Chapter 5

0 0 0
                                    

Sunday na ngayon, ang bilis ng araw ano. 6:45 na. Tapos na ako kumain at maligo, magbihis. Suot ko ngayon ay white shirt na v-neck, black pants, at doll shoes na skin tone ang kulay. Nakalugay din ang buhok ko. Maya maya pa, may nagdoor bell na. Si patrick na yun for sure. Binuksan ko na ang gate at pinapasok muna sandali si Patrick, nagpaalam na ako kay kuya at kinuha na ang bag ko, at tsaka umalis na.

Naglalakad na kami palabas ng subdivision.

"Anong sasakyan natin? Taxi?" Patrick.

"Jeep."

"Ano jeep?!"

"Wag ka ngang sumigaw, naka tshirt ka lang naman. Hindi ka naman naka-tuxedo, kaya pwedeng pwede ka sumakay sa jeep!"

"Okay, okay. Ang ganda mo talaga pag simple lang."

"Thanks."

"Lili!"

May narinig akong familliar ang boses.

"Jojo?!"

"Of course Lili? Who is that alien? *sabay turo kay Patrick* "

"I'm not an alien."

"Okay, haha. Bye Lili! Papasok pa ako sa Als eh, tapos magtatrabaho pa ko."

"What is Als?"

"Alternative Learning System, pre. 26 years old na ako pero 2nd year highschool pa ako. Hahaha!"

"Ah sige, ingat ka Jojo."

"Salamat! Byeeee. Pre, ingatan mo yang si Lili ha. Wag na wag mong sasaktan. Bye!"

"Jojo talaga."

"Kelan ka pa nakipagkaibigan sa mga jejemon? Mamaya nakikipagkaibigan sayo yun dahil maganda ka. Baka mamaya rape in ka.

"So you think, lahat ng ganun ang itsura rapist na? Don't judge the book by its cover, Patrick."

"I'm sorry."

"Okay, lets go. May jeep na." Pinara ko na yung jeep, lima pa daw pero halos isang tao nalang ang kasya.

"Ang sikip sikip oh! Dyan tayo sasakay?!"

"Ang arte mo naman! Kalalaki mong tao!"

"Fine! Tara na."

Sumakay na kami sa loob, siksikan na nga. Halos matawa ako kay
Patrick dahil sa itsura niyang init na init. Hahahaha!

After 20 minutes, nakarating na kami sa simbahan.

"Para po!"

"Tara Patrick! Baba na."

"Okay." At bumaba na rin siya.

"Ayos ka lang?"

"Ah oo, di lang siguro sanay."

"Tara na."

Umupo na kami. After 1 hour, natapos na ang misa. Hindi ko na ilalahad ang lahat ng nangyari.

"Punta tayo sa mall."

"Hindi! Doon tayo. *turo sa mga nagtitinda ng mga fishball.*

"Ha?"

"Tara na!!!" Hinila ko na siya, para di na makapalag.

"Kuya, pabili po ng tokneneng tapos kikiam."

"Sige po, tusok ka na po dyan."

"Maanghang o hindi?"

"Hindi."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon