WARNING:
--
Valentines Day?
Hep! Ayan na naman February 14 na naman. Uso na naman ang red. Kahit saan tumingin red at puso. Lahat may kaniya kaniyang bitbit na chocolates, flowers, cakes, bears, baloons at kung anu ano pa.
Kulang na lang tulungan ko silang magbitbit mukhang hirap na hirap na sila. Palakihan ba yan ng bears? Sila na may kanya kanyang dala! Ako na wala. Nakakahiya napaka obvious na walang nagka interest sakin.
May kaniya kaniya na din silang mga dates. Yung mga boys ba naman kase puro surprises na parang wala ng bukas at todo effort para lang tanungin na maging prom date bukas ang mga iniirog nila.
Yung iba naman kakantahan sa public place si girl with banners, mananawagan pa ng mga kasabwat. Pagkatapos may nalalaman pang kissing scene sa harap ng madaming tao. Kunwaring natouch eh sanay na sila sa mga kanyang eksena. Jusko! Kulang nalangipagsigawan nila sa mukha ko na "Mamatay ka sa inggit!"
Ang sweet sanang panoorin kung ako yung nasa ganung situation pero dahil hindi. Well, titirisin ko kayo isa isa sa pag-iisip ko. Ang daming ka-ek-ekan! Ganun lang ang eksena sa campus. LAHAT MASAYA.
Pero ako? BITTER. DRY. BROKEN. HOPELESS.
Haay ano pa nga ba, I'm used to it. In fact, I never had that sweet and memorable Valentine's Day. Ewan ko ba bakit pag araw ng mga puso nachechempo na dry talaga ang lovelife ko. Err I'm not expecting for a change. Duhh.
Pero naiisip ko din minsan. Di naman sa pangit ako diba? Eh yung iba nga jan di naman kagandahan pero ang daming suitors. Pero ako ni isa wala! Wala!
Kahit minsan lang gusto ko ding malaman yung feeling na may magbibigay ng simpleng flowers at chocolates sakin. Ano bang meron sila na wala ako? Di naman sa paranoid pero.. Grabee -.- masyado ba akong nakakatakot? Mukhang tariray? Maldita? Bruhilda? Tsk..
Naiisip ko lang din.. Siya kaya anong gagawing surprise sa girlfriend niya ngayon? well, I'm not pretty sure kung sila nga ba, but I guess so. Sobrang sweet nila! At ang sakit sa mata na makita yun. (Weh? Sa mata nga lang ba?) Okay sa PUSO! Ayoko mang aminin pero ilang years din akong umasa na kahit simpleng flower or chocolate (wala ng "s" hah. Singular!) manlang galing sakaniya makatanggap ako. Kahit yung pinaka common pa na binibigay sa lahat basta galing lang sakaniya masaya nako. T.T
Siguro nga hindi naman lahat ng tao makakamit yung ganung situation sa buhay *sigh* Osya ignore this world na lang! Mabuti pang mag-prepare na lang para sa Promnade bukas kahit wala naman akong gagawin doon. Wala lang. Bench-warmer. Kadamay ko yung upuan at table. Isa-isang titirisin ang mga couples na nagsasayawan.
Aishh. Yeah okay, I admit it. I'm bitter.
I'm Lysle Jash Armo. And yes this is my Diary
*laters*
BINABASA MO ANG
Bitter's Diary (slow update)
Teen FictionBeing bitter in my own little world is my only way to hide the pain