Kabanata 3

15 0 0
                                    

Alex's P.O.V.

Bumangon ako mula sa aking kinahigaan. Puyat na puyat at pilit iminulat ang aking mga mata. Inabot ko ang aking cellphone sa may bandang ulohan ngunit sa halip na iyon ang mahahawakan ay mga dahon ang nakuha ko. Bumangon ako at nadatnan ko ang sarili na hubad, nasa gitna ng isang kagubatan.

Bakit kaya nandito ako sa gitna ng gubat? Paano na ako makakauwi nito kung hubad ako?

Binalot ko ang katawan ko ng mga dahon ng saging. Pasilip-silip sa paligid baka may taong makakakita. Tinahak ko ang daan patungo sa daanan ng mga sasakyan at nag-abang ng puwedeng magpasakay sa akin. Maya-maya ay may papalapit na sasakyan, kulay asul na Chevrolet... Pamilyar na pamilyar sa akin ang sasakyang iyon.

 Ang sasakyan ni Leslie, siguradong kapag nakita niya ako ay mapapahiya ako sa kanya

Ngunit bago pa man ako makatago ay nasulyapan niya na ako. Kitang kita niya ang buo kong katawan na binalot ng mga dahon. Alam kong kilala niya ang boung pagmumukha ko dahil madalas kaming magkita sa paaralan.

"Paano na? Hindi ko makakaya 'to. Mapapahiya talaga ako sa kanya." tanging sigaw ng aking isipan na hiyang-hiya sa kay Leslie. Biglang tumigil ang sasakyan niya malapit sa pinagtataguan ko. Naglakad siya ng ilang hakbang pa. Patuloy akong nagtago sa mga mayayabong na halaman. Tiningnan niya ang mayayabong na mga halaman at maya-maya lang ay tumalikod din at umalis. Laking pasalamat ko na hindi niya ako nakita. 

Talaga bang hindi niya ako nakita? O kaya'y nagwawalang kibo lang siya? Sana hindi. Minabuti kong maglakad na lang papauwi dahil hindi rin naman kalayuan ang bahay namin mula sa lugar na ito. Patuloy na naglalakad at nagmamasid sa paligid ko baka may ibang makakita sa akin. At kagaya ng kahapon, sa bintana ako dumaan. Naligo, nagbihis, at kumain ng almusal tsaka umalis ng bahay.

*****

"Hey Alex." tawag ng pamilyar na boses sa akin. Si Drake, ang bully sa paaralan na palaging ako ang nakikita at palagi akong pinaghahamon ng basketball.

"Tara, maglaro tayo ng basketball, patunayan mong lalaki ka." paghahamon niya sa akin. Kahit patulan ko siya ay wala akong magagawa, varsity siya ng paaralan namin at isa pa hindi ako marunong mag-basketball.

"Hmmm... pasensya ka na Drake, wala akong bakanteng klase, sa susunod na lang." katuwiran ko sa kanya. Maraming nakatingin sa amin. Ang iba ay nakatingin na para bang may pangungutyang titig sa akin. Hinayaan ko na lang. Tinalikuran ko ang tumatawang si Drake. Umalis ako at nagtungo sa aming classroom.

Nag-umpisa ang aming klase sa Speech Comm. Hindi ako nakikinig sa aming klase dahil abala ako sa pag-iisip kung ano at paano ako nakapunta sa gitna ng gubat. Talagang wala akong kaalam-alam sa nangyari. Pilit kong inalala ang lahat hanggang sa...

Ahhh... Naalala ko na. Sa kalagitnaan ng gabi ay bumangon ako, binuksan ko ang bintana at tinitigan ko ang bilog na buwan. Dinig ko ang lahat ng mga kulisap na kumakanta sa gabi. Dinig ko rin ang ungol ng mga aso sa di kalayuang kakahuyan sa aming bahay. Sumakit ang ulo ko at parang umiikot ang lahat ng mga bagay sa paligid. Napaungol ako dahil sa sakit...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bloodthirst TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon