Unang Kabanata (10/09/15)

15 1 1
                                    

Unang Kabanata, Luna's Point of View.

---

“Babe, punta tayo MOA mamaya ha?” malambing na sabi nung lalaki sa gf niya. Napa-ikot ng bongga ‘yung magaganda kong dalawa kong mata. I bet kaka-on lang nila kaya sila sweet. ‘Yan naman talaga ang relasyon e parang bubble gum. Matamis sa simula pero nang patagal ng patagal unti-unting nawawala ang lasa.

“Oo ba, babe.” sagot ng gf ni guy.

Lumanghap ako ng napakaraming hangin at itinipon-tipon ang kakayahan ko saka sumigaw sa magshota, “Walang forever! Magb-break lang din naman kayo! Peksman!”

Agad naman akong naglakad palayo at mga yapak ko’y padabog. Kabadtrip e. Hanggang ngayon ba naman naniniwala parin sila sa napaka-paasang salitang forever? Tanga din nila e.

Yumuko ako habang naglalakad padabog. Wala akong pake kung sinuman ang mabubunggo ko. Walang makakapigil sa akin! Forever? Edi wow!

Naglakad pa ako nang naglakad hanggang sa may nabunggo ako. Sumakit bigla balikat ko. Ayos lang ‘yan, mas masakit parin ‘yung sa puso banda.

“Tumingin ka nga sa dinaraanan mo, babae! Tangina naman ‘to! Nai-istress kagwapuhan ko sa’yo!” bulyaw niya.

Hasht5. Punyetang ‘to. Murahan ba gusto niya? Aba! Game ako d‘yan!

“Ba’t ka ba hindi tumitingin sa dinadaanan mo?!” dagdag niya pa.

“Wala kasing forever! Punyeta mo!” 

“Aba!—”

Nagsimula na akong maglakad palayo. Wala akong paki sa sinasabi niya. Bibig niya palang parang mapapadpad ako sa ibang mundo dahilan sa kahanginan niya. Pag ‘yun pumalit sa China, hala, kabahan kayo.

Kung itatanong niyo kung kilala ko ba ang gagong ‘yun.. Aba! Ayaw kong magsayang ng oras. Wala din namang forever mga ulol! Pero seryoso, tinatawag siya na The Casanova. Sa sobrang kasikatan, papalit-palit ng babae. Trying hard sa pagpapatunay na merong forever. Tae nila sagad to the bones!

“Look mommy! She look like an ugly duck! ^____^” sabi ng bata sabay turo sa’kin. Aba walang modong batang ‘to! -__-+

“Kasalanan ito ng paasang punyetang forever na ito e! Argh! Basta! Wala paring forever! Salita lang ‘yan!” sabi ko sa sarili ko. Tumingin naman ang mga tao sakin as if baliw na ako. Inirapan ko lang sila saka ini-rampa ang kagandahan ko. Hmp! Edi wow!

***

Author's Note: Sorry kung maikling update. Iyan lang kasi kinaya ko. Masakit narin mata ko. Lols. Kaway-kaway sa mga #TeamPuyat dyan! Haha! Don't forget to vote if you like the update and comment for your opinion. Love lots! :*

Xoxo,
Beybii :">

Sa Mata ng mga Bitter (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon