Chapter 1 - 5

933 12 1
                                    

CHAPTER 1

1:1

"Lucky I'm inlove with my bestfriendS. Ohh ohh..", malakas na kanta ni Shey na tila tuwang tuwa habang nakikinig ng patugtog ng babaeng gumagamit ng laptop.

Si Shey Martinez ay likas na maganda kaya naman madami ang nagkakagusto dito dahil na din sa maputi, sexy at matangkad ito. Simula ng makilala nya sina Joe at Eslove, ang bestfriends nya, ay di na ito naghanap ng pag ibig.

Nagulat si Shey ng may biglang humalakhak ng malakas.

"Ang korni mo, Ate!", sabi ng babaeng humalakhak.

"Ha?! Anung korni dun?! Ang weird mo talaga!", sagot naman nya.

"Hmm. Ate, posible bang ma-inlove sa bestfriend?", biglang seryosong tanung ng babae.

"Ha? Oo naman! Tignan mo ako at ang bestfriendS ko.", sagot nya sabay ngiti.

"Ate, iba naman 'yan eh. BestfriendS naman 'yan eh. With 'S' naman 'yan eh. PLURAL. Love 'yan as family. Eh panu pag bestfriend lang? Eh panu pag love as more than.. you know?", sagot ng babae.

"May point ka. Hay naku! Mahirap 'yun. Sayang ang friendshhh-- Aba, teka nga! Bat mo naman naitanung, ha?!", Nagtatakang tanung nito.

"Wala lang naman.", sagut ng babae.

"Ang weirdo mo talaga! Osya, hinaan mo na 'yang patugtog mo at ako'y..", naputol na sabi ni Shey.

"BUZZ!", malakas na tunog na galing sa laptop partikular sa Yahoo! Messenger na dahilan ng pagkahinto ng pananalita ni Shey.

"Sorry, Ate! Ayan mahina na.", sagot ng babae na sabay ngumiti.

"Hay naku! Ikaw talaga, Devon!", sagot ni Shey na sabay alis ng kwarto ni Devon at tila natulog sa kanyang sariling kwarto.

Devon Martinez. Ang tunay nating bida. Siya ang makulit, matalino, bibo at masayahing kapatid ni Shey. Mas maganda ito ng kaunti sa kanyang Ate. Pero, kabaligtaran ng kanyang Ate, si Devon ay kayumanggi. Mas maliit ito sa kanyang Ate. Magaling kumanta at sumayaw. Nagmana ata sa Ate nya na super galing magsayaw.

Ang pamilya ni Devon ay may kaya. Nabibili nila lahat ng gusto nila at kumpleto din sa gadgets ang magkapatid. May sasakyan na CR-V at dalawang palapag ang bahay. May aircon ang mga kwarto at sala at nakatira sila sa class A na subdivision.

"Em-Em! :)", chat sakanya ng nagbuzz kanina.

"Dee-Dee! :)", reply nya sa chat nito.

DeeDeeJArch: How are you? I'm soooooo excited to see you again! :)

DevonMM: I'm good! You? :) Ako rin naman eh. So kelan ba?

DeeDeeJArch: Good. You're doing good so I'm good too! :p

DeeDeeJArch: Hmm. Next week!

Napatalon si Devon sa kanyang kama at hinalikan ang litratong nasa side table ng higaan nya na tila kinikilig. Naging sanhi ito ng hindi pagreply agad sa lalaki sa chat.

"BUZZ!", naatat na ata ang lalaki.

"Ay, oo nga pala!", nasabi ni Devon sa sarili.

"DeeDeeJArch is offline.", nabasa nito sa chat.

"Awts!", sabi uli ni Devon sa sarili.

Binuzz nya rin ito.

"DeeDeeJArch is now online.", sabi sa chat.

"DeeDeeJArch is typing a message..", sabi uli sa chat na nagpakilig muli kay Devon.

"What took you so long to respond?!", sabi ng lalaki na tila nagtatampo.

When I Look At My Bestfriend (JaEvon)Where stories live. Discover now