Hindi inaasahang pagkakataon

18 0 0
                                    

"Kay tagal kung hinintay, lahat ay nagbunga. Sa wakas!"

Ako si "Kurt Garcia", ika-sampung baitang na. May pagtingin ako sa aking matalik na kaibigan, siya si Kiara Mendel. Siya yung tipong babae na walang kinakatakutan, matapang siya, maganda at mabait. Minsan siya pa ang lalaban para sa akin kaya noong dumating siya sa buhay ko, sabi ko sa sarili ko na, "Papakasal ko ang babaeng to". Kalahati ng pagkatao ko siya ang kasama, kaya kahit sa malayo man o nakatalikod alam ko na siya si Kiara.

Buhay ko'y naging makulay noong dumating siya. Ngiti ko'y abot tainga kung kasama siya,  di bali na buong araw na kwentuhan basta't siya ang kausap. Siya ang magandang rason kung bakit nagtagal ako.

Araw na sa pasukan:
Pagpasok ko sa paaralan. Hinahanap-hanap ko si Kiara. Ayun nakita ko siya sa dati namin tambayan. Kitang- kita ko ang malalaki niyang ngiti. Aamin na ako sa matagal kung nararamdam para sa kanya. "Ito na talaga ang tamang pagkakataon"

Kiara:"Uy, nandito kana pala! Halika't may ipapakilala ako sayo".

Ako'y nagtataka kung anung pasabog na naman ito. Di kasi siya mahilig magsurpresa sa akin.

May lalaki, nakatayo, maymakinis na balat, matangkad, may magandang mukha at may mga magagandang ngiti.

Kiara:"Kurt, Ito pala ang boyfriend ko, mag-iisang taon na kami ngayung disyembre 11".

Tumigil ang mundo ko, umitin ang mga paningin ko. Dumilat ako ng kunti, ang liwanag ng nakita ko, akala ko namatay na ako. Ayun pala nasa ospital lang ako. Nakita ko si Kiara nakaupo sa gilid, mata niya'y na pa luha. Di ko matiis na makita siyang malungkot.

"Ehh, paano na kay kung lalaho na ako?"

Kinabukasan:
Maaga akung nagising, dahil sa sobrang galak na makasama siya. Sais emedya pa sa umaga hinintay ko siya sa labas ng kanilang bahay. Nakalimutan ko na ngang mag-almusal.

Ilang minuto, dumating si Mark Reyes, ang lalaking mahal niya. Ayun nakita ko ang kanyang mga ngiti ay iba na nakaharap kay Mark, sakit ang nadarama ko ngunit wala akung magawa. Ako'y umalis.

Di ko mapigilan sarili ko na hindi umiyak, iba ang kanyang mga titig kay Mark. Nakita ko na ang saya-saya niya. Kahit man masakit para sa akin, bali wala lang dahil alam kung maligaya siya.

Sa araw na iyon, hinanap ko si Kurt. Di ko siya nakita, inikot ko na ang buong kampus ngunit ning isa walang alam kung asan siya.

Pinuntahan ko bahay nila, ngunit wala ng nakatira. Pinasok bahay niya, at may inabot na sulat ang kanilang katulong. Binasa ko kaagad baka susurpresahin ako niya ngunit...

Mahal kung Kiara,
               Alam mo, sa unang pagtingin ko sayo. Alam ko ang pagtutunguhan ng aking kinabukasan, mahal na kita dati. Di ko lang masabi baka tayo'y masaktan. Sabi mo sa akin na lahat ay may katapusan, ngunit ang pag-ibig kung ito ay panghabang buhay. Di ko man masabi sayo pero araw at gabi ika'y nasa isip, mahal na mahal kita. Alam kung masaya kana sa piling ni Mark, at alam kung poprotektahan ka niya,sinabihan ko na siya. Lumayo ako hindi dahil kay Mark, lumayo ako dahil sa States ako magpapaopera sa Tumor ko sa utak. Wag kang mag-alala, tatagal ako sa mundo. At kung hindi ito magreresulta ng maganda, ehh alam kung aalagan ka ni Mark. Sinabihan ko na siya. Kiara, mahal kita wag mung kakalimutan at ito'y panghabang buhay. Tingin ko ako'y nakalaan upang mapatunay sayo na may panghabang buhay na pagmamahal.
                        
  Ang nagmamahal sa iyo, KURT GARCIA

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Oct 13, 2015 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Ikaw ay Panghabang BuhayOù les histoires vivent. Découvrez maintenant