Chandria's P.O.V
(Silver High, the same day)
"OMG girl ang bitch mo talaga." -Bianca
Nandito kami ngayon sa room kumakain habang nagchichikahan. Break pa rin naman.
"Oo nga girl. Amazona ka talaga. Pero sino kaya yung guy na yun no? Lakas ng loob na bastusin ka. Sa lahat ng babaeng mamanyakin, ikaw pa talaga. The most famous bitch in town, Chandria Garcia. Woaah." -Athena. Napangiti naman ako dun.
"He must be new here. Transferee siguro. Tss. Kabago-bago gumagawa na agad ng gulo."
Nagkwentuhan pa kami nang pumasok si Zharm. Classmate ko. Hindi lang basta classmate, KARIBAL rin. Karibal sa lahat ng bagay. Gusto niyang lampasan lahat ng nagawa ko. Sikat kasi ako hindi lang dahil sa pagiging bitch kundi sa pagiging active sa mga clubs. Officer din ako sa Student Council. Kaya nga may karapatan akong magdisiplina. Gaya nalang kanina. Kaya nga ginagawa lahat ni Zharm ang lahat para maging number one, but until now, she remains second. Gaya gaya naman kasi. Sa lahat ng estudyante dito sa school, siya lang ang hindi natatakot saakin. Even if I have the power to kick her out of this school, pinapabayaan ko nalang din. Nag-eenjoy kasi akong paglaruan siya.
"Hey Chandria, I heard the news. Some guy tried to touch you daw?" maarte niyang tanong.
"So? What do you want to say?" Bored kong tanong.
"Well I just think na kaya ka siguro na harass ay dahil hindi disente yang itsura mo. Mukha kang.. malandi. Unlike me. See?" tapos umikot pa siya.
I kept myself composed then I answered.
"You think so? Sa tingin ko kasi kaya ako nabastos ay dahil maganda ako. Attractive. Unlike you, hindi kapansin pansin. Siguro sa tingin ng ibang students dito you're just an ORDINARY, TRYING HARD BITCH. Get over yourself Zharm. Kahit kailan hinding hindi mo ko mapapantayan lalong lalong hindi mo ko malalampasan." palaban kong sagot. Siya naman, hindi na maipinta yung mukha.
"Whatever." sabay walk out. Tss.
"Wow! That was fun! I enjoyed the show! The Original Bitch versus the Trying Hard Bitch. Ang tarayyy!" tuwang tuwa pa si Athena habang sinasabi yan.
"Tsk. Tsk. Di na talaga natuto yang Zharmiela na yan. Lakas ng fighting spirit wala namang binatbat.*roll eyes*" bitch din talaga tong dalawang to eh. *laughs.*
Daniel's P.O.V.
(Saint Paul's High, that same day)
Nandito kami ngayon sa room, nage-exam. Tss. Alam ko na naman lahat to e. Mais lang sakin. Nag a-advance reading rin naman ako. Akala kasi ng mga tao porket playboy ako, pinapabayaan ko na ang pag-aaral ko. Ganun na nga ang tingin saakin ng magulang ko, gagawin ko pa? Syempre hindi. Hangga't maari gusto kong patunayang mali sila pero hindi nila yun nakikita.
Naputol ang pag-mumuni muni ko nang nagsalita yung Sub. Teacher.
"Okay Class pass you're paper forward. One! Two! Three! Four! Five! Okay, all papers infront. See you tomorrow."
"Good day Mam!" Pagkatapos umalis na yung teacher, nagstay lang ako sa upuan ko. Wala pa naman yung next teacher.
"Mga Bregs! Anong meron?" Kahit kailan energetic talaga tong si Seth.
"Ikaw? Anong meron sayo?" iritang tanong ni Lester.
"Wala lang. Balita ko may concert ang Aerosmith dito ah? Sa sabado?" -Seth
"Weh? Ayos! Rakrakan na to mga bregs!" -Katsumi
"Yown! Punta tayo ah!" -Jc
--
Lame. Sorry. Eto lang, READ BETWEEN THE LINES. Everything happens for a reason.
BINABASA MO ANG
Stolen Heart [Kathniel FF]
Fanfiction"I was different before. But you made me fall inlove with you. I changed. Everything feels perfect when I'm with you. Now I can say... you have stolen my heart."