I'm FALLING.
Chapter 4.
The deal.
♀♀♀
Nicole's POV
"Sht!!!!!!!!"Napatingin ako kung sino ang nagsalita.
"N-nicole?! You're with my boyfriend?! Anong ginagawa mo dito?! John and I are supposed to be on a date!"
O.m.g.
"A-ano.. kasi.. akala ko nandito ka. Tapos ano. Wala ka pala. Tapos. Uhh. Gutom na ako. Tapos dinala niya ako dito. Tapos emergency daw. Ehh kasii--"
"What she was trying to say was.. Sorry." He interrupted me.
Huh? Tinutulungan ba ako ng lalaking 'to? Himala ata ah.
"Really? Sorry saan?" Hamon ni Micah.
"Sorry, kasi hindi niya nasabi sa'yo na we're already dating."
Ano?!
"What?! Anong pinagsasabi mo--"
Hindi ako pinatapos ni Micah sa pagsasalita.
"Kailan pa?" Kalmado niyang tanong.
"Since a week ago." P*tang*na! Sumusobra na talaga ang g*gong 'to!
"Bakit ba nagsisinungaling kang manloloko ka?! Ha?!"
Sigaw ko sa kanya.
"Ito pala ang reason kung bakit hindi ka boto sa relationship namin? Ha Nicole? Dahil may gusto ka sa boyfriend ko?!!"
Ano? Nagkagusto ako sa g*gong yan?!
"No! Micah, never akong magkakagusto sa lalaking yan!!"
Tsk. Sabi ko na nga ba. Dapat umuwi na lang ako kanina kahit gutom na gutom na ako.
"John? Are you breaking up with me?" Tanong ni Micah kay Zedrick at halatang naluluha na.
"No. I'm not breaking up with you. I'm dumping you Micah. Wala na tayo. Pasalamat ka at umabot ka ng 29 days."
Ugh. Jerk talaga ang Zedrick na to. Pinapamukha niya pa kasi kay Micah.
"Tama na! Can't you see?! Nasasaktan si Mica--"
"Hayop ka. Tinraydor mo ako! Akala ko bestfriends tayo? Ginamit mo lang pala ako? Thanks a lot. Fake." She managed to say between sobs.
Lumabas na siya ng restaurant at tumakbo.
I turned to Zedrick at naka-ngisi pa yung loko. Lumapit ako sa kanya at nawala ang ngiti niya ng kinwelyohan ko ulit siya.
"What the hell was that for?! Hindi pa ba sapat sa'yo na nasasaktan ako para kay Micah? Dahil nahulog siya sa taong katulad mo?!"
He tried to pull me closer pero tinabig ko ang mga braso niya.
"Lumayo ka sa akin peste ka. Sinaktan mo na nga bestfriend ko, ginamit mo pa ako! Oh ano, masaya ka na? Bakit mo ba kasi ginagawa 'to?! Hindi ka naman magkakapera sa panloloko ng babae ah!!!"
Without looking back, umalis na ako.
Tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta. Gustong lumayo sa lalaking yon. Siya ang salot sa buhay ko at ng bestfriend ko.
Mayamaya ay napansin ko na nasa park pala ako. Wala naman masyadong tao dito.
Umupo ako sa isa sa mga benches dun. Ng yumuko ako, naramdaman kong basa na ang pisngi ko. Sh*t. Dahil lang sa gutom ko, nawala na ang pagkakaibigan namin ni Micah. Bakit ba kasi ako ang trip ng g*gong yon?!
F*ck Zedrick and his lies.
"Mabuti naman at tumigil ka na sa pagtakbo. I was starting to think na wala ka na and then i spotted you sitting here."
Hindi ko siya tinignan. Wala naman akong mapapala eh.
"Hey. I broke your friend's heart-"
"She's not just my friend! Bestfriend ko siya! At hindi mo lang siya pinaasa! Pati friendship at buhay ko, sinira mo! G*go!"
Nabigla siya. Hindi pa kasi niya ako narinig magmura. So? Wala naman akong pakialam kung ano ang iisipin niya.
Natahimik siya ng ilang saglit at nagsalita muli.
"Sandali lang naman. Let me finish. I broke your bestfriend's heart so, why not break mine?"
Nagtaka ako kaya napa-tingin ako sa kanya. He wants me to break his heart?
"Naka-singhot ka ba ng katol? You want me to break your heart?"
Tumango siya casually.
Break his heart?
"Gusto kong gawin yan pero.. How?" Curious kong tanong. Pano nga ba?
Kung magagawa ko 'to, feeling ko marami pang babae ang hindi mapapaiyak ng Chua na 'to. At isa pa, revenge 'to para kay Micah.
"Be in a relationship with me."
"Ano?! Sa tingin mo tatanggapin ko yang request na yan?!"
"If you really want to break my heart to avenge your bestfriend and all the other girls na pina-iyak ko? Hmmm.. Yes."
Ugh. I hate to admit na tumpak ang sagot niya sa tanong ko.
"At ano naman ang mapapala mo dito? I'm sure na may plano ka na naman."
"Amusement. Atsaka! Dapat ba may plano ako?" He raised a brow at tinuro ang sarili niya.
"Ikaw pa. Pinaniwala mo nga ako na may nangyari kay Micah at pinasuot mo pa ako ng dress ngayon." Umirap ako.
He sighed.
"Wala na akong plano. Micah's gone, remember?"
Tumango ako.
"Masasaktan ko si Micah. Baka akalain niyang ginagawa ko 'yo dahil tayo."
"Nasaktan na siya Mitsuki. At hindi na 'yon maibabalik pa."
Napatingin ako sa malayo. He's right.
"Is it a deal Mitsuki?" He lends me his hand for me to shake.
Tinignan ko lang ang kamay niya.
I, honestly wanted to twist it.
Pero hindi. Nagawa ko na. Or should I say, nasabi ko na.
.
..
.
.
.
.
.
.
.
..
."Deal."
BINABASA MO ANG
I'm FALLING.
De TodoI'm FALLING. Prologue. ♀♀♀ Pano na 'to? I didn't mean for this to happen. Hindi ko naiintindihan ang mga nararamdaman ko. What do I do? Hindi dapat ako natatalo. But, I can't do anything now. I'm FALLING. And that's that. ♀♀♀ Oh, kamusta? ok ba? pak...