CHAPTER 3 =)

98 1 0
                                    

*******************

SHIELA POV

“Bata,pwede ka ng umuwi. Sa susunod wag ka ng pumunta kung saan para hindi ka na mapaano. Paano pala kung hindi ako dumating e di nakaratay kana ngayon sa ospital.”

“Thank you!”

“Abat-----”

Ang talipandas na batang ito at thank you lang? Sya nanga tinulungan ee.

“Sa susunod wag ka ng dadaan sa lugar na to ha. Sa itsura mong yan hindi nga malabong mapaaga ang punta mo sa langit.” Sigaw ko dun sa batang papalayo.

Hindi ito pipitsuging bata. Parang may kaya sa buhay.

Pero hindi man lang ito lumingon.

“Iba na talaga ang mga kabataan ngayon,grabe….woooh! Makauwi nanga…”

Tatalikod na sana ako ng mapansin ko ang lalaki sa di kalayuan at nakatingin sa akin. Sa akin nga ba nakatingin?

Lumingon ako sa kaliwa!

Lumingon ako sa kanan!

Sa likod!

Pero ako lang ang tao dun…kaya sa akin nga nakatingin ang lalaking ito.

Tinuro ko ang sarili ko….at iyon nga tumango ito. Bat mukhang galit ata?

Aba naman Shiela Santos, andame mo atang mapapatumba ngayong araw na ito.tsk!tsk!

Siguro sya ang leader ng mga mamang bakulaw?

Ay hindi, ang pogi ee…ubod ng pogi.

Tska tingnan mo oh,hayep ang porma parang artista.

Parang nakita ko na ito e…hindi ko lang matandaan kung saan.

Sh*t.

Umatras ako ng Makita ko syang papalapit…

Papalapit pa…

Nang papalapit…

Sh*t talaga! Dead end na…nakasandal na ako sa pader.

Sasaktan ba ako ng Adonis na to?

Sh*t lang…

Nakita kong may kinukuha sya sa likuran nya…

Oh no!!

Sasaksakin ba ako nito gaya ng napapanuod ko sa tv?

O di kaya ay babarilin?

Oh lord…please forgive my sins…..napapikit nalang ako.

“Miss, ikaw ba ang nagbato nito?”

Huh?????dumilat ako,and there I saw a very handsome face. Pwede na akong mamatay ngayon palang. Parang hindi ako makahinga.

“Miss.”

Hay…lord,pwede mo na akong kunin.

Hayyyyyyyyyy……..

“Miss?Miss?”

EEEH???

Nakita kong may hawak itong yuping lata.

Teka,yun yung nasipa ko kanina ah. Bat nasa kanya///heyep naman pala tong poging ito. Namumulot ng kalat.tsk!

“Miss im asking you. Ikaw ba ang nagbato nito?”

“Miss alam kong gwapo ako. At ako lang ang makikita mong gwapo dito sa pilipinas. Wala ka nang mahahanap na kasing gwapo ko. Kaya okay lang sa akin kung matulala ka habang tinititigan ako. Sanay na ako dyan. So, again, ikaw ba nagtapon nito?”

SS501 meet Ms. ToughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon