“Lendll, give me that! Ggggggrrrrrrrrrrrrrrrr I honestly hate you!” sigaw niya habang hinahabol ang mortal na kaaway. (mortal na mukhang aabot sa kabulang buhay. Pwede na rin sabihing mortal hanggang immortal na buhay).
Naglalakad siya ng biglang may kumuha sa folder na hawak niya. Napa-importante pa naman ng laman ng folder dahil nandoon ang mga project niya na kailangan ng i-submit sa first period na subject niya.
Actually, malayo pa lang siya nang makita niyang naka-tambay ito sa kiosk sa may gilid nang fountain. Lalampasan n asana niya ito at ang mga kasama nito ng marinig niyang tinataway siya nito. Ayaw niya ditto kaya hindi niya pinansin ang pagtaway nito at dali-daling naglakad. Nakalampas na siya sa fountain nang maramdaman niyang nawala ang hawak-hawak niyang folder. ‘yon pala ay kinuha na nito.
“I know. That’s why I love you.” Nakangising sagot nito. Takbo pa rin ito ng takbo paikot sa school fountain.
“I love you-hin mo’ng mukha mo! Give me that you moron!”
“Habol”
“Pag-naabutan kita, promise ihahagis kita sa gitna nang fountain. Tingnan ko lang kung hindi malamigan yang mukha mong nagiging dahilan kung bahit palaging umiinit ang ulo ko!”
“Relaks babe. Pag-naabutan mo ako, tingnan ko lang kung magawa mo yang sinasabi mo. Siguro imbes na ihagis mo ako sa fountain, sa mga braso mo ako maglaland. If I know, my hidden desire ka sa’kin”
“Ang kapal ng mukha! Anong akala mo sa sarili mo? A very desirable creature?! Whoaaa you can think again. And please how many times do I have to tell you to stop calling me babe?!”
“Hmmm ‘til I run my last breath? Hehehehe ang swerte mo nga dahil sa dami ng babaeng may gusto sa akin, ikaw ang pinakamaswerte sa lahat. Why? Being my babe is a priceless possession.”
“Huh! Oh please spare me. Kahit patulan mo pa lahat ng babae sa buong Pilipinas, kahit isama mo pa lahat ng babae sa ibang bansa, I won’t mind.”
“Hindi ka iiyak?”
“Never! Asa ka pa! Why would I cry to someone who has the most irritating, the most airy, and the oozing with self-cinfidence na katulad mo?! Wake up, will you?!”
“Babe-“
“I said stop calling me babe!”
“Sweetheart?” nakangisi na naman na sabi nito. Narinig pa niya ang sigawan ng mga kaibigan nito na lalong ikinairita niya.
“Stop calling me endearments! I have my own name.”
“Hmmm I think babe is much better.” Tumatango-tangong sabi nito. Nakahawak pa sa baba.
Ang sarap talagang sapakin nang metal bars!