Introduction: Sitting next to That Girl.

239K 3.5K 412
                                    

Leave feedbacks, vote. Thank you. :3

-- Introduction -- 

"Sitting next to that girl."

xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx

If you cant get someone off your mind they are probably supposed to be there.

-Unknown.

 xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx


It's been 3days and up until now her eyes are still close, kelan nya kaya imumulat ang mga mata nya? Gigising pa ba sya? Would there still be a chance for her to see my list? Sana, sana.

"What are you doing?" nagtatakang tanong nung nurse pagkakita sa ginagawa ko. 

"I want her to see it when she wakes up. It's not illegal, right?"

"Of course not, it's actually sweet." nakangiting sabi nung nurse nung makita yung kabuuan ng ginagawa ko.

Kahit ako napangiti lalo na ng maalala ko kung paano ko nabuo ang lahat ng 'to...



*Kring!*

"Pwew!" sakto! Pagka-bell nasa classroom na agad ako, kala ko malalate na ako. Grabe, daig ko pa ang aso kung tumakbo kanina eh. Tinanghali kasi ako ng gising kaya ayun, madali to the max.

Hmm... At dahil late ako, wala na akong mauupuan sa likod, gusto ko kasi lagi umupo sa likod eh. Haay, pag gantong late ka asahang ang bakanteng upuan lang ay ang nasa unahan. Alam nyo naman ang mga estudyante may front seat phobia.

Dumiretso na ako sa katangi tanging upuan na bakante sa unahan pero nung papunta na ako dun natigilan ako ng makita ko kung sino ang magiging seatmate ko...



Patay! That girl!

"Hi!"

"Ah.. hi.." sabay upo ko na agad without even looking at her.

Hindi ako kumikilos ng ganto dahil sa may crush or whatsoever ako sa kanya ha?! Infact, natatakot ako sa kanya... hindi dahil multo sya or witch o halimaw o kabayo... Kundi dahil sa kwento ng isang kabarkada ko.



Ang sabi ng kabarkada ko ito daw girl na 'to na katabi ko ngayon ay may super mega hyper crush sakin. As in, isang beses daw nakita nya nakapatong sa desk nung girl na katabi ko ang isang photo album at dahil may pagkapakelamero yung kabarkada kong 'yon, sumilip sya at nabigla daw sya ng makita ang laman ng photo album.



Puro stolen shots ko daw! As in, daig pa daw nung girl na nasa tabi ko ang isang stalker kasi kahit shots ko daw sa computer shops ay meron kahit shot ko ng nangungulangot meron din daw! Err... bakit pati ba naman yung nangungulangot. =_="

Talagang pagkakwento sakin nun ng kabarkada ko kinilabutan na ako dito sa babaeng 'to at never ko ng nilapitan, super iniiwasan ko na. Baka kasi mamaya pumutol ng buhok ko at gayumahin ako eh. Pero right now... super no choice ako kundi umupo sa tabi nya.

That Girl 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon