at yung abot tenga ang ngiti natawa ako sa ginawa niya .
Mayamaya may lumapit na babae.
"Trish. Andito ka lang palang bata ka. Kanina pa kita hinahanap aatakihin ako sa puso sa ginagawa mung bata ka eh! Lagot ako kay ma'am kung may mangyare sayong masam! nakuuu! " dami naman sinabi mga matatanda talaga hahaha.
Binigay ko sa knya yung cute  na bata. Kung pwede lang iuwi ko eh. Hahaha pero wala akong ipapakain kaya wag nalang.

"Nakita ko po kasi siyang umiiyak kaya po kinuha ko." Sabi ko sa kanya.
"Buti nalang trish pogi at mabait tong nakakita sayo. Iho salamat hah." Sabi nya na nakangiti at hinawakan yung balikat ko kung hindi lang to matanda iisipin ko na may malisya eh. Hahahaha
"Wala po yun La." Sabi ko sabay gulo sa buhok ni baby girl . Alan naman yung matanda yung guluhin ko yung buhok hahaha. Di ba nasapak ako ng wala sa oras xD.

"Trish pasalamat ka ." Sabi ni lola
"Salamat kuyaa pogii" sabi nato sabag pisil sa mukha ko .
"Welcome baby cute" sabi ko sabay kurot sa dalawang pisngi niya na malambot at pinkish.

"Wag kanang iiyak hah? Dahil bahala ka totoo yung sinabi ko sayo kanina" hahaha sabi ko .binibiro ko lang naman yung bata para hindi na umiyak.
"Yes kuya." Sabi niya sabay ngiti

Nagpaalam na ako sa kanila dahil maggagabi na rin bibili pa ako sa super market.

Pagdating ko sa super market. Yes unti lang ang tao.
Pag kasi maraming tao nahihirapan ako mamili . Dami kasing nakatingin . Hirap maging pogi xD saan kaya ako nag mana hindi naman pogi tatay ko si nanay hindi naman kagandahan . Hahaha.

Kumuha ako ng kumuha na sapat lang sa dala kong pera.

Ng nasa counter na ako.

"Sir. 1579 po sir."
*kapa *kapa *kapa.
Tskk.
Mukhang nahulog paata yung wallet ko
Kung minamalas ka nga naman oo.

"Miss kasi nawala yung wallet ko .
Pwede bang ibalik ko mamaya . Eh dadaan din naman ako dito papunta sa trabaho ko.?" pacute ko sa kanya syempre ibabalik ko naman nuh.
"Ah sir. Cge po  ako na po bahala." Pabebe naman tong babaeng tong.

Hay wala talagang makatatanggi sa mukhang to hahahaha. Nauuto nanaman ako.

Bumalik na ako sa bahay ni brady at nagbihis. Hindi ako waiter ngayun . Singer naman ako. tuwing linggo  kasi may gig kami.

Pagkatapos ko magbihis dumaan ako sa super market at pumunta na sa bar na pinapasukan ko.

Pagpasok ko dun nagsisimula na.

"Oh Guys andito na pala si Ryker ang rocker ng bar nato."
"Wohhhhhh yeah"
"Rykerrr Rykerr" nagsigawan ang mga tao.

Sinimulan ko ng kumanta.

" Nasa'yo na ang lahat
Minamahal kitang tapatt
Nasayo na ang lahat pati ang puso ko hoo

Uwhooo owwow nanasayo na ang lahat
Uwhooo owwow nanasayo na ang lahat. Maraming salamat po ." Nagbow ako at bumaba na ng stage.

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayun . Hindi ka maaalis sa isipan ko.
Bakit kasi ikaw pa
Bakit kasi ikaw pa na wala na ang minahal ko .
Bakit kasi hindi manlang tayo hinayaan ng tadhana na magkakilala.
Bakit ba kasi ang tanga ng puso ko sa dami dami ng babae jan sa isang gayang mong multo ang nagustuhan ko.

Natapos ang gabi na hindi maalis sa isipan ko ang babae na yun. Bakit ba ang hirap niya kalimutan eh hindi naman kami nagkasama ni magkausap nga hindi  eh.

-MsKittyLizy 
Hi guys .
Please Vote and Comment sa may want lang sa ayaw suge po okay lang .
Continue to read nalang po . Sa susunod na part . Maguupdate nalang po ulit ako tom that's all thanks po :-)
#NasayoNaAngLahat
#DJ ♡♡♡♡.
#nakakaiyakYungPSY hay :-(

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lady in White Dress [Kathniel FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon