Kim's POV
"Kim"Tawag ni Tiffany kaya nabalik ako sa realidad
"I-I'm sorry mahal"Sagot ko tsaka siya niyakap sa bewang
"It's been a week. Lagi kang ganyan"Saway niya
Gusto ko siyang tanungin, gusto kong sabihin ang nangyayari sa akin pero ayoko siyang madamay... ayokong lumala kaya iniisip ko lagi kung paano ko siya dederetsuhin , at kung paano ko dederetsuhin si Mike
"Pagod lang lagi but it's okay andito ka naman "Sagot ko lang
"Baliw"Saway niya kaya ngumiti lang ako
"Okay kaya si Anna?"Tanong niya bigla kaya napatingin ako sa kanya
"Oo naman wala ka bang tiwala kay Mommy?"Tanong ko
Dahil last three days ago pumunta na sila Mommy at Anna sa Las Vegas for bussiness tsaka sinama nga ni Mommy si Anna para makapagaral in advance
"Meron kaso kase si Anna diba? Masyado pa siyang bata"Sagot niya habang nakasimagot kaya hinawakan ko siya sa dalawang pisnge at finorm ko ng pasmile
"Mommy knows what will she do. Okay?"Sabi ko tsaka siya tuluyang ngumiti at hinalikan ako sa pisnge
"Thank you"Ngiting sabi niya
"Tiffany!"Napalingon kaming dalawa
"Ang ingay mo Elisa"Saway ni Tiffany
Lumapit siya sa aming dalawa
"Kalat na kalat na sa buong school ah"Sabi niya kaya nahihiya akong tumingin sa kanya at sa kamay namin
"Oy Kim!"Tawag niya
"B-Baket?"Tanong ko
"Subukan mo pang paiyakin tong babaeng to patay ka talaga sa akin!"Pananakot niya kaya tumawa lang ako pero seriously? Nakakatakot talaga siya
"Yeah I-I know"Sagot ko
"Yan nagkakaintindihan tayo.Sige na maiwan ko na kayo.Bye!"Sabi niya tsaka naunang maglakad
"Ay teka Kim! May group project pala kami nila Camille"Sabi ni Tiffany kaya napatigil kami sa paglalakad
"Tsk bat kase hindi kita ka-grupo! Haist mag-ingat okay? Text me or manong when you go home. I love you"Paalala ko tsaka siya niyakap at hinalikan sa noo
"Opo I love you too , ingat din ha? Bye!"Sagot niya tsaka tumakbo pabalik sa loob ng room
At ako naman tinext yung mga kagroup ko para naman makatulong din ako
"Punta ka na lang sa National Bookstore Kim, akala kasi namin hindi ka makakasama hehe sorry!"Reply ni Xyrus
"It's okay , i'm on my way!"Reply ko tsaka nagmadaling magpahatid kay Manong
"Manong doon tayo sa mall"Sabi ko
"Sasamahan pa ba kita pauwi?"Tanong ni Manong habang nagdadrive
"Wag na po , si Tiffany na lang po sunduin niyo two hours lang naman ata sila"Sabi ko habang syempre katext si Tiffany
Ayaw niya pa magpasundo mamaya kaya sinasabihan ko na siya na lang sunduin ni Manong dahil kaya ko naman magcommute
"Nasabi mo na ba sa kanya?"Tanong bila ni Manong kaya napatingala ako at tumingin sa kanya
"Po?"Takang tanong ko