A Show [EXO Oneshot]

4.4K 139 22
                                    

A Show [EXO Oneshot]

Habang nandito ko sa kinauupuan ko, nakatingin lang ako sa kanila. Pinapanood ko yung pagiging sweet nila; yung tawanan nila.

I let out a silent laugh that turned out to be a bitter one. Ano ba kasing karapatan kong masaktan sa kanila? Isa na lang akong nakaraan, diba?

Napailing ako. Kahit naman wala na kong karapatan pang masaktan, hindi ko rin naman maiiwasan eh. Mahal ko pa rin kase.

Sinundan ko sila ng tingin at nakita kong hinatid ni Kai yung bago nyang girlfriend dun sa building nila. Muka namang hindi na nagpahatid yung babae sa kanya hanggang sa classroom. Nakita ko naman na pumasok na si Kai sa building namin at tinigil ko na ang pagtingin sa bintana. Nagsulat na lang ako sa likod ng notebook ko.

“Hello, Eunice!” Nakangiting bati sakin ni Kai pag-upo nya sa tabi ko. Oo, katabi ko pa man din sya.

Nginitian ko lang sya ng matipid at nagputuloy sa pagsusulat at pag drawing ng walang kwenta sa likod ng notebook ko.

Kai, mas lalo mo pa kong pinapahirapan.

“Anong ginagawa mo?” Tanong ni Kai at sinilip yung notebook ko. Hinayaan ko na lang sya. Puro doodle lang naman saka lettering ng pangalan ko yung sinusulat ko kanina. “Tch, tch. Palagi pa rin ganyan yung ginagawa mo.” Umiling iling sya at pinitik ng mahina yung noo ko.

Kai, ano ba? Kung maka-asta ka, kala mo naman hindi naging tayo.

Dumating na yung pinakauna naming teacher ngayong araw, our drama teacher. Sabi nya, parang free style acting lang daw kami ngayon. Ewan ko dun. On the spot daw. Sana naman kontrabidang role yung makuha ko. Ako kaya palagi yung kumukuha ng kontrabidang role sa classroom namin pag may play. Saka isa pa, ayokong umiiyak.

“Class, by pair ang acting nyo.” Announce ng teacher namin at ngayon pa lang, alam kong hindi na maganda to. “Your seatmate is your partner. Bumunot kayo sa box ng scenario nyo. Ok, let’s start with Kai and Eunice.”

I groaned. Tch. Medyo na-excite pa naman ako kasi masaya kayang umacting pero now that the situation is like this? Ayoko na.

Nag-smile sakin si Kai. “Galingan natin, ha?”

“Syempre, ako pa ba?” Nag smirk lang ako sa kanya. Ganyan, put up a strong front, Eunice. Ipakita mo kay Kai na ok ka.

Bumunot si Kai mula dun sa box at tinignan namin kung anong scenario ang napunta samin at binigay namin yun sa teacher namin para basahin nya ng malakas sa klase.

Nag sigh ako. Ano ba? Nananadya ba yang nakuha naming scenario? Saktong sakto eh.

“Okay, couple kayo na nag break up. Yung lalake ay naka-move on na at wala na lang sa kanya yun pero yung babae ay mahal pa nya yung lalake.” Pagbabasa ng drama teacher namin ng nakuha naming scenario.

A Show [EXO Oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon