23

7.6K 187 33
                                    

Tiffany's POV

"Tiff ano ginagawa mo dito? Gabi na!"Gulat na sabi sa akin ni Elisa

Siya lang malalapitan ko dahil kapag kila Nick ako...baka magalit si Kim

"Elisa"Tawag ko lang tsaka siya niyakap at tsaka bumagsak ang luha sa mata ko

"Oh ano nangyari?"Tanong niya tsaka ako pinapatahan

"Ang sakit na kase eh"Sagot ko

"Halika nga dito tayo"Sabi niya tsaka kami pumasok sa bahay nila at umupo

"Buti na lang pahinga ako ngayon. Teka naglayas ka? Baket? Inaway ka na naman ni Kim? Akala ko okay na kayo?"Sunod-sunod na tanong niya

"E-wan ko ang hirap i-explain sa'yo to pero haist mas mabuti kung wag na lang"Sagot ko

"Ikwento mo na , kaibigan mo ko kaya maiintindihan kita"Sabi niya ako hinawakan sa kamay

Ayun nga kinwento ko ung tungkol sa amin ni Kim at syempre yung kay Jessica

"A-ano?Kaya ba sila lagi nag-aaway ni Nick? Ang swerte mo girl!"Sagot niya lang kaya napatingin ako sa kanya ng seryoso

"I mean ano swerte ka dahil may gusto sa'yo sa papa Nick tsaka si Prince Kim este Princess"Sabi niya kaya napa face palm na lang ako

"Pero grabe girl nakakainis si Kim tsaka ikaw!"Sabi niya tsaka ako binatukan

"Wag mo nga idamay si Kim ako naman may kasalanan"Sagot ko

"Haist! Ewan ko sa'yong tanga ka"Naiinis na sabi niya

"Ano nanaman ginawa ko?"Takang tanong ko

"Wow tinanong mo pa? Nagpakatanga ka lang naman"Sagot niya

" Masama bang magpakatanga? Mahal ko sya"Sagot ko tsaka pinunasan ang luha ko sa pisnge

"Hindi sa masama pero mali naman yung mahal mo siya tas ikaw lang yung tanga , diba parang unfair kase hindi ka niya mahal. Alam niyo kase ang mali sa inyo? Pumasok kayo sa relationship nang walang kasiguraduhan.... pumasok ka sa pusong may laman na , sa meron nang may-ari! Hindi mo pwedeng angkinin ang isang bagay para lang sabihing sa'yo siya! Kailangan may ipapakita kang dahilan na gusto niya rin"Sabi niya kaya napayuko ako

"Sige ganto na lang. Ikaw na tanga ka na pinilit siya sa isang bagay na hindi natin alam kung gusto niya ba talaga. At siya na kay gago ng aso na tinaggap naman dahil sa ano? Naawa siya? dahil sa naawa lang?"Tanong niya

"Wag mo nga siyang murahin"Sagot ko

"Hindi sa minumura ko siya o nilalait pero sa totoo lang ha tanga ka talaga Tiffany at ang gago niya.TOTOO TO. Hindi sa harsh ako pero ganun na din... wala NANG kayo, kung siya nagpapakasaya sa ex niyang bobita din na malandi na masarap patayin na ma---"

"Wag mo na ngang laitin. Kahit ako gusto ko siyang laiitin pero mahalaga siya kay Kim"Saway ko sa kanya

"HAIST! Bwiset! Nagising ka ba talaga? Yung totoo Tiff? Mahal ni Kim si Jessica tapos ikaw mahal si Kim. Ikaw aasa sa wala. Sila aasa sa forever kahit walang ganun. Tiffany hindi lang puso ang kailangang gamitin. Matalino ka pero sa love let's say na bobo ka dun"Napapoker face na lang ang sa panglalait niya

Haist grabe hindi ko alam kung tinutulungan ba ko nito o inaasar lang

"Haist oo na sige hindi na ko manlalait pero tanga ka promise. Last na yun"Sabi niya

Can't Unlove You (GxG) [TaeNy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon