Kevin's P.O.V
Bumalik kami sa campus na bugbog sarado lalong lalo na si Ivan.
"Hoy! Saan ba kayo nanggaling mga bata kayo?!" Ang unang bumungad samin si Manong Guard.
Buti pa nga si guard sabay sa amin. Haha. Hindi katulad nung mga teachers dito na nangunguna pa sa away. Tsk. Isa pa, siya lang talaga ang marunong umintindi samin kaya nga magaan talaga ang loob namin sa kanya.
Kung minsan nga pag mayroon kaming problema, sa kanya kami lumalapit lalong lalo na kapag may problema na naman kami sa mga teachers namin at ibang section. Oo kahit ibang section may kaaway kami.
"Ah. Doon lang po sa kanto nakikipagbasagan." Proud na pagpapaliwanag ni Gab.
"Opo, opo!" Nagtatalong pagsang-ayon ni Valerie. Kababaeng tao mahilig makigpag away.
"Ha?! Pati tong bubwit nato este babaeng to?!" Guard.
Haha. Oo nga pala may kaliitan din kasi tong si Valerie dahil matatangkad kaming mga kasama niya.
"Haha. Opo. Ang cute nga po ng suntok niya eh." Pangungulit ni Gab kasabay nun ang pag pat niya sa ulo ni Valerie.
"Che! Huwag mo akong hawakan! Diyan ka na nga! Bleh!" Nainip na rin si Valerie kaya pumunta ito sa dulo ng bench na inupuan namin. Naks. Umiwas samin.
"Awe. Nainip yata yung alaga natin." Kahit basag na basag na kami hindi pa rin nawawala ang pagka syete namin.
Dahil ganun ang mood ni Valerie talagang sinasabayan namin. Ang cute kasi ng babaeng to kapag magtampo. Pero kapag high na naman siya, Syeet. MALDITA.
"Tumahimik kayooo. Ayoko na sa inyo! Bleeeh!" Sigaw niya galing sa dulo at nagtakip ng tenga para hindi kami marinig. Haha.
"Bataaaa!" Sigaw ni Jeff sa kanya. Pero nanatiling ganun si Valerie.
"Blah, blah, blah, wala akong marinig!" Sigaw ni Valerie habang nakatakip pa rin sa tenga niya.
"Bata, bata, bataaaaa! Hahaha!"
"Tigilan niyo ko, kundi isusumbong ko kayo ni kuya!" Sabi niya habang tinuturo kami. Haha. Eh pati nga kuya niya 'bata' din ang tawag sa kanya. Tsk.
Ayaw na ayaw kasi ni Valerie ang tawagin siyang bata. Ewan namin diyan hindi kasi namin matiis kapag natripan na namin. Hehe. Pero kahit ganun lab namin yan. Charut lang.
BINABASA MO ANG
Class Mission!
Teen FictionAn ordinary campus but had the not-so-ordinary section. Ang section na WARSHOCK sa lahat ng warshocks. And the weirdest part of it is that sila ang tinuturing na First Class o ang Section One ng campus nila. They are the Warfreaks in the campus but...