I am Jealous

28 0 0
                                    

"I Love You""sabi ko sa kanya habang yakap yakap ko siya.

"I Love You too" tugon niya sa sinabi ko.

Ang swerte ko talaga, mahal na mahal ako ng lalaking to. Bukod sa mabait, matalino, gwapo pa. Idagdag mo pa na mayaman siya! Pero kahit di siya mayaman o gwapo mamahalin ko pa din siya. Lagi pa nga niyang sinasabi na ang swerte daw niya dahil mahal ko siya eh, pero ang totoo ako yung swerte. Daig ko kaya ang nakajackpot sa Lotto.

Siya ang First Boyfriend ko, First Love, First Kiss. First ko siya. Kaya di ko na papakawalan to. Igagapos ko na siya sa sarili ko para di na makawa------

"Jealous!" pagtawag niya sakin

"Ay I Love You nga!" ayan nagulat ako, nakakatameme naman kasi kagwapuhan nito eh

"Natulala ka na naman sa kagwapuhan ko" yabang lang huh. pero sabagay may ipagmamayabang

"Yabang mo!" Tawanan daw ba ako. Siraulo to kung di ko lang to mahal eh

----------

"You may now kiss your Bride" 

Dugdug Dugdug Dugdug

Dugdug Dugdug Dugdug

Dugdug Dugdug Dugdug

Ang lakas ni heartbeat. Eto na siya malapit na siya. Ayan na ilang centimeters na lang

Ringggggggggggggggg Ringgggggggggggggg

Ringggggggggggggggg Ringgggggggggggggg

*********

Ai peste sino ba naglagay ng alarm clock na to sa tenga ko! Ganda ganda na ng panaginip ko eh. Haiyssst. Malapit na yun eh. Konting konting na lang lalapat na, magdidikit na!

"Good Morning nak. Tumayo ka na jan. Baka ma-late tayo pareho" sabi ni papa sken

"Opo Papa. Tatayo na. Kikilos na. Maliligo na. Tskk" kainis talaga naputol ung panaginip ko. Tapos di ko na naman maalala ung mukha niya! Ni wala pang pangalan na binanggit. KAINISS

Before I forgot (oh english yun). Ako nga pala si Jealous Bright A. Guillemo. Jealous for short. Astig ba ng pangalan ko. Dahil yan sa pagseselos ni Mama kaya naging ganyan! Saka ko na ikukwento, Mahaba-habang  usapan yan eh! Kaming dalawa na lang ni papa s buhay. Iniwan na kami ni Mama noong 5yrs. old ako. Sumama na siya kay Lord. Pero masaya naman kami ni papa kahit kami lang. Pakners in crime kami niyan eh. Sanggang dikit kumbaga.

18 years old na ako. Third year College sa University of National HighLem, weird name for a school. Ewan ko ba sa utak ng nag-isip niyan. Trip lang ata. I'm taking BSBA major in Marketing. Maganda naman ako, pero alam ko mas cute ako kesa sa maganda. Di katangakaran pero tama lang. Ay ang dami ko ng sinabi. Makababa na nga!

"oh bat ka nakabusangot jan anak" tanong ni papa

Mr.PG (Panaginip Guy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon