Chapter 3

227 10 10
                                    

Daniel's P.O.V

(Daniel's House, Saturday)

"One. Two. Three."

*SPLAAAASHHHHHHHHH*

"What the f*ck?!" Bigla akong napabangon at yan agad ang naisigaw ko. 

"Uy tol! Musta? Hehehe" tanong ni Seth na kinakamot pa ang ulo.

"Eto okay naman. Nag-enjoy nga ako eh. Salamat ah? Ang sarap kasi ng tulog ko tapos sasabuyan  niyo ko ng balde ng tubig. Thank you, thank you talaga." sarcastic kong sagot.

"Kayo nag enjoy din ba kayo sa ginawa niyo?" tanong ko ulit.

" Ah eh. A-ano kasi.." mukhang kinakabahan pa sila.

"Kasi 4:30 na ng hapon at hanggang ngayon tulog ka pa rin. Hindi ba ngayon yung consert ng Aerosmith? Kung hindi ko pa binlack-mail yang mga yan hindi pa sila gagawa ng paraan para magising ka." sabi ni Lester relax na relax pa na nakaupo sa sofa.

 "Oo nga Daniel. Baka kasi maubusan tayo ng tickets. Ayaw mo naman kasi bumili dati pa. Gusto mo ngayon." -Katsumi.

"Okay fine. Daming satsat pwede namang utusan nalang akong maligo. -__- Labas na, sa baba niyo nalang ako hintayin." dumiretso na ko sa banyo at ginawa ang mga dapat gawin.

(A/N: Daniel, Lester,Katsumi,Seth,Jc on the side.)

Bumaba na ko at naabutan ang barkadang inip na inip nang naghihintay. *evil laugh*

"Tara na. Kawawa naman kayo. Bored na bored na."

Hindi naman sila sumagot at nagsilabasan na. 

"Oy Daniel, ikaw magdrive. Isang kotse nalang. Tinatamad kaming magdrive. Ba't ba. Parusa mo na rin yan, pinaghintay mo kami."  sabi ni Lester sabay hagis ng susi saakin. Bakit ba parang badtrip na badtrip to ssakin? Tss.

Sumakay na kami at nag-umpisa na akong magdrive.

Bianca's P.O.V

(Concert Hall)

"Oh eto na yung tickets na tin. Tara na sa loob" sabi ko tapos naglakad na kami papasok sa Dome kung saan gaganapin yung concert.

Binabasa ko yung naka lagay sa ticket kaya hindi ko nakikita yung dinadaanan ko. Kaya naman..

*Booogshh*

"OH CRAP!" sigaw ko

"HOLY SHIT!" sigaw naman nung babaeng naka bungguan ko. Wait.. familiar ang boses niya.

"Hey are you alright?" 

"Yeah. I'm fine" rinig kong pag uusap nila. Inaayos ko yung sarili ko kaya hindi ako nakatingin sakanila. 

"Miss sorr-- OH MY GOD! JECCAH??!" gulat kong sabi. Hindi naman ako masyadong narinig kasi may tumutugtog na sa stage. Practice ata. But anyway..

"Bianca?! Oh my! Long time no see! It's so nice to see you! I remember, you love Aerosmith nga pala! Hayy." -Jeccah

"Wow, you still remember that? I'm touched! Haha." -ako

"Ehem ehem."

"Ah eh. Bianca, do you still remember Rheymond? Err. Boyfriend ko na ngayon." nahihiya pang sabi ni Jeccah.

"Aww. Yes, Rheymond. Yung nanliligaw sayo nung first year tayo? I remember you used to hate him so much."

"Yeah, funny right? Magto-two years na kami this June 8" -Jeccah

"Wow. Love really moves in mysterious ways. Haha. So Jeccah, I need to go na, Mukhang nauna na yung mga kaibigan ko. Nice to see you again. And you Rheymond, take care of Jeccah okay?"

"Yeah. Ingat rin." -Rheymond

Then I headed to our seats.

*Riiing Riiing*

"Oh kaninong phone yun?" -Athena

Hinalungkat naman ni Chandria yung bag niya tapos nilabas ang phone niya. Nagtaka naman ako kasi pagkakita niya sa screen, bigla siyang sumimangot. 

"Girls, restroom muna ko. Pabantay nalang yung gamit ko." paalam niya.

Hmm, I smell something fishy. Sino naman kaya yung kausap ng babaeng yun?

Daniel's P.O.V

"Please baby, can't you just give me a chance?"

(..................)

"But--"

(..........................)

Malungkot na binaba ni Lester ang cellphone niya. Tss. Kanina pa yan may kausap sa phone niya. Babae siguro. Tsk. Tsk. Tsk. Nagtitinginan lang kami nila Seth. Mukhang napapansin rin naman nila.

"Hoy Lester! May pinopormahan ka ano? Tsk. Tsk. Tsk. Basted?" tanong ni Seth

"Ewan ko. Wag mo kong kausapin." Tss. Parang bata. Immature. -__-

"Tignan mo 'to. Tss. Alam mo tol, wag mong hayaan yang mga babae na maging dahilan para maghirap o malungkot ka. Babae lang yan. Tsaka isa pa, para san pa yang biyayang kagwapuhan sayo ni Lord kung hindi mo gagamitin di ba?" hinihimas pa ni Katsumi yung baba niya habang pinapayuhan si Les. Parang hindi naman siya seryoso dun sa advice niya. -___-

"Mic test. Mic test. Ehem. Ladies and gentlemen, please welcome,  Aerosmith!"

Oh. Start na pala ng concert.

"RAKRAKAN NA TOOOOOOOOOOOOOOO!" -silang apat. -___-

Third Person's P.O.V

(After the Concert)

"Girls gusto niyo sumabay sakin? Susunduin ako ng driver ko sa labas." tanong ni Chandria sa dalawang kaibigan niya.

"Sure! Tamad kami magdrive eh. Papa-kuha nalang namin cars namin sa driver." -Athena

"Tara."

Paglabas nila ay biglang umulan pero may silong naman kaya hindi na nila ito pinansin.

Prenteng prente pa silang nakatayo habang hinihintay ang kotse ni Chandria nang may biglang dumaang mabilis na kotse kaya tumalsik sakanila ang tubig sa sidewalk.

"Oh hell no." pabulong na sabi ni Chandria sabay tingin sa sarili niya na ngayon ay basang basa na. Sina Bianca at Athena naman ay napanganga na lamang.

Napansin ni Chandria na huminto ang kotseng naging dahilan ng pagtalsik ng tubig sakanila kanina. Paglapit niya sa kotse ay nagbabaan naman ang mga sakay nito.

Si Daniel at ang mga kaibigan nito.

----

Hihihihi. Pabitin effect lang. :))

Stolen Heart [Kathniel FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon