Facebook status (one shot story)

5.6K 207 73
                                    

My very late gift for you janjan.Thank you dahil hindi mo ako nakakalimutan kahit di na tayo nagkakausap. Love ko kayo nila jemjem :))

'Yung gusto mong ngumiti sa kilig ang kaso kelangan mong pigilan dahil katabi mo lang siya'

_______

'stop being attractive, it's distracting >.<'

#thatlaugh

After ko magpost ng status ay bumalik na ako sa pagbabasa.

Nakaupo ako ngayon sa isang bench sa gilid ng field. Sakto namang kaharap nitong bench yung canteen kung saan siya naka-upo kasama ang mga kabarkada niya. Sinubukan kong ituon ang buo kong atensyon sa binabasa ko, pero hindi ko parin mapigilang mapasulyap sakanya.Wala tuloy ako maintindihan sa binabasa ko >o<.

Nga pala ang tinutukoy ko ay si Marco Quinto. Ang taong di ko alam kung kelan ko naging crush, basta naging crush ko nalang ng hindi ko namamalayan. Hindi naman kasi siya ganun kagwapo na tipong mala-love at first sight ka na.

Noong unang kita ko nga sakanya ay parang wala lang, tulad lang ng mga ibang estudyante na bago sa paningin ko. Nang makita ko ulit siya ay wala lang ulit. Hanggang sa halos araw araw ko na siyang nakikita sa Campus, madalas ko siyang nakikitang nakatawa kasama ang mga kabarkada niya kaya masasabi mong easy go lucky lang siya na kabaliktaran naman ng gusto ko na nerdy at silent type.Pero ewan ko ba, minsan napapangiti nalang ako matapos ko siyang makita, naisip ko pa nga na baka soulmate kami. Nakakalungkot lang dahil ni minsan hindi ko pa siya nakausap, hindi naman kasi ako ganun ka friendly na mang-aaproach ng hindi kakilala and to think na lalaki siya -o-

Nalaman ko lang din full name niya dahil sa facebook, nakita ko picture niya sa friend suggestion. Nagdalawang isip pa ako nun kung i-aadd ko ba siya na in the end di ko rin naman na-add dahil maximum friends na siya kaya nag-subscribe nalang ako. Nakakagulat dahil ang dami niyang subsbribers at noong nag-stalk ako ng profile niya nalaman kong member pala siya ng university journalist. Nasa choir din siya tapos siya pala yung top notcher sa entrance exam under accountancy and Comsci. Medyo naloka ako noon dahil hindi ko inaakalang ganoon siya at sikat pa.

"Jah!" nawala ang pagmumuni-muni ko nang marinig ko boses ni Weency. May kasama siyang dalawang babae. Yung isa kilala ko sa pangalan dahil madalas ko siyang makitang kausap ni Marco sa facebook comments. Chiaki ata yun.

Medyo na-conscius tuloy ako, kasi sobrang ganda niya sa personal. Ngayon ko lang siya nakita dahil hindi naman palipat lipat ng campus ang nursing, yung mga professor pumupunta sakanila.

"Wen! Musta?!" tumayo ako tsaka niya ako niyakap ng mahigpit

"Wah! I miss you janjan! cute cute mo parin, ay nga pala si Chiaki at Nami blockmate ko, si Janine naman classmate ko nung highschool" pinisil niya pisngi ko, mas na-conscious tuloy ako.May pagka-chubby kasi pisngi ko pero hindi ako mataba, ok? -___-

naghello kami sa isa't isa tapos konting chika at nagpa-alam narin sila. Pero bago 'yon ay nakita kong tinawag ni Marco si Chiaki tapos nagkakantiyawan na yung mga barkada niya.

Kaya heto ako, selos mode plus insecure plus selos parin. Gusto ko tuloy mainis kay Marco dahil feeling ko ang landi/harot niya ang kaso wala naman ako karapatan. Ang kapal ko rin kung magagalit ako kay Chiaki, eh wala naman akong panama sa ganda niya. Foreigner e!

anyway, okay lang yan Jah. Malay mo friends lang talaga sila, hindi naman siya in a relationship sa facebook e.

________

Sa sumunod na mga araw ganun parin, nakikita ko siya ng hindi inaasahan, minsan nga pinapanalangin ko na wag ko na siyang makita para tumigil na ako sa kakaisip na soulmate kami, pero mapang-asar talaga si tadhana. Malaki naman tong Campus, yung kaibigan ko ngang same course ko minsanan ko lang makita pero siya araw-araw! to think na magkaiba naman kami ng College Campus. Kaya masisi niyo ba ako kung iisipin kong soulmate kami?

Facebook status (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon