Isang lumang bahay kung saan inihabilin ng lola ni manuel ang pagmamay-ari nito sa kanya. Siya ang pinagmanahan ng lahat ng kayamanan nito bago ito pumanaw.
Nakatanggap ng telegrama si manuel galing sa kanyang lola para ipaalam na may sakit ito at hindi narin magtatagal.kailangan niyang umuwi dahil gusto nitong makita ang apo bago siya pumanaw.
Nang nabasa ni manuel ang sulat ay agad agad siyang nag-impake ng kanyang mga gamit para lumuwas ng probinsya.
Si donya Pacita ang tanging nag-alaga kay manuel nuon sanggol pa lamang ito ng namatay ang ina ni manuel sa panganganak sa kanya tanging ang lola lamang niya ang nag-aruga nung nabubuhay pa ito.Dumating si manuel sa bahay ng lola niya ngunit huli na ang lahat. Binawian ito ng buhay.tatlong araw pagkatapos mailibing ang kanyang lola.
Hindi niya kabisado ang buong kabahayan dahil sa sobrang lake nito.ang bahay ay prang panahon ng pa ng kastila na ayon sa kanyang lola ay nabili niya ito sa unang ngamamay-ari nito. Sa isang silid kong saan naramdaman ni manuel ang kakaibang sensasyon sa isang salamin kakaiba ang salamin, Antigo kong pagmamasdan ito dhil sa mga nakaukit na mga desensyo nito na kung titingnan ay mano manong ginawa gamit lamang ang kamay na prang bang hindi basta basta.
Tinawag ni manuel ang katiwala ng bahay
"Manong isko matagal naba tung salamin na ito dito? parang ngayon ko lng nakita ito."-- tanong ni manuel.
"Di ko rin alam señor nung mga panahong nabubuhay pa lola mo walang sino man ang pwdeng pumasok sa silid na ito maliban sa kanya pagkakaalam ko ng maliit kapa lamang ay dindala ka niya sa silid na ito. Siguro hindi mo matatandaan sapagkat wala kapang muwang nuon."
"Ganun po ba?ngayon wala na naman ang lola nais ko sanang linisin mo rito dhil ito ang gaggamtin kong silid."
"Masusunod señor ngayon din"
"Salamat manong"
Kinagabihan dahil sa sobrang pagod sa pamamasyal sa buong kabahayan at paikot ikot sa labas ng bahay ay d niya alintana , siya ay nakatulog.
Napanaginipan niya isang babae na nangagaling sa salamin.ngunit di niya maaaninag ang muka nito.at ang kasuotan nito ay halos puti.kung pagmamasdan parang white lady.akmang inaabot ang kamay nito sa knya.ngunit bigla siyang nagising sa pagkakatulog nito.
Isang umaga habang may gingawa siya ay bigla nalang siyang nakarinig ng dabog na nangagaling sa itaas.di niya mawari kng ano yun pero hinyaan nya lang.
Kinagabihan sa sandaling yun pinagmasadan niyang muli ang salamin.hinawakan nya ito hinahaplos haplos ng marahan na tila ba'y isa itong tao.
"Ano bang meron sa salamin ito na sa tuwing pinagmamasdan kita prang iba ang aking nararamdaman na pra bang isang dilag sa aking paningin hindi kaya nababaliw na ko?"
Nung mga sumunod na gabi kumuha siya ng kandila at inantay ang pag sapit ng hating gabe.
Ayon sa kanyang nabasa at sa isang kwento kung gusto ko raw makita princess charming o prince charming titigan ko raw ang salaming itl habang ang kandila ang nagsisilbing liwanag ko pra mkita ko raw ang babaeng nakatakda sken.ginawa ito ni manuel.
Sumapit ang alas dose inihanda niya ang kanyang sarili sa pagpapakita ng isang babae.hinaplos nya ang salamin,hindi siya nabigo isang babae ang lumitaw sa salamin.Maganda ito at hindi pangkaraniwan ang anyo nito tila bay' isang makalumang tao dahil sa ayos at kasuotan nito.kakaiba ang ganda nito puti ang buong kasuotan nito na pakiwari niya'y ito ang babaeng nasa panginip niya.kinausap niya ito.
"Totoo ka nga ba? Tao kaba talaga?o baka nmamalikmata lng ako?" pinikit ni manuel ang knyang mga mata ng marameng beses na baka nagbabaksaling guni guni niya lang ito at hindi totoo ang kanayng nakikita ngunit nasa salamin parin nag babae."