Kabanata Two!
"Turn it up loud, lalala! Turn it up loud, lalala!"
Isang nakakabinging umaga ang gumising sa 'kin.
Nakanta na naman si Natalie ng Turn It Up ni T.O.P ng Bigbang.
"Hindi ka ba nagsasawa sa kantang 'yan Pards? Araw-araw mo na lang kinakanta." napakamot ako sa ulo at bumangon sa kinahihigaan ko. "Bakit ka ba nandito?" tanong ko sa kanya.
Pinatay niya yung tugtog sa phone niya. Buti naman.
"Ang lamig sa kwarto mo. Madumi na yung aircon ko kaya pinalinis ko muna. Papalamig lang, sige tulog ka lang Pards." sabi niya sa akin habang nagpaikot-ikot dun sa swiveling chair ko.
"Tse! Hindi na ako makatulog, ang ingay mo kasi!"
"Churi na Pards. Masyado lang akong na-LSS eh." sabi niya.
Umiling na lang ako at bumaba na para magbreakfast.
"Manang Andeng? Paprepare naman po kami ng breakfast ni Natalie. Paakyat na lang po." sabi ko at umakyat na. Narinig niya naman siguro yun diba? Hehe.
Pagkaakyat ko. Aba si Pards, nakasimangot. Anyare?
"Ba't ganyan mukha mo?" tanong ko sa kanya.
Pinakita niya sa kin yung picture namin ni Marcus na nakaframe. "Ulaga ka talaga Pards. Paano mo makakalimutan 'yang asong 'yan kung nakadisplay sa kwarto mo?"
Kinuha ko yun at tinago sa drawer. "Mahal ko kasi siya eh."
"Hindi ko tinatanong. Ang sinasabi ko lang te, paano mo makakalimutan kung lagi mong nakikita? Hindi mo nga nakikita personal, pero picture teh? Nako nako! Kung ako sa 'yo, itatago ko na 'yan or itatapon." sabi niya habang nakacross arms.
"Wag na itapon. Sayang memories." sabi ko sa kanya.
"Whatever Marian Carmelo. Whatever." at nag whatever sign pa ang loka.
Bumukas naman yung pinto. Si Manang Andeng dala yung breakfast namin.
"Salamat po Manang." sabay naming sabi ni Natalie.
"Walang anuman. Tawagin niyo lang ako kapag tapos na kayo ha?"
"Hindi na po manang, kami na po." sabi ko.
Siniko naman ako ni Natalie, sinamaan ko siya ng tingin.
"Oo nga po Manang, kami na lang po hehe." at nagfake smile siya.
Lumabas na si Manang at nagsimula na kaming kumain.
***
Naglalakad-lakad ako ngayon sa village, dito pa rin kaya nakatira si Marcus? aish! Bakit ko ba siya iniisip? Eh hindi niya man lang ako kumustahin kahit sa text lang. Sabagay, sabi ko kalimutan niya na ako. Pero kung may pakialam pa naman siya sa 'kin diba kahit papaano tatanungin niya kung anong lagay ko? Pero baka busy siya sa panliligaw kay......
"Veronica?!" halos napasigaw ko nang tumambad siya sa harapan ko. Kasama si -------.
"Oo. Kasama ko si Marcus, kilala mo ba siya?" tanong niya sa akin. Kasama niya pala si Marcus.
Feeling ko gusto ko nang umiyak. Nakaakbay sa kanya si Marcus. Dapat ako yun eh!
"Siya? Eh-------." pinutol ni Marcus ang sinabi ko.
"Hindi kami magkakilala." cold niyang sabi.
"Oo tama siya, h-hindi k-kami magkakilala." sabi ko sa kanya.