Hello there! Handog ko nga pala 'to kay Mimi a.k.a dearmitsuki Hfall (Her Fist and Last Love) and TGA (The Greatest Assassin) Hello mi! <3
P.S. Ito ay isang pawang katuwaan lamang. Hahahaha olrayt, rak n rol.
So, game na! Hope you'll like it.
-m
---
Busy ngayon si Layner sa pagpirma ng mga papeles ng tumawag ang kanyang mahal na mahal na mapapangasawa.
"Okay, wifey. Uuwi na rin ako, may tinatapos lang."
[Hubby naman eh! Ngayon na! Namimiss ka na namin ni baby, hihi.]
May bumuong ngiti sa kanyang mga labi. Di niya mawari na ang nasa kabilang linya ay magiging asawa niya at nanay ng kanyang magiging mga anak.
He chuckled. "Fine. Sige uuwi na ako." tiningnan niya ang kanyang relos. "10:30 na, di ka pa matutulog?"
[Tutulog? Kaagad? Ang aga pa kaya tapos diba hihintayin nga kita?]
Natawa naman siya ng mahina. Tiyak niya ay inis nanaman ang babae dahil sa pananalita nito.
Di na talaga ako manalo-nalo dito. Saad niya sa isip at ngumiti.
"Chill, wifey. If that's what you want, sige okay. Pero pagkauwi ko, dapat may kiss..."pabiro nya.
[Hoy kiss ka jan!]
Namumula 'to, pustahan.
"Joke lang, pero isa lang Erika."
[Nako, Layner ha.]
*tok tok
Nagawi ang tingin niya sa pinto. Tumayo siya.
"Di na. Sige na wifey, aayusin ko na 'to para makauwi na ako kaagad. I love you, behave."[Hihi, yes yes. I love you too, hubby! Mwa!]
Napailing nalang si Layner na may ngiti sa labi at ibinaba na. Pumunta siya sa may pinto at pinagbuksan ito.
"Sir, may nagpapabigay lang" saad ng isa niyang empleyado.
Imabot niya ang maliit na box at nagtaka siya dahil wala man lang nakasulat kung galing kanino.
"Kanino galing?"
"Ay, sir. Hindi nagpakilala eh" napakamot naman ang lalaking empleyado sa ulo.
"Okay, thanks." his brows furrowed bago tumango ang lalaki at umalis na.
Bumalik siya sa table at doon niya ito binuksan.
What the... fuck?
Shailyn Erika's Point of View
Loko talaga yung si Hubby. Kiss niya mukha niya! Kainis! kinikilig ako ano ba. Hihi.
So nandito ako sa sala, kumakain ng kwek-kwek habang nanunuod ng On the wings of love nila James. Like omg! Ang pogi talaga niya!! Siguro kung makikita niya ako, mala-love at first sight siya sakin tapos liligawan niya ako and syempre sasagutin ko siya kahit kakaligaw niya lang ng mga 5 minutes. Yes yes, ang ganda ko hihihi.
Ano ba kayo, di naman pinapatagal ang ligaw ligaw na yan eh. Kung mahal niyo ang isa't isa, bakit pa kailangan ng ganun, right? Ang pinapatagal ay ang relasyon, hindi ligaw.
At yeah, humuhugot nanaman ako, omg lang.
"Ano ba yan, Shai. Pati si James? May layner ka na huy." isip isip niya.
BINABASA MO ANG
No One [One Shot]
FanficLayner and Shailyn of Her first and last love and The Greatest Assassin [One Shot]