Kabanata 1

56 1 0
                                    

Ang Simula

Alex's P.O.V.

Usap - usapan sa aming lugar ngayon ang ang tungkol sa isang bangkay ng lalaking natagpuan na nakasabit sa ibabaw ng isang punong - kahoy. Wakwak ang tiyan at wala ng mga lamang loob. Nagtataka ang mga tao kung sinong adik ang gumawa nun sa kanya. Kahit mga pulis ay di rin malaman ang dahilan. Sabi ng mga doktor ay gawa raw ito ng isang hayop.

May iilan namang nagsasabi na gawa daw ito ng isang adik na kalaban ng taong iyon ngunit walang masyadong ebidensya. Sabi naman ng mga matatanda sa aming lugar ay nagbalik na ang delubyo na matagal ng hindi nanalakay. Ngunit, pake ko sa mga balitang iyon... ang mahalaga ay hindi ako kasangkot sa patayang iyon.

Hay salamat at pasukan na naman. Excited na kasi akong makapag - aral lalo pa't college na ako. Isa pala akong BSED student, Major in Social Studies. Andito sa school, naghihintay na dumating ang bago kong guro. Kasama ang mga classmates na napakaingay at nagtatanungan ng kani - kanilang mga pangalan at heto ako, nakaupo sa corner ng classroom at nakatingin sa kanila. Hayan tuloy, panay rin ang tingin nila sa akin at para bang gulat na gulat kong bakit mag - isa lang akong nakaupo dun sa gilid.

Dinig na dinig ko ang mga usapan nila. May ilang nakakaalam ng balita tungkol sa lalaking natagpuan sa ibabaw ng kahoy, ang iba naman ay nagpapakilala sa isa't - isa, at mayroon namang mga nag - uusap tungkol sa mga buhay nila. Maging mga paghinga nila ay dinig na dinig ko, kabog ng kani - kanilang mga dibdib... may ibang excited kagaya ko, may mga nakakabahan, at may ilang nasisiyahan.

Unang araw ng klase pero hindi dumating ang teacher namin. Sayang, excited pa naman sana akong magpabida sa klase. Hehehe. Ganun ako, kakaiba sa lahat... gusto ko palagi na lang may klase. Sana mayroon ding katulad ko nuh?

" Okay guys, lets vote for the class officers habang wala pa teacher natin. Huwag lang natin basta bastang sayangin ang oras natin dito." sabi ng isa sa mga kaklase ko. Hindi ko kilala yun. Feeling close ba yun? Naiinis ako sa mga taong ganun, para bang pabida. Ganun din ang reaksyon ng lahat ng mga kaklase ko. Pero sa totoo lang, okay yun. Pasensya ha, may pagkasuplado kasi ako minsan. Sobra pa sa isang babae kung umasta.

At ganun nga, nagvote kami ng mga class officers namin. Ewan ko sa kanila, paki alam ko, hindi ako nakikisali sa mga botohan nila. Hahaha... Sa tabi ko, may tahimik ding kagaya ko. Kinausap niya ako.

"Saang school ka ba nanggaling?" tanong nya sa akin.

Syempre, hindi naman ako ganun ka snobber. Palakaibigan nga ako hindi ba?

"Sa St. Teresita ako, eh ikaw?" pabalik kong tanong.

"Oy, pareho pala tayo. Dun din ako nag - graduate." sagot nya sa akin. "By the way ako nga pala si Charles dela Torre. Ikaw tol?" dagdag pang tanong nya.

Ayos to hah, palakaibigan. Mabuti na lang at may nakilala ako dito. "Alex Cruz nga pala. Nice meeting you pare." sagot ko sa kanya.

Nagtagal pa ang aming usapan habang ang mga classmates din namin ay may kanya kanyang topic. Maya - maya, may itinuro siya sa akin.

"Kita mo yun? Yung babaeng nasa unahan, nililigawan ko yun. Ganda nuh?" sabi nya sa akin.

Itinuro nya sa akin ang isang cute na babaeng nasa unahan. Maganda nga naman ang babae, parang type ko pa nga eh. Ngunit, ang kanyang mga mata ay parang mata ng isa sa aming mga kalaban o marahil siguro nagkakamali lang ang pang - amoy ko sa kanya. Ganun kasi ako eh, baguhan pa lang sa grupo namin. Naiintindihan nyo ba ang ang ibig kong sabihin?

Ang totoo isa itong napakahabang kuwento... Ito ang buhay ko.

Nagsimula ang lahat isang gabi nang nasa third year high school pa ako. Actually, napag - isipan lang namin nang barkada ang panoorin ang kabilugan ng pulang buwan. Siyempre may konting bonding - bonding rin. Sa bahay ng isa kong kabarkada kami nun tumungo. Masaya naman... ganun talaga mas masaya sa piling ng mga barkada. Medyo lasing nga lang ang iba kong kasamahan.

Pagkatapos nun, nagsiuwian na ang lahat. Medyo malapit lang naman ang bahay namin sa kanila kaya naglakad lakad na lang ako patungo sa amin. Mga bandang alas 11 na akong umuwi, sa daan naglalakad - lakad hindi naman delikado ang daan patungo sa amin eh, kaya't mahigpit ang tiwala ko na maglakad lakad na lamang ng mag - isa. Madidinig pa ang huni ng mga kulisap sa daan at ungol ng mga aso sa mga kakahuyan. Napatingin ako sa itaas ng buwan at pinupuri ko pa nga ang kulay nito na parang dugo. Blood moon kasi....

Ngunit mula sa itaas, may narinig akong huni ng isang agila... Bihira lang ako makakita ng mga agila sa aming lugar lalo na ang marinig ang kanilang mga huni simula ng pag-huntingin sila ng mga tao noon sampung taon na ang nakalipas. May nakasalubong akong isang tao sa daan. Binati ko, "magandang gabi manong.." ngunit hindi man lang sya tumingin sa akin... napadaan lang sa akin ng nakayuko.

Napansin ko ang mga mata nya na parang nanlilisik... pulang - pula! Una ay inisip ko na isang sort of adik lang yun ngunit ng makita ko ang mga dugo sa dinadaanan nya, doon ko nalamang nasa matinding sitwasyon pala sya. Gusto ko syang tulungan kaya't.. "Teka manong!" ngunit hindi ko na sya nakita pa. Ang bilis nyang mawala sa dilim, parang may kakaiba sa kanya.

Nagpatuloy akong maglakad - lakad. Habang nakatingin ako sa pulang buwan ay may nakita akong parang isang tao na may pakapak. Natatakpan nya ang sinag ng buwan at para bang nakatingin sya sa akin. Lumipad sya patungo sa akin at sa takot ko, tumakbo ako sa gitna ng mayayabong na mga punong - kahoy.

Patuloy ang aking pagtakbo ng hindi alam kung saan ako patungo... ang importante ay makatakas lang sa humahabol sa akin. Hinihingal ako dahil sa pagod kaya't napaupo na lamang ako sa isang damuhan.

Hindi ko namalayan ang paparating na taong may pakpak patungo sa akin. Parang himatayin ako sa takot at pagod ko sa katatakbo.

Bumaba sya sa mga damuhan. Dilaw ang kanyang mga mata. Isang tunay na tao ang kanyang katawan at ang kakaiba lamang ay ang kanyang mga pakpak sa likuran. Pakpak ng isang agila! Matutulis ang kanyang mga kuko. Anghel? Pero malayo, may pagkademonyo ang kanyang paningin. Naalala ko tuloy ang kuwento ng aking lola noong bata pa ako na may mga taong agila raw na nandadagit at kumakain ng laman ng mga tao.

"Sino po ba kayo?! Anung kailangan nyo, ha?!" tanong ko sa kanya.

Patuloy syang lumalapit sa akin. Binuka ang ang kanyang bibig at nagulat ako ng biglang tumulis ang lahat ng kanyang mga ngipin. Dinaganan nya ako. Pinagkakalmot ngunit nanlalaban ako. Napasigaw ako ng "tulooong!!!" ngunit masyadong malayo ako sa mga bahay - bahay. Nanlaban ako at pilit sinasangga ang mga kalmot nya hanggang sa marami na akong sugat at kalmot sa katawan at mukha.

Napakalakas nya! Biglang may isang hayop na umataki sa kanya. Parang isang malaking aso. Napuruhan nito ang taong agila kaya't lumipad ito at tumakas. Salamat na lamang sa asong iyon at iniligtas nya ako sa taong agila ngunit hindi ako nakasisiguro kung hindi rin delikado ang asong ito ito. Baka ako ang gagawin nyang pagkain dahil sa talim ng kanyang mga ngipin.

At kung makakauwi naman ako ay paano ko naman ipapaliwanag kay lola ang nangyari sa akin? Puno ng kagat at kalmot ang buong katawan at mukha ko. Maraming dugo na tumutulo sa aking katawan. Napahimlay ako at nawalan ng malay.

Bloodthirst TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon