Summer of 1981
Firefly valley.
Nakaupo si Caroline at Anna Leah ng magkaharap sa mabilog na mesa habang kaharap nila ang kanilang kaibigan noong highschool na si Aubrey. Aubrey is a new Yorker. Kahit noong bata pa siya, pabalik-balik na na siya sa labas ng bansa at after seven years, nagkita ulit sila ng kaniyang dalawang mga kaibigan at isa na siya ngayong registered nurse and now her goal is to stay here in firefly valley to serve Filipino at sa iba pang taong mahihirap at nangangailangan ng kanilang serbisyo.
"We're so happy to see you again here Aubrey, seven years tayong hindi nagkita. Alam mo pangarap ko rin kaya ang makapag-trabaho abroad. Buti ka pa eh pabalik-balik ka lang sa new York, samantalang ako kahit nga magtungo sa siyudad bihira lang kasi hindi ko rin maiwan-iwan sina nanay at tatay ko" ito ang sinabi ni Caroline.
"Caroline, hindi naman mahirap makahanap ng trabaho dun sa new York eh, lalong-lalo ka na, matalino ka at maganda pa. Basta matapang ka lang kasi malayo ka sa mga parents mo dito, don't worry I'll help you"
"Talaga? Wow salamat Aubrey ha? Gustong-gusto ko kasi talaga dun eh. Pero siguro dito na lang muna tayo."
"Oy mamaya paparating na ang doktor. Alam mo niyo ba?nagkaroon daw ng engkwentro ang mga sundalo sa kabilang bayan, nako sampo ang sugatan pero buti naman at walang may namatay sa kanila" sambit ni Anna Leah.
At naputol ang kanilang pag-uusap nang marinig nila ang mga nag-iingay na tao at tila nagkakandarapa sa pagdating ng sasakyang ng mga sundalo.
Pumasok si Aubrey sa loob ng tent at nakita niya ang mga nag-iiyakang mga kamag-anak ng mga sundalong nasugatan. Parang hindi niya alam kung ano ang una niyang gagawin. Pero bilang isang nurse kailangan niyang kontrolin ang kanyang emosyon at madaling kabahan dahil alam niyang hindi ito pwede, pinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim sabay na lumapit sa mga sundalo. Nakita niya sina Caroline at Anna Leah na nag-aasikaso ng ibang pasiyente at ginagamot ang mga ito. Lumapit sa kanya ang isang sundalo at tila balisang-balisa.
"Nurse, we need your help,my friend needs your help"
"O-okay, where is he now?"
Lumapit siya sa kung saan naroroon ang sundalong sugatan at nakita niya ito sa dulo na nakahiga sa kama at tila masamang-masama ang pakiramdam. Nakitta niya ang sugat nito sa braso at may dumadaloy na dugo kaya bigla siyang umalerto at kumuha ng gamot at mga bandage para dito.
"Just relax okay? I'm here, gagamutin kita" aniya.
Agad niyang ginamot ang sugat nito at siniguradong mawala ang mga pumasok na pulbura sa loob.
"Don't worry sir, dapyas lang naman ang tama sa'yo. So you have nothing to worry kasi magagamot natin 'to okay?"
Nakatulog ang lalake habang ginagamot niya ito. At ilang sandal lang ay nalinis na rin niya ang sugat at nalagyan ng bandage upang mapigilan ang pagdaloy ng dugo.
"Okay na siya, kapag gumising na siya mararamdaman na lang niya ay kaunting hapdi at kirot sa sugat. Ilalagay ko na lang din ang gamot dito, pain reliever ito para mas mabilis siyang gumaling" pahayag niya sa isang sundalo.
"Salamat nurse ha? Alam mo kasi bago pa lang kami sumubok sa operasyon at malakas na giyera agad ang na encounter namin, hayaan mo kapag gumising na siya sasabihin ko na gagaling na siya kasi magaling ang nurse niya. Ako pala si Owen at ikaw?"
Nakipagkamay siya kay Owen at sinabing. "Aubrey, nice meeting you Owen, kung may kailangan pa 'yung kaibigan mo, nasa labas lang kami, pero kung gabi na at emergency nasa hotel ng resort lang kami tumutuloy."
YOU ARE READING
One Day Soon
RomanceHow do you say goodbye to someone you can't live without? Story by: Alries Tupas