SCENE 2 & 3 [NARRATION TYPE]

11 0 0
                                    

A/N: Eto na po yung Scene 2 & 3 NARRATION TYPE. ENJOY PO!

VOTE!

COMMENT!

BE A FAN!

RECOMMEND!

THIRD PERSON POV

Mabilis na naging magkasundo ang dalawa at sa ilang buwan na dumaan naging bestfriend na ni Steph si Regine. Hanggang dumating ang isang araw na may kailangan aminin si Regine kay Tep.

Habang naglalakad pauwi sila Regine ay nagsalita siya.

"Steph! Bestfriend! May sasabihin ako sayo..." seryosong sabi ni Regine

"Oh? Ano yun? Mukhang seryoso ka ah..." pagtatanong na tila nababahala sa seryosong itsura ni Regine

"Wag ka magagalit ah..." Pagsusumamo ni Regine

"hala? Ba't ako magagalit?" Nagtataka na talaga si Steph sa kinikilos ni Regine

"Promise?" paninigurado ni Regine

"OO dali!" excited na sabi ni Steph

"May gusto...ako...kay...JOSH." Nagaalangan na sabi ni Regine

"Weh? Pwera biro? Dun sa mokong nay un? Hahahaha." Natatawang pagkukumpirma niya.

"OO! Siya nga! Kay Josh Carlwin Sosa!!!" sabi ni Regine na tila kinikilig

"Ew! :)) Joke. Haha. Hay nako Goodluck na lang teh!" Kunyaring nasusuka ang expression ni Steph.

"Um. Baka naman pwede mo ko ilakad dyan? :"> total naman bestfriend mo rin siya diba! Please bestfriend!!! :">" Paghingi ng tulong ni Regine kay Steph.

"Sa isang kondisyon!" sabi ni Steph.

"Ano un? Kahit ano." Pagpayag ni Regine.

"Magdougie ka muna! :))" Utos ni Steph

"Ehhh. Seryoso ka?" Nagaalangang sabi ni Regine

"Joke! Oo na sige na!" Pagpayag ni Steph

"Yey! I Love You! I Love You talaga. Thank You! Thank You!" Natutuwang pahayag ni Regine

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Tumawag si Steph kay Josh para maiplano niya ang paglalakad sa. dalawa.

"Oh! Tol! Napatawag ka?" Nagtatakang saad ni Josh dahil bihira lamang itong tumawag sa kanya. At tuwing tatawag ito ay ibig sabihin lang nun ay may kailangan siya.

"Magkita tayo mamaya. CL Coffee Shop sa tapat ng. 2NE1 Acad, 12:30 Magpapogi ka ok? Maligo ka na! Bye!" Diretsong sabi ni Steph at binaba na ang tawag.

"To talagang babaeng to, gumagawa na naman ng date namin." Sabi ni Josh sa loob loob niya.

∞∞∞∞∞∞∞MBFBF∞∞∞∞∞∞∞

*later. :)

MY BESTFRIEND'S BOYFRIEND (EDITED) *FIN*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon