Ang Boyfriend kong PASAWAY!

435 9 4
                                    

Qassandra: I dedicate this chapter to her because I really love her story. Hi Ate Fatima! Sana mag-update ka na, haha! Lovelots :* 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------★

Kabanata One! 

"We need to break-up." 

"H-huh?" hindi ako makapagsalita. Bakit pa ako nagtanong kung masakit lang naman para sa 'kin ang sagot. Mahal ko si Marcus, minahal ko siya almost 3 years, pero ganito ang hinantungan. 

"I said we need to break up, Marian." huminga siya ng malalim bago magsalita. "I know nasasaktan ka ngayon. But I'm sorry, I realized na wala na pala akong nararamdaman sa 'yo. Nakikipagbreak ako hindi para saktan ka. Kundi dahil ayoko nang lokohin ka." 

Pinunasan ko yung luha kong kanina pa tumutulo. "Tapos ka na?" 

Mukha siyang nagulat sa sinabi ko. Ano pa bang silbi ng pagsigaw ko kung alam ko namang hindi na maibabalik no'n ang pagmamahal niya para sa 'kin?

"Fine. Break up with me. But let's forget the three years that we've been together." cold kong sabi sa kanya. 

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Wag naman oh." 

Pumiglas ako sa hawak niya. "I've decided. Let's forget each other." 

Tatalikod na sana ako. Nang magsalita siya, 

"Fine! Mas mapapadali ang panliligaw ko kay Veronica. Forget about everything Marian." he smirked. 

Tuluyan na akong tumalikod kasabay ng mga luha kong kanina pa gustong lumabas. 

*** 

"What the? Ang kapal talaga ng mukha niyang Marcus na 'yan! Porket gwapo siya, nakakag*go na siya ah!" sabi ni Natalie o mas kilala bilang Nathaniel. (Alam na?!)

Ngumisi ako. Ito talagang bestfriend ko, mas affected pa sa'kin eh. 

"Hayaan mo na siya pards. Diba sabi ko naman sa 'yo? Kakalimutan ko na siya, kaya kalimutan mo na rin." sabi ko sa kanya. 

Tinapik niya naman ako sa balikat. "I'm so proud of you bestfriend. I'm so proud of you." sabay kunyaring punas luha. 

Natawa na lang ako sa kanya. Loka talaga! 

"Pards! Tara gala tayo?" masiglang tanong niya sa'kin. 

"Gala na naman? Gumala na tayo kahapan ah?" tanong ko sa kanya. 

"Kahapon 'yun. Hindi ngayon! Magbihis ka na at pupunta tayong San Francisco." 

"San Francisco? California? Wala akong pera!" 

Binatukan naman ako ng gaga! 

"Baliw ka best! San Francisco, Quezon." 

"Ahh. Hahaha! Sige. Bihis ka na rin." 

Nandito kami sa San Francisco, hindi ko alam sa babaitang itey kung saan ako dadalhin. Ang layo kaya nito, sa Paranaque pa kami nakatira eh. Nagpahatid lang kami sa driver. 

"Dito?!" tanong ko sa kanya. 

Nandito kami ngayon sa Qassi Wassi Wonderland. Isa siyang amusement park katulad ng Enchanted Kingdom. Mas malaki nga lang ito ng konti. 

"Yes. Kaya bago tayo gabihin, pasok na tayo. At para naman makalimutan mo agad yang chubachenes na sakit sa puso mo." at hinila niya ako papunta sa loob. 

Bumili siya ng Ride All You Can Ticket worth 500 pesos. Natatawa ako sa kanya kasi supportive talaga siya para sa 'kin para makapagmove-on ako kay Marcus. 

Una naming sinakyan syempre, yung Anchor's Away. Grabe nakadalawang sway pa lang yung barko naloka na agad kami ni Natalie. Sunod naman yung Tower, sigaw ng sigaw si Pards, tapos nung nakababa na kami, tinanong niya sa operator ng Tower kung may naiwan daw na kaluluwa sa taas. Feeling niya daw kasi nagpaiwan yung kaluluwa niya. Ayun tawa ng tawa si Kuya. Sunod yung 50 meters away. Yung parang nakasakay ka sa bike tapos nakaipit yung dalawag kamay sa likod mo then aandar yung bike nang mabilis, hihinto lang kapag naka-50 meters na. Grabe naloka ako dun. Gulo-gulo buhok ko eh, nevermind kay Nat. Hahaha! Last naming sinakyan yung bump cars. Grabe para kaming bata, ang ingay namin. 

Magpa5 pm na nang matapos kaming magsaya. Grabe ang saya talaga, feeling ko wala akong problema. Haaaay! 

"Teh, ang sakit ng ulo ko dun. Pero worth it naman. Nag-enjoy ka ba Pards?" tanong niya sa 'kin habang hinihilot yung ulo niya. 

"Oo naman. Grabe nakakatawa talaga yung itsura mo nung nasa bike tayo." sabi ko habang humahagapak ng tawa. 

"Grabe teh ah! Ikaw na nga nilibre, ikaw pa mean diyan. Pero keri lang, natalo naman kita sa bump car." sabi niya sa akin habang pumapalakpak. 

"Sus. Paano madaming lalaking nanunuod kaya nagpakitang gilas ka." asar ko sa kanya. 

"Grabe naman teh! Masyado bang obvious?" 

"Oo teh, kung hindi panlalaki ang suot mo ngayon, malamang magsisialisan yung mga papables mo. Kung makapaglaway ba naman kasi. Parang asong ulol." 

"Maka-asong ulol. Nako pards huh? Im so tampo na. Sa ganda kong itey mukhang asong ulolalou? Wag na uy!" sabi niya at may pairap-irap pang nalalaman. 

Umuwi na kami pagkatapos, madilim na kasi. Hindi na namin maeenoy yung rides, hindi namin makikita. Hindi na din namin inexpect ang fireworks, hindi naman uso sa kanila 'yun. Enchanted lang ang merong ganun. 

Pagkarating namin sa bahay, dumiretso na agad kami sa kwarto namin. Pinsan ko si Natalie kaya naman okay lang samin ang ganun. Tsaka parehas naman kaming pusong babae, ang pinagkaiba lang, papable ang panlabas niya. Hihihi. 

Tinignan ko naman ang picture frame sa gilid ng kama ko na nakapatong sa mini cabinet. Nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko. Nakakainis naman eh! Bakit pa kasi tayo nagkahiwalay? Bakit si Veronica pa? Hindi ba pwedeng tayo na lang forever Marcus? 

I checked my phone kung may text si Marcus. Hindi naman siguro masamang mag-expect noh? 

One message received. I opened it. 

From: Qassandra Evans 

Every girl deserves a guy who can make her forget that her heart was ever broken.

--Hello Everyone! Need 2 sleep na. Good night :* 

GM. 

Kailan ka ba dadating right guy? Para hindi na ako masaktan oh.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- xx 

Marcus and Marian sa side. Cute couples right? Pero nakakalungkot dahil break na sila. Sino kaya si right guy? Hmmm. *hawak sa baba* 

Qassandra (●´∀`●)

Ang Boyfriend kong PASAWAY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon