Chapter 5.
"Cait, anak? Halika ka na sumama ka na kay Mama." tawag sakin ni Mama.
"Ma? Ma, ikaw nga!" agad akong tumakbo para salubungin siya ng napakamatinding yakap. "Ma namiss po kita. Mahal na mahal po kita, Mama." Umiiyak na ako habang nakayakap pa rin kay Mama.
3 taon ko siyang hindi nakita, nayakap, nakasama, nahalikan.
"Sumama ka na sakin. Mamumuhay tayo ng tahimik, masaya. Tayong dalawa anak." sabi nito sabay ganti ng yakap.
Bumitaw ako sa pagkakayakap at tiningnan siya sa mga mata niya. "Ma, hindi na pwede. Ma, patay ka na e tapos buhay ako. Tama ng sa panaginip, Ma. Sa panaginip kita mayakap, mahalikan at makausap."
Oo, patay na si Mama. 3 years na siyang patay.
*SPLAAAAAASH*
Agad akong napabangon sa higaan ko. Bakit? Binuhusan lang naman ako ng malamig na malamig na tubig ng asungot kong kaibigan!!!
"ANONG PROBLEMA MO?! BUKOD SA MUKHA MO?! HA?!" sabi ko. Babangasan ko na talaga 'to e.
"Kanina ka pa ginigising ni Baby, ayaw mo daw gumising umiiyak ka pa." paliwanag naman nito.
"Kailan ba nagkaroon ng bata dito?" tanong ko.
"Pilosopo." sabi nito tyaka bumaba na.
Pikon ang loka hahaha.
"PILOSOPA KAYA!" pasigaw kong sabi.
Napanaginipan ko na naman si Mama. Namiss ko na si Mama.
Naligo na ako at bumaba na para kumain. Kailangan kong agahan pumasok ngayon, ayoko na malate pa.
"Good Morning, Cait. Let's eat." sabi ni Oly sabay turo ng upuan para upuan, syempre.
"Good Morning din, Oly. Ahm? Pwede request? 'Wag ka na sana mag-english dito sa bahay kaloka kasi alam mo namang bobo ako sa english e." sabi ko. Pawang katotohanan lamang. Honesta ako e.
"Susubukan ko." Sabi nito.
Tatawa sana ako kasi kapag magsasalita siya ng tagalog para siyang bakla kung magsalita ng dumating si Ken na may dalang Tocino bagong luto.
Peyboriiiiiiiiiiiiiit *0*
"Sino nagluto?" excited kong tanong.
"Ako." tugon naman ni Oly.
Mabuti naman baka malason ako nito kapag si Ken ang nagluto HAHAHAHAHAHA.
Kumain ako ng kumain ng kumain mabuti nalang talaga marami-rami niluto ni Oly kasi nga peyboriiiiiiit *o* huhuhuhu.
"Uso mamigay." sabi ni Ken.
"Paano kung ayaw ko?" kaloka! Sabing favorite e!!
"Edi ayaw. Panget ka pa rin." sabi nito sabay tayo lara ligpitin ang kanyang pinagkainan.
Sinipa ko nalang ang paa niya sa ilalim ng lamesa at tyaka kumain ng kumain ng kumain ng Tocino baby ko.
-later-
BINABASA MO ANG
Just For You
Teen FictionKapag mahal mo ang isang tao lahat gagawin mo, lahat isasakrapisyo mo para sakanya, lahat gagawin mo para lang mapasaya mo siya, lahat ibibigay mo para lang hindi ka niya iwan pero sapat na ba 'to para sabihin na mahal talaga tayo ng isang tao? Ito...