Chapter 3: RAMBOL

30 4 0
                                    



Kharl's P.O.V


"Hoy! Sabing ako ang specialist ng music instrument!" Bulyaw ni Valerie.


"Ako na!" Sigaw din ni Kevin.


"Suntok gusto mo?!" Galit na din si Valerie.


"Ang tigas mo Valerie ha!" At umeksena na naman si Gab.


"Sige na Gab oh! Sabing ako na eh!"


Ingay. Kinuha ko nalang ang libro ko at pilit na iniwas ang pansin sa kanila. May riot kasing nangyayari.


Nag a-assign si Gab kung sino ang magiging specialist ng bawat Arts na mapapatupad namin. At ngayon may away na naman ang nangyari.


"Ang arte mo naman Gab! Gusto ko mag music instrument eh!"


"Eh? Ano bang instrument ka marunong ha?" Na inip na din si Gab.


"Uhm...ano...Magaling akong mag drums!"Nagdadalawang isip pa sumagot si Valerie.


"Ah ganun." Tiningnan ni Gab ang mga lalaki. "Hoy kayo, kunin niyo nga ng lata tong babaeng to kasama na din dalawang piraso ng barbecue stick. Tingnan natin kung marunong ba talaga to. Tsk." Utos ni Gab at nagpatuloy sa paglista sa notebook niya.


"Tse. Huwag na! Ako nalang at dadalhan ko talaga kayo ng drums. Bleh!" Nag roll-eyes muna si Valerie sabay hair flip at galit na lumabas sa room.


"Heh. Maganda sana, sungit lang." Pabulong na sabi ni Gab. Alam na. Tsk.


"Hoy kayo, Kevin at Jeff nasan na si Ivan?" Tanong ni Gab.


"Malay namin dun. Himala nga wala siya ngayon." Kevin.


"Baka nang-chiks?" Jeff.


"Ah. Pwede ring siya ang ma-assign ko sa Dance Art. Magaling din naman yun gumalaw diba?"


"Oo. Magaling yun dumadamoves. Haha!" Nagtawanan naman silang tatlo. Eh ewan ko sakanila.


"Kharl! Ikaw? Anong arts gusto mong ma-assign?" Bumaling ang atensyon ko kay Gab. Hmm...


"Theater Arts." Nagulat naman sila sa sagot ko. Ano aangal pa sila?


"Talaga Kharl? Magaling ka bang umarte?" Tanong ni Kevin.


"Weh. Uy guys, Si mr. president oh. Magaling umarte. Haha!" Nang-aasar na si Jeff.


"Gago." Yan lang nasabi ko.


"Uy bato! Sample nga!" Gah. Na naman Gab?


Class Mission!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon