First day of school ngayon. 4th year highschool na 'ko. Nagaaral ako sa Kingdom Academy. Nga pala, ako si Maria Lianne Gail Javier. Just call me Lianne, wag na banggitin ang Maria. Haha! 16 years old. Kami ang may ari ng Javier mines at Javier Resort sa Laguna at Batangas. Mayaman kami pero di ko pinagmamayabang. After 25 minutes, natapos na ko maligo. Wala narin akong nakalimutan. Mag toothbrush ✔ Magsuklay ✔ Magbihis ✔ Nerdy glass ✔ Okay. Wala nang nakalimutan. Kinuha ko narin yung backpack ko at mga librong sobrang kapaaaal. Ako na ata ang pinakaweirdo sa buong University na pinapasukan ko. Hays bahala na.
"Anak! Bumaba ka na dyan! Magbreakfast ka na! Dalian mo na, baka malate ka pa!" Si mommy talaga, ang aga aga palang e.
Bumaba na ako at baka bumunganga na naman si mommy. Hahahaha. Nga pala di niyo pa pala kilala ang mommy ko, ang pangalan niya ay si Leona Javier. Nagtataka kayo kung bakit wala yung daddy ko no? Haha. Char. Nasa bussiness trip si Daddy sa England, di na sumama si mommy kasi wala daw magaasikaso sakin. Parang 6 years old naman ako -_-" Di narin ako alagain no. My Daddy's name is Romel Javier, may brother ako, siya si Lyndon Kim Javier. Nasa states siya. Its been 5 years , hindi parin siya umuuwi dito. Oh kilala nyo na kami ha.
"Hoy Maria Lianne Gail Javier! Anong tinutunganga mo dyan! Kumain ka na nga!" HAYNAKO. Binanggit niya na naman ang full name ko. -.-
"Hoy karin mommy! Wag mo na ngang banggitin yung full name ko! Ang bantot pakinggan. Kairita." Yan nalang sinabi ko kay Mommy. Ayt, kainis kasi e.
"Sorry na anak, hahahaha. Yung mukha mo na naman eh, palaging nakabusangot. Osya kumain ka na." Mommy.
Tinapos ko na yung pagkain ko at nagpaalam narin ako kay mommy. Naglalakad na ko palabas ng Subdivision kung saan kami nakatira. Nang biglang may nag *psst* mula sa likod ko.
"Psst!" - Di ko kilala.
Lumingon ako, at nakita ko ang isang lalaking naka-cap, nakapants ng red at may tatak na never give up sa damit.
"Hey yow miss! Nahulog mo ang iyong panyowskie. Wag kang magalala di akows masamang taow. Owkey?" Sabi niya.
"Ah salamat." Yan nalang sinabi ko.
"Ako nga pala si Jon Joel Dimagiba, but you can call me Jojo. Can I be your friend?" Sabi niya.
"Ah okay, Yep sure. Nice to meet you Jojo. See you later, may pasok pa kasi ako e." Ako.
"Ah wait miss. What is you name pala? and can i get your digits? Tutal friends na tayo." - Jojo
"I'm Lianne Gail Javier pala. Ah, 0926*******." Ako.
"Ah salamats Lili. Bye!" Jojo. At nag smile nalang ako.
After 15 minutes nakarating narin ako sa school. 30 minutes pa bago magsimula ang klase. Kaya dumiretso muna ako sa secret garden. At naramdaman kong nagvibrate yung phone ko. May nagtext.
From: 0915*******
.., h4i liLi! j0j0 @ ur scReeN pHuaLa..!!
Ay punyemas na yan. Hahahaha. Sakit sa utak ng text niya. Nireplyan ko narin siya at sinave sa phonebook ang number nya. Nung nagreply ako, hindi na rin siya nagreply. Baka busy. Haha.
To: Jojo
Hello.
Nagvibrate ulit.
From: Cassandra
Hoy babaita! Asan ka ba?! Kanina ka pa namin hinahanap. T*ngin* nakakapagod grabe! Yung paghahanap namin sayo may bayad to, ililibre mo kami ng starbucks later after class.