ansabi ni lipatpahina:
Hello. X) Sorry po ah, pangit. Ayaw kasi mag-function ng utak ko hanggat di ko naitatype ito eh. XD Kaya eto po, enjoy! Comment your feedback po below sana. :) I appreciate your votes, but I love your comments better. Ahaha, unpeyr no? Pero kung ayaw nyong magcomment, ayos lang. Votes nyo lang, solb na po ako.
---------
Gabby. Si Lalaki.
Napangiti ako habang tinetesting ulit sabihin ang pangalan mo. After ten long years, ngayon lang ulit tayo magkikita. Ngayon ko lang ulit mabibigkas ang pangalan mo. Sana ngayon, masabi ko na ang lahat.
Sana masabi ko na mahal na kita noon, at kahit na hindi tayo nagkita ng matagal, hindi pa rin 'yun nagbabago.
Ang sixteen year old na Marian na kilala mo noon? Twenty six years old na ngayon. Ang dami nang nagbago. Pero ang di nagbabago, ang pagmamahal ko sayo.
Natawa ako ng mahina sa pinag-iiisip ko. Ang corny ko. Ang baduy. Napatingin na lang ako sa labas ng bintana ng tricycle na sinakyan ko. Ang ganda pa rin ng Bulacan. Mas peaceful kesa sa Manila, pero I can't help that.
Parang nagflash back na naman sa isip ko ang pinagsamahan natin nang makita ko ang dati nating high school. Lahat-lahat.
Sabi nga ng iba, our love story is a cliched one.
Wala naman tayong magagawa. Kung magkakalove life ba ang isang tao, sasabihin pa ba nya na, "Hep, hep! Lord, gusto ko 'yung original ah? Yung walang pinagkopyahan, para feeling special ako!" ?
Hindi no. Choosy ka pa? Hindi ganyan ang love. Biglaan na lang 'yan. Hindi ka na makakapili ng mga mararanasan mo habang in love ka. Si Lord na bahala dyan.
Pero yung sa atin kasi, kumbaga sa CD, gasgas na gasgas na. Lahat naman kasi ata ng estudyante, at some point in their lives, nagkacrush sa seatmate nila.
Malamang. Sa araw-araw na binigay Nya, lagi na lang yung mukha mo nakikita ko. So, magtataka ka pang magkacrush ako sayo? Eh, ano pa ba ang magagawa ko?
May weakness ako sa mga lalaking singkit. Wadapak, parang sira ulo no? Sa singkit pa nagkacrush! Pero 'wag kang sumang-ayon, isa ka sa singkit e, baka ma-offend ka. Unang tingin ko pa lang sayo nung nagpapakilala ka noon, gwapo na ang tingin ko sayo. Singkit ka eh.
Pero 'yun lang ang positive na tingin ko sayo. AHAHA, ang sama ko, no? Pero totoo naman kasi. Sino ba namang magkakagusto sa isang lalaking bansot, puro peklat at sugat ang braso, tapos magulo pa ang buhok?
Sino pa? Edi ako. Hayst.
Naalala mo pa ba 'yung una nating pag-uusap? Kung hindi, pwes, ipapaalala ko sayo.
Pinakilala ka ni Ma'am nun to the rest of our class as isang matalinong lalaki. Lagi ka daw sumasali sa mga spelling competition. Bilang isang estudyanteng running for valedictorian, I felt troubled. Paano kung maungusan mo ako?
BINABASA MO ANG
Cliche
Teen FictionBest friends falling in love with each other? Cliche. Duo who starts arguing then ends up as a couple? Cliche. Pero wala nang mas ki-cliche pa sa storya nating dalawa. ---- (c) lipatpahina | Romance | Teen Fiction (or not?) | Slice of Life