Goddesses and kings.
Hindi to update pero if ever gusto nyo basahin go lang :) gusto ko lang i share kung anong nagyari sakin 2 years ago? 1 year ago and today.Gusto ko matuwa. balikan ang mga memories 2 years ago. I have a boyfriend lets name him CADBURY yah tama kayo ng basa Cadbury yung name na nilagay ko kasi favorite chocolate namin yan. 2 years ago i feel so inlove yung moment na hindi mo maiexplain yung feeling na nararamdaman mo para sa kanya. Feeling ko that time ang swerte ko kasi sa wakas may taong nagparamdam na mahalaga ka pa din. Na may isang taong alam mong kaya kang ituring na reyna nya. Naramdaman ko yung for the 1st time na sabi ko sa sarili ko sa wakas mararamdaman ko na ulit maging prinsesa sa sarili kong prinsipe.
Everyday kami magkatext tska magkausap sa phone siguro isang linggo kaming ganun PMI student sya so lagi sya sakin nag sesend ng acronym na tungkol sa course nya so kinikilig ako kasi nag eeffort sya.
Nung nag 2nd week kami hindi na kami gaano nag uusap kasi alam ko naman na parehas kami busy sa school bihira kami mag text tska mag call. Inintindi ko yun :)
Nung malapit na kami mag 1 month nag iisip na ko ng pwede kong gawin for him. So nagdecide ako na bigyan sya ng letter that day. Ang kaso hindi ko alam kung paano ko iaabot so sabi ko pagnagkita na lang kami. That time sobrang bihira na lang talaga kami mag text kung nung una buong araw kami magkatext tska magkausap ngayong malapit na kami mag 1 month biglang naging 1 beses na lang sa loob ng isang buong linggo so inisip ko na lang na sobrang busy sya kasi mag fifinals na kami parehas.
Hanggang sa nag 1 month kami na tangging greetings lang ang naging batian namin.Nag 2 months kami na wala na talagang communication -.- hanggang sa umabot kami ng 1 year na tuwing monthsary lang namin kami nag uusap ang laki kong tanga diba? Umasa ako eh na baka busy lang sya. Umiyak na ko sa kanya sa phone. Nanlimos na ko ng pagmamahal nya. Sabi nya susubukan nya so umasa ulit ako.
Nung nag 1 year 8 months kami mga ilang days lang after nun bigla akong nakatanggap ng text for some unknown sender na sinabi nya na his having sex last night nun with my beloved boyfriend at sya na ang girlfriend hindi ako. Sinabi din daw ng boyfriend ko na hindi nya ko kilala at hindi nya ko mahal. Nung katext ko yung girl ang lakas ng loob ko makipag sagutan until ako na yung sumuko nung nalaman kong nakipag sex sya at hindi na nya ko mahal ang pinaka masakit sa lahat malaman na hindi nya ko kilala :'( (exact date: june 15,2015) masakit sakin kasi umasa ako nagpakatanga ako pero sabi ko sa sarili ko gusto ko marinig mula sa boyfriend ko lahat yun pero he blocked me sa calls,texts in his skype and even sa facebook nya so hindi na ko umasa pagod na ko eh.
Sabi ko mag momove on na ko kaya pinili kong lumayo saglit hinanap ko ulit yung sarili ko. Ngayon ok na ko kasi na adik ako sa AlDub. Oo nakakatawa na na hook ako dun nung una hindi ko sa napapanood ng live hanggang sa paulit ulit ko sya nakikita sa timeline ko. So sabi ko bakit ang daming nag shashare ng video na to anong meron so nagdecide ako na panuorin sya. Halos isang buwan akong puro iyak nyan bago ko sila napanuod naka 1 week na nun ang AlDub. Nung pinanood ko sya hindi ko na mapigilan ngumiti,tumawa, tska naramdaman ko na ulit na kiligin. Oo aaminin ko sila na ngayon ang nagpapakilig sakin na dibale nang walang love life basta may AlDub masayang masaya na ko atleast naranasan ko makaramdam ng roller coaster ride sa pag-ibig kahit hindi ko sariling love life. Kahit love life sya ng iba ok na ko atleast kahit papaano naranasan ko. Naranasan kong kiligin,umiyak,tumawa at higit sa lahat marami akong natutunang lesson sa Kalyeserye. Natutunan ko na sa love hindi laging pasko, hindi laging kilig, at lalong dapat maghintay ka ng tamang panahon.
So napaisip ako tungkol jan sa tamang panahon na yan na hindi lahat ng bagay minamadali matuto dapat maghintay dahil may taong inilaan ang panginoon satin. Kung hindi mo man makita yung taong karapat dapat sayo nandyan ang pamilya mo sila na lang ang mahalin mo kasi sila hindi magsasawang mahalin ka. Hindi ka nila sasaktan at lalong hindi ka nila iiwan. Pero kung umaasa ka pa din sa forever mo magdasal ka lang sa nasa taas alam naman natin na may nakalaan para sa atin :)
Oct. 8, 2015- anong nararamdaman ko after a heart break. Isa lang sobra kong saya kasi finally naka move on na ko. Pero isa na lang tanggi kong gustong gawin makausap ang ex ko para formal na kaming mag break para tuloy tuloy ang happiness sakin tska sa kanya. Tska para wala na din akong iniisip na what ifs diba? Sana nga makausap na kita ulit. Para matuldukan na yung nakaraan natin yun na lang kasi ang kulang para masarado yung chapter natin eh. Clarification na lang :)
To J.L.R
Thank you sa pagpaparamdam kung paano ako mahalin kahit sa maikling panahon lang. Sorry kung hindi tayo parating magkasama. Thank you sa effort mo kapag biglaan kitang kailangan. Thank you sa pagiging understanding mo. And Thank you sa memories. I loved you and Keep safe always :)
-maellishatine
![](https://img.wattpad.com/cover/25717481-288-k277161.jpg)