Part 1 | Untitled

19 0 0
                                    


I'm FALLING.

Chapter 1.

Untitled.

♀♀♀
Nicole's POV

"O.M.G! Excited na ako bes! Bukas na first monthsary namin ni John!" sambit ni Micah, bestfriend ko.

Bago lang kami natapos kumain ng lunch at ang ingay-ingay na ni Micah. Kanina pa nga nagsasalita 'to eh. At ang lahat nanaman ng mga pinagsasabi niya ay tungkol sa boyfriend niya. At ako naman? todo support lang. Total, kasiyahan niya naman 'to 'di ba? Wala na tayong magagawa dun.
-u-"

"Oyy! Kanina pa ako nagsasalita dito tapos ang tahimik mo masyado. Bakit? May problema ba bes?"

"Oo!! Ikaw!!!!" de joke lang. Syempre hindi ko sinabi yan noh! haha.. XD

"Ahh.. Wala.."

"Ahh.. Okay.."

"Pero teka bes.." sulpot ko.. "Sigurado ka na ba talaga sa kanya?"

"Kanino? Kay John Zedrick 'POGI' Chua?"

-_-"   Tumango na lang ako.. May topak ata 'to..

"Oo naman noh!"

"Eh, mukhang playboy yun eh. Baka masaktan ka lang. Concerned citizen lang naman."

"Naku bes! Don't judge a book by its cover."

"Pero bes! Sometimes, the cover says everything about the book!"

Nabigla ako dahil tumayo siya at hinampas ng libro ang mesa.

"Ano ba Nicole?! Dapat nga suportahan mo ako eh kasi best friends tayo. Bakit ba tutol ka sa relationship namin, ha?! Na-iinggit ka lang siguro kasi wala kang boyfriend!" Sabi niya at nag-walk out.

At ako naman? Pinagtitinginan. Ano pa ba eh sinigawan ako in public. -_-

"Mga babae talaga. Sila na sinasabihan, ayaw pa maniwala.." Sambit ko sa sarili ko.

"Oo nga.."

"Ay lamang lupa!" Sigaw ko habang gulat na gulat.

"Huh? What's a lamang lupa?"

Nang tumingin ako kung sino o ano ang sumulpot sa tabi ko na parang kabute, si Lyle lang ang nakita ko.

"Tsk! Ikaw lang pala Lyle. Akala ko kung ano na."

"I'm sorry. I didn't mean to startle you."

"It's okay."

"Can I drive you home?" Tanong niya, smiling sheepishly.

"Lyle, I'm sorry. I told you. I'm not interested. Sasayangin mo lang effort mo."

Si Lyle, manliligaw ko na sobrang bait. Nagtataka nga ako kung bakit ako eh. I'm a nobody. Atsaka hindi ko kayang suklian ang feelings niya so I made him stop.

"Alright. Alright." He said, raising his hands, surrendering. "Consider this as a treat. Please?"

"Okay." Sabi ko sa kanya at ngumiti. Kawawa naman kasi si Lyle eeh. He deserves someone better than me. Someone who can give back his feelings.. Pogi naman kasi talaga si Lyle eh! Kaso, wala eh. Prends lang ang mai-offer ko. :/

"Great! See yah Nics!"

"Bye!" Nag wave ako sa kanya habang naglalakad na siya palayo.

Patuloy na rin akong naglakad. Baka ma-leyt pa ako sa first period ko ngayong hapon. Sayang pa naman ang 'honor student' title ko.

*RINGGGGGGG*

Ugh. Late na ako. Haaay. First time sa buong buhay ko 'to.

Wala nang tao sa hallway. Naku naman. Sampung classroom pa ang dadaanan ko.

Mabilis akong naglalakad ng may humila sa akin.

"Mitsuki. Wanna hang-out?"

"Hang-out mo mukha mo! Male-leyt na ako! Bitawan mo nga akong bwisit ka!"

"Hang-out with me."

"Ayaw ko nga di ba? Shoo! Alis ka na! Peste ka sa buhay ko at buhay ng bes ko letse kang Zedrick ka! Ang galing mo talagang mangloko ng babae at pati ang best friend ko, inuto mo na rin!"

Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong nahuhulog ang bes ko sa hinayupak na si John Zedrick Chua. Kita niyo naman na sobrang kapal ng gilagid ng lalaking to na pati ako nilalandi.

"Was that a compliment or an insult?"

Inirapan ko na.

"Ang tapang mo para maging nerd. Nerd ka ba talaga?"
He said it in a mocking tone.

Oo. Hindi ko pa nasabi yan sa inyo. Nerd ako. Okay?!

Pero hindi naman masyado. Matalino naman talaga ako pero hindi ako ang tipo na sobrang matalino. Naka-glasses din ako. Sira na kasi mata ko eeh. Tsk.

"Hindi ako nerd! Ang sabihin mo, mas matalino lang ako sa'yo!" Pagdedeny ko kahit halata naman. Pero di ba tama ako?

Napatawa siya ng kaunti at pinisil ang pisngi ko.

Mabilis ko namang tinabig ang kamay niya at inapakan ang paa niya. Binitawan niya ako at hinimas-himas ang paa niya. Mabilis akong tumakbo papuntang classroom.

Bago ako pumasok, nakita kong tumatakbo rin siya papunta sa direksyon ko. Binelatan ko muna siya bago humingi ng paumanhin sa math teacher ko.

"Pasensya na po. May hinayupak po kasing humila sa kamay ko bago ako makapunta dito."

"Mitsuki!!!"

Tumingin kaming lahat sa pinto at nakabungad doon ang hinahapong si Zedrick.

"Aahh.. Good timing! Siya po yung hinayupak na sinasabi ko."

Nganga lang ang teacher ko at ang iba ko pang mga classmates. Ilan sa kanila ay nagpipigil tumawa. Bakit? Takot lang nila sa Chua na 'to. Sabi daw kasi nila, 'He'll make your life a living hell' pero hindi ako nagpapaniwala sa mga rumors na yan. Rumors nga ang tawag di ba? Tinatakot lang nila ang mga tao eh. Kahit yung mga guro. Nagpapadala lang silang lahat sa lalaking 'to eh. Asus. Hindi ako papayag na ganyan lang ang turi niya sa akin so lalaban ako. Tawagin mo akong warfreak. Wala akong pake.

I mean, hindi namang pwede na forever kang magpapa-api sa lalaking yan no! Tao rin yan.

Sinabihan niya ako ng 'Humanda ka.' bago siya umalis. At ako naman, wapakels! Bahala siya sa buhay niya! :P Mas aatupagin ko pa ang studies ko kesa sa kanya.

♀♀♀

Hey hey hey! kamusta yung chapter? Feel free to comment guys. Negative or positive. Tatanggapin ko para sa ikabubuti ng storyang ito. Votes na din!

Jaa ne~
YuiJane_087

I'm FALLING.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon